Pagkaalis namin sa ospital ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko dahil gusto na muna umuwi sa amin.
Nang makauwi na ako ay wala ng ilaw sa bahay. Masyado na kasing late. Ayaw ko makagawa ng kahit anong ingay kaya dahan-dahan ko binubuksan ang pinto ng bahay. Para tuloy akong magnanakaw nito sa ginagawa ko.
Kinabukasan ay nakita ko si mama nagaasikaso sa kusina at mukhang napansin naman ako ni mama agad.
"Nandito ka pala, Jake. Dito ka ba natulog kagabi?"
"Yes, ma. Sorry kung hindi ko kayo nasabihan kahapon na uuwi ako."
"Ayos lang. Marami kasi ako inaasikaso lalo na nasa ospital si Eina ngayon." Kumunot ang noo ko. Ano nangyari kay Eina ngayon?
"Ano nangyari sa kanya?"
"Naaksidente at nasa comatose stage ang kapatid mo." Malungkot na binalita sa akin ni mama sa nagyari kay Eina. Shit. Paano nangyari iyon? Huwag niyong sabihin may kinalaman na dito ang lalaking iyon.
Kilala ko na kasi yung ama ni Isaac dahil sinabi na niya sa akin ang nangyari noon sa kanila ni Eina.
"Sige, ma. Dadalawin ko si Eina kung hindi ako busy sa trabaho ko."
Wala kasi may alam sa pamilya ko ang tungkol sa pagiging agent ko. Ayaw ko kasi pati sila ay mapahamak dahil sa akin. Kailangan ko silang protektahan.
"Sige. Sinabihan ko na rin ang papa niyo kung ano ang nangyari kay Eina. Baka next week pa siya makakauwi."
"Okay po. Balitaan niyo na lang ako kung may improvement kay Eina ngayon."
"Anyway, kumain ka na muna."
Umupo na ako sa harap ng hapag at nagsimula na rin akong kumain.
"Kumain na po ba kayo, ma?"
"Tapos na ko kumain. Kailangan ko na rin bumalik sa ospital ngayon dahil walang kasama ang kapatid mo."
"Sino po ang kasama ni Isaac?"
"Kasama ko minsan si Isaac para mabisita niya ang kanyang mommy. Ang sabi ng doctor kailangan daw kausapin si Eina kahit nasa comatose siya. Baka magkaroon ng improvement."
"Sige po. Ingat na lang kayo papunta sa ospital."
"Sorry kung hindi na kita nakakamusta, Jake."
Tumingin ako kay mama habang sumusubo ng pagkain.
"I'm fine. Actually, nakilala ko na nga po yung babaeng sinasabi niyo ni papa sa akin."
"Talaga? Nakita mo na si Trixie?" Tumango ako kay mama at sumubo na ulit ng pagkain. "Ano masasabi mo sa batang iyon?"
"She's a nice girl. Mas inuuna pa niya ang pamilya kaysa sa sarili niya."
"Ganoon talaga ang batang iyon. Inuuna talaga niya ang pamilya kahit noong maliit pa siya. Pero kailan mo siya nakilala?"
"Last year. Niligawan ko rin siya at naging kami."
"That's good. Kung nandito ang papa mo ay matutuwa iyon sayo. Basta alagaan mo ng maigi si Trixie ah, Jake. Ngayon silang tatlo na lang ang magkakasama ngayon dahil sa nangyari kay mayor."
"I will, ma." Ngumiti ako kay mama bago uminom ng tubig. "I love her. Siya yung babaeng hindi pwedeng lokohin at saktan. And besides, kaibigan ko rin si Zion."
"I'm so happy for you, son. Sige, papaliguan ko na muna si Isaac ngayon para makapunta na kami ng ospital." Tumango na ako kay mama at tumayo na rin para hugasan ang pinagkainan ko.
Pagkalabas ko sa dining ay nakita ko na si mama pababa na ng hagdan habang karga si Isaac. Alis na sila papuntang ospital.
"Hi, young man."
"Hello, tito."
"Kausapin mo ng kausapin ang mommy mo para magising na siya ah." Tumango lang sa akin ang bata. Hindi ko lang alam kung naiintindihan na ba niya ang nangyari kay Eina ngayon.
Sana magising na ang kapatid ko ngayon.
Pumunta ako sa bahay nila Trixie ngayon at pinapasok naman ako ng mga bodyguards dahil kilala naman nila ako.
"Hi, kuya Jake." Bati sa akin ni Zen. Nakasuot siya ng school uniform.
"Hi. Papasok ka na ba sa school?"
"Yes po."
"Zen." Mapatingin ako sa tumawag kay Zen at ngumiti ako sa kanya. "Jake?! Hindi mo naman sinabi sa akin pupunta ka pala ngayon."
"Hi." Bati sabay yakap kay Trixie.
"May problema ba?"
"Wala naman. Miss lang kita."
"Ikaw talaga."
"Ate, kuya, pasok na po ako." Napalingon ako kay Zen.
"Sige, magiingat ka."
"Huwag ka na makipag away sa kaklase mo ah." Sabi ko kay Zen. Ayaw ko naman kasi nahihirapan si Trixie. Mabuti na nga lang kasama niya ako.
"Opo, kuya Jake." Kinuha na ni Zen ang backpack bago pa siya lumabas ng bahay nila.
"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Binaling ko naman ang tingin kay Trixie.
"I want baby."
"Huh?!"
"I mean." Napakamot ako ng ulo. Shit naman. Bakit ko ba iyon nasabi sa kanya?
Tanga mo, Jake.
"Gusto lang kita makasama." Naiilang akong ngumiti sa kanya.
"Ang akala ko pa naman gusto mo ng anak." Natatawang sabi niya. Tawa pa lang iyon ni Trixie pero nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Nakaka bakla pero iyon ang nararamdam ko ngayon.
"Yeah, maybe I want baby. Nainggit kasi ako sa mga kaibigan ko dahil may mga anak na sina Rocco at Kurt tapos meron rin anak si Eina kahit isang aksidente lang iyon."
"What do you mean by accident?"
"Nabuntis ang kapatid ko at hindi ko inaasahan makikilala ko ang ama ng anak niya noong isang araw dahil inamin niya sa akin."
"Alam na ba ng kapatid mo kung sino ang nakabuntis sa kanya?" Kibit balikat ako kay Trixie. Wala pa kasi akong balita kung nagusap na ba ang dalawa pagkatapos ko siyang kausapin. Iyon kasi ang sabi niya sa akin na kakausapin daw niya muna si Eina.
"Wala pa akong balita pero ang sabi niya ay kakausapin daw niya si Eina para mapagusapan nila ang tungkol kay Isaac." Tumango tango sa akin si Trixie.
"Maaga pa para sa gusto mong mangyari, Jake. Kain muna tayo dahil hindi pa ako kumakain ng almusal. Kumain ka na ba?"
"Yes. Kumain na ako kanina bago pa kita binisita pero kung gusto mo pwede pa naman ako kumain ulit."
"Baka tumaba ka niyan dahil kumain ka ulit kahit tapos ka na kumain."
"Mamahalin mo pa rin naman ako kahit tumaba, diba?"
"Oo naman." Ngumiti siya sa akin.
Sinamahan mo na si Trixie sa dining room at wala pa rin talaga nagbabago dahil ang dami pa rin nakahanda sa table nila na akala araw-araw may fiesta. Sabagay marami naman sila dito sa kanila dahil ang dami nilang tauhan. Sa bodyguards pa lang nila paniguradong ubos na agad ito.
"May problema ba, Jake?" Tumingin ako kay Trixie noong tanungin niya ako.
"Wala naman. Bakit mo naitanong?"
"Ang tahimik mo kasi ngayon at ang lungkot ng mga mata mo ngayon."
"I don't know what to do. Nalaman ko kanina naaksidente si Eina noong isang araw at nasa comatose stage ang kapatid ko." Huminga ako ng malalim. Hindi ko kaya mawala ang nagiisang kapatid ko. Si Eina na nga lang ang kapatid ko.
Anong klase akong kapatid?
"Sana magising na siya ngayon para sa anak niya." Ngumiti ako ng pilit kay Trixie. Mabuti na lang na diyan siya palagi sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...