Malapit na po matapos itong story ko. Neil's story is now available kung gusto niyo na basahin and other agent series plus Rocco's story (wala kasi sa agent series ang story ni Rocco 😂)
~~~~~
Pagkarating ko sa sinasabing lugar ay pinarada ko sa tapat ang kotse ko at kinuha na rin ang baril ko bago pa bumaba. Dahan dahan akong naglalakad at nagmamasid kung may mga tauhan ba ang pagala gala dito kaso walang kahit anong tao. Kailangan maging alerto sa paligid at baka isa lang itong patibong ng kalaban.
Habang naglalakad ako ay may nararamdam akong sumusunod sa akin kaya napalingon ako sa likod sabay tutok ng baril kaso walang tao sa likuran ko. Himala. Hanggang sa may humampas sa aking batok kaya nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa paghampas sa akin kanina. Naalog yata ang utak ko doon.
"Mabuti naman naisipan mo pang magising, mr. Suarez." Tumingin ako sa nagsalita. Hindi familiar sa akin ang pagmumukha niya kaya imposibleng konektado siya sa naging misyon ko last year.
"Sino ka ba? At ano ang kailangan mo sa akin?"
"Isa lang naman ang kailangan ko sayo." Sabay tutok ng baril sa akin. "Ang mamatay ka na! Pagkatapos mong patayin ang kapatid ko!"
Kapatid niya? Sino naman ang kapatid niya?
Sa dami ko pa naman naging misyon ay wala akong maalala kung sino doon sa mga napatay ko ang kapatid niya.
"Kaya lang bigo ang mga pinadala kong tauhan noon sa pagpatay sayo. Kaya nga buhay na buhay ka pa hanggang ngayon. At ang balita ko ay may girlfriend at anak ka. What if I am going to kill them both too."
"Huwag niyo sila idadamay! Kung gusto niyo kong patayin ay gawin niyo na!"
"Too late, my friend." Tinawag niya ang isang tauhan niya at may binulong ito.
"Yes, boss." Sabi noon bago umalis.
Laking gulat ko na lang makita si Trixie. Shit, this can't be happen. Paano nangyari ito? Kausap ko lang kanina si Trixie bago pa ako pumunta dito ah. At paano nila nalaman kung saan ko tinago ang mag-ina ko?
"J-Jake." Bakas sa tono ng boses ni Trixie ang takot.
"Sino kaya sa inyong dalawa ang uunahin kong patayin?"
"Ako na lang ang patayin mo! Alam ko naman galit ka sa akin sa pagpatay ko sa kapatid mo kung sino man iyan! Kaya huwag mo dito idadamay ang girlfriend ko!" Lakas loob kong sabi sa kanya.
"Oh? Matapang ka talaga." Tinutok niya sa akin ang hawak niyang baril.
"Jake!" Sigaw ni Trixie.
"Any last word to your girlfriend?"
"I love you. Mahal na mahal ko kayo ni Jazz." Nakangiting sabi ko sa kanya.
May narinig akong putok ng baril pero wala ako naramdam na kahit anong sakit. Shit, huwag sana si Trixie. Kaya dinilat ko na ang mga mata ko at nakita ko yung lalaki nakadusay na sa sahig.
"Ang ayaw ko sa lahat ang idadamay dito ang kapatid ko!" Napatingin ako sa tao nasa harapan ko ngayon.
"Z-Zion?" Humarap siya sa akin at kitang kita sa mga mata nito ang galit.
"Tangina, Jake. Kung hindi ko agad nalaman na may balak kang pumunta dito ay paniguradong patay ka na ngayon!"
"Alam ko. Ginawa ko lang naman ito dahil ayaw kong may madamay pang iba."
"Bago ka sumugod ay alamin mo muna ang pwedeng mangyari! Isang patibong lang ang sulat na pinadala sa atin kanina!" Galit talaga si Zion dahil sa tono ng boses nito. "Pasalamat ka nagtulong tulong kaming tatlo na alamin agad ang pakay ng gustong pumatay sayo."
Tumayo na ako pero shit lang ang sakit pa rin ng ulo ko dahil sa nangyaring paghampas sa akin kanina. Minamasahe ko ang batok ko habang ginagalaw galaw ang ulo ko.
"Jake." Tumingin ako kay Trixie habang papalapit siya sa akin at niyakap ko siya.
"May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin, Trixie." Pagaalala ko sa kanya. Baka may ginawa sila sa kanya.
"Ayos lang ako. Wala naman silang ginawa sa akin maliban na lang doon sa paghatak sa akin ng isang nakakatakot na lalaki kanina."
"Hush..." Pinunas ko na ang luha na kanina pang pumapatak sa kanyang mga mata. "I'm sorry kung pati ikaw ay nadamay dito. Teka, si Jazz pala. Nasaan siya?"
"He's fine and safe." Tumingin ako sa bagong dating. Si Miguel habang karga niya ang anak namin ni Trixie. Lumapit na ako sa kanya para kunin si Jazz. "Ang hirap niyang patahanin dahil iyak ng iyak kanina."
"Sa tingin ko naramdaman niya na may hindi maganda nangyari sa mga magulang niya kanina." Sabi naman ni Rocco.
"Let's go." Utos ni Zion na hindi pa rin nawala ang galit sa mukha nito.
Hinawakan ko na ang kamay ni Trixie at sumunod na rin kami sa iba pa naming kasamahan.
"Ang akala ko ba sa head quarter lang si Zion?" Mahinang tanong ni Trixie sa akin dahilan na lumingon ako sa kanya.
"Ito din ang unang beses kong nakita si Zion na lumabas ng head quarter at pumatay ng tao. Or maybe he wants to protect you too. Kapatid ka niya, Trixie." Sagot ko sa kanya. Hindi ko pa kasi nakikitang pumatay ng tao si Zion noon pero alam ko naman din handa siyang makipag laban sa kamatayan kapag ang mga importanteng tao sa kanya ang dinamay sa gulo.
"Sana ito ang una at huli na may pinatay si Zion."
"Don't worry, I am going to protect your brother too." Binigyan ko ng mabilis na halik sa mga labi si Trixie. Kung hindi ko pigilan ang sarili ko ay baka saan pa kayo makarating na dalawa at mawala sa isipan ko na kasama namin yung mga kaibigan ko dito.
"Hoy! Kayong dalawa diyan! Wala ba kayong balak umalis sa lugar na ito?" Sigaw ni Miguel sa amin.
"Heto na." Binaling ko ang tingin kay Trixie sabay ngiti. Ngayon ay tapos na ang gulo kahit hindi ko man lang nalaman kung sino ba ang tinutukoy niyang kapatid.
Sa kotse ko sumakay si Trixie habang karga niya si Jazz kaso iba ang direksyon namin dahil ibabalik ko ang mag-ina ko sa Sky Island. Dahil ngayon ay tapos na ang lahat ay pwede ko ng yayain si Trixie na magpakasal sa akin at ang balak ko sa resort nila ako magpopropose sa kanya. Kasama ang mga taong mahalaga sa amin, siyempre. Hindi naman papayag si Zion na hindi masaksihan ang isang special na araw ng kapatid niya.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...