Chapter 18

1K 34 1
                                        

Maaga pa lang ay pumunta na ako sa ospital pero sa hindi inaasahan ay makikita ko rito ang ama ni Isaac. Kumunot ang noo ko dahil lumabas siya ng kwarto and Sa tingin ko iyon ang hospital room ni Eina. Pero ano ang ginaawa niya? Narinig ko kasi ang paguusap nila papa at mama isang araw at halatang galit si papa sa kanya. Kung galit si papa ay mas galit ako sa ginawa niya sa kapatid ko. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya.

Naalala ko pa ang sabi ni Oliver sa akin namg makita na niya ang footage noong aksidente ni Eina.

"Mabuti nandito ka na, Jake."

"Bakit? Ano meron?"

"Nakita ko na kasi ang pinapahanap sa akin ni Kurt noong isang araw." Sabi nito kaya agad ako lumapit sa kanya. Pinakita niya sa akin ang footage. "Ito ang nangyari bago ang aksidente."

Pinanood ko ang pangyayari bago maaksidente si Eina. Kitang kita rin dito na si Gael ang humahabol sa kanya hanggang sa naaksidente na ang kapatid ko.

"Sabi na nga ba may kinalaman siya kung bakit naaksidente si Eina. Humanda talaga ang lalaking iyan." Nakakuyom ang kamao ko sa galit.

"Bakit? Sino ba iyon?" Tanong ni Oliver.

Sasagot na sana ako kaso narinig ko ang boses ni Rocco.

"Teka nga lang parang alam ko ang lugar na iyan ah. Iyan yung lugar kung saan kami kinasal ni Sarah. Ang pagkaalam ko nandoon din ang kapatid mo, Jake."

"I know dahil nakita ko rin si Eina doon pero hindi naman niya ako nakita."

"At nandoon rin ang lalaking iyan sa reception." Sabi ni Kurt sabay turo sa screen kung saan nakapwesto si Gael.

"Ang pagkaalam ko ay kaibigan siya ni Red at tinuring na rin siyang kapatid ni Sarah kaya siguro inimbitahan rin siya sa kasal namin."

"Hindi ko siya mapapatawad kapag hindi na magising si Eina."

"Pare, huwag ka magsalita ng ganyan. Magigising si Eina. Ikaw ang kapatid niya kaya magtiwa lang sa kanya." Sabi ni Kurt sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko naman pwedeng suntukin ang lalaking iyon dahil magagalit sa akin si Eina kapag nalaman niya ang ginawa ko.

Nakikita rin sa mga mata niya ang kalungkutan at mukhang nagsisi sa nangyari sa kapatid ko ngayon.

Kahit hindi ko madalas kasama si Eina ay nararamdaman kong mahal niya ang lalaking ito. Lalo na may anak silang dalawa. Si Isaac ang magiging kawawa kung ganito ang nangyari sa kanilang dalawa.

Napatingin ako sa phone ko noong tumunog iyon. Nagtext sa akin si Trixie.

From Trixie;

Miss na kita, Jake.

Napangiti ako sa text niya sa akin. Ilang araw na kasi hindi kami nagkikita ni Trixie at miss ko na rin siya.

To Trixie;

Miss you too. Sorry kung hindi tayo madalas nagkikita nitong mga nakaraang araw. Pero pangako babawi ako sayo.

From Trixie;

Pwede ka ba ngayon? Gusto kita makita.

To Trixie;

Okay. Pupunta ako diyan ngayon din.

Sumakay na ako sa kotse ko nang makarating ako sa parking lot at pinatakbo ko na ang makita ng kotse ko.

Nang makarating na ako sa bahay nila Trixie ay pinapasok na ako ng mga bodyguards nila.

Nakatayo na nga ako sa tapat ng kwarto ni Trixie at kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto.

"Hindi mo naman sinabi sa akin nandito ka na pala."

"Sorry. Ang iniisip ko kasi baka tulog ka kaya ayaw kitang isturbuhin."

"Pasok ka." Alok niya sa akin kaya pumasok ako sa loob ng kwarto niya.

"May gusto ka bang kainin ngayon? Bibili ako."

"Wala naman. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka ngayon."

"Aw, sweet naman ng girlfriend ko." Niyakap ko si Trixie habang nakangiti.

"Wala ka ba ibang babae? Kapag nalaman kong may iba ka hindi mo na kami makikita ng anak mo, Jake. Ban na rin sa resort namin para hindi ka na makakapunta doon." Humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya. Heto na naman kasi kami ngayon. Mukha ba akong babaero? Hindi naman kasi ako katulad ni Neil na maraming babae.

"Wala. Ikaw lang ang gusto ko. Kaya lang naman ako busy dahil maraming ginagawa sa head quarter lalo na nalaman ko na kung sino ang may kasalanan kung bakit nasa comatose si Eina ngayon." Sabi ko sabay upo sa gilid ng kama niya.

"Sino?" Tumabi na rin sa akin si Trixie.

"Si Gael Albani, ang ama ng pamangkin ko." Napatingin ako sa kamay namin nang hawakan ni Trixie iyon.

"Alam kong galit ka sa kanya dahil sa nangyari sa kapatid mo ngayon pero magtiwala ka lang sa kanya at magigising siya. Ipagdasal lang natin na magigising siya balang araw."

Hindi ko na sinagot pang muli si Trixie dahil sinunggaban ko siya ng halik. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko ang katulad ni Trixie.

Hinimas ko rin ang maliit pa niyang tyan. Hindi pa kasi halata ang baby bump niya dahil magdadalawang buwan pa lang naman ang baby namin.

"Ang sabi pala ni Zion siya na muna ang magpakasal dahil plano niya ay yayain na si Jessa magpakasal. At saka hindi pa kasi natin pinaguusapan ang tungkol sa kasal kaya pumayag ako sa kagustuhan ni Zion."

"Magpropose ka na muna sa akin bago natin pagusapan ang tungkol sa kasal."

"I will. Huwag ka magaalala gagawin ko talaga iyan."

"Ano pala ang gusto mo maging gender ng magiging anak natin?"

"Kahit ano. Kahit lalaki o babae pa ang magiging anak natin ay kayo lang ang mamahalin ko." Nakita ko ang pagngiti ni Trixie sa akin. "Pero ang gusto ko magmana sayo ang magiging anak natin."

"Ayaw mo ba sayo?"

"Nah. Ayaw ko mamana niya ang pagiging loko-loko ko."

"Pero mukhang ikaw ang pinaglilihian ko ngayon." Kumurap ko ng ilang beses. Tama ba ang narinig ko? Ako ang pinaglilihian ni Trixie?

"Huh?"

"Ang sabi ko mukhang ikaw ang pinaglilihian ko ngayon dahil gusto kong palagi kitang kasama."

Patay tayo nito. Sana nga lang hindi mamana ng mgiging anak namin ang ugali ko. Ayaw ko mangyari isang araw ay maging katulad siya sa akin.

"What do you want me to do? Gusto mo bang tumira na tayo sa isang bahay?"

"I can't leave Zen alone here."

"Hindi mo naman kailangan lumipat ng bahay. Ako ang lilipat para makasama mo ko. Handa ako magising ng madaling araw sa tuwing magutom ka."

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon