Trixie's POV
Pumunta ako ng kusina para utusan ang isang maid namin magluto ng pananghalian namin ni Zen, ang kababata kong kapatid. Simulang namatay si mama ay hindi na dito tumitira si Zion dahil doon na siya sa condo niya habang si dad naman ay sa resort namin. Importante kasi kay dad ang Sky Island dahil inaalagaan iyon ni mama.
Alam ko rin ang sikreto ng kapatid ko na isa siyang agent. Kahit gusto kong umalis na siya sa pagiging agent niya ay hindi sumusunod sa akin si Zion. Sinabi niya rin sa akin na si tito Franco ang nagpapatay kay mama. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon dahil pinagkatiwalaan siya ni dad bago pa sila nanalo bilang mayor at vice mayor ng lugar namin. Simula noon ay hindi mawawalan ng bodyguards sa labas ng bahay namin kahit saan kami pumunta ni Zen ay may kailangan na bodyguard na kasama.
"Ma'am Trixie, kain na po." Sabi ng isang maid namin kaya lumabas na ako sa kwarto ko. Nakita ko si Zen nanonood ng tv sa may sala.
"Zen, kain na tayo. Tama na muna ang panonood ng tv."
"Hindi po ba uuwi si dad ngayon, ate?"
"Alam mo naman simulang namatay si mama ay bihira na lang umuwi dito si dad, diba?" Sagot ko sa kapatid. Halos kami na nga lang si Zen ang magkasama palagi sa bahay. Umuuwi naman si dad kung may okasyon.
Pagkatapos kumain ay nakatanggap ako ng tawag kay dad kaya agad ko naman sinagot ang tawag niya.
"Hello, dad."
"Musta na kayo diyan?"
"Okay lang po kami dito. Kayo po?"
"Ayos lang din ako dito."
"Bakit po pala kayo napatawa?"
"Alam mo naman siguro na bago ka pa lang pinanganak ay pinagkasundo na kita sa anak ng kaibigan ko." Napasimangot ako sa sinabi ni dad. Ayaw ko na maalala na ginawa nila iyon sa akin. Ni hindi ko nga kilala yung lalaki na papakasal ko daw. Paano kung heart breaker pala yun? Eh, ako din ang kawawa.
"Dad, napagusapan na natin ang tungkol dito. Ayaw ko magpakasal sa kanya."
"Trixie, please... Kahit ito lang ang sundin mo. Kagustuhan rin ng mama niyo na ipakasal ka sa kanya. After this kahit anong gusto mo ay ikaw na bahala."
Paano naman makakasiguro si dad na magagawa ko pa rin ang mga gusto ko sa buhay? Kung kasal na ako sa lalaking iyon. Paano kung hindi niya ko payagan? Ayaw ko ng ganoon. But my father's decision is always final.
"Sige. Sige po." Sagot ko kay dad. Wala na rin naman akong choice na, eh. "Ano po ba ang pangalan ng papakasalan?"
"Jake. Jake Suarez."
Jake Suarez? Sounds familiar pero hindi ko maalala kung saan ko narinig ang pangalan na iyon.
"Sige po, dad. Pero pwede po bang kausapin ko na muna siya?"
"Mabuti pa nga para makilala niyo ang isa't isa bago ang kasal niyong dalawa. Oh, sige na kailangan ko ng ibaba itong tawag dahil marami pa akong ginagawa dito sa resort."
"Sige po. Ingat kayo lagi."
Pagkatapos kong kausapin si dad ay hinanap ko sa internet ang Jake Suarez na iyon. Nang lumabas na ang mga images ng lalaking papakasal ko ay doon ko lang naalala kung bakit familiar sa akin.
"Sabi na nga ba kung bakit siya familiar sa akin." Sabi ko sa sarili. Isa kasi siyang matagumpay na doctor at kilala rin siya sa lahat na ospital.
Sa bandang hapon ay pumunta ako sa mall. Madalas ko itong ginagawa kung wala akong magawa sa bahay. Dati kasi akong model pero natapos na rin ang contract ko at hindi na ako bumalik pang muli. Laos na rin naman ako kaya hindi na ako bumalik sa pagiging model. Baka nga hindi na nila ako makilala.
Habang naglalakad papuntang restaurant dahil gusto kong kumain na muna ay may nakita akong familiar sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya para makasigurado ako kung tama ba ang hinala ko.
"Jake Suarez?" Humarap siya sa akin. Oh my! Gwapo pala siya sa malapitan.
"Yes? How may I help you, miss?"
"Um, I'm Zaira Patricia Montemayor."
"Montemayor?" Para bang hindi siya makapaniwala na isa akong Montemayor. Kilala ang pamilya ko dahil isang mayor ang daddy ko.
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala na isa akong Montemayor? Gusto mo bang pakita ko pa sayo ang birth certificate at iba pang dokumento ko para patunay na isa akong Montemayor."
"Ah, no need. I was shocked when I heard your last name. May kaibigan kasi akong Montemayor din ang apilyido." Kumunot ang noo ko dahil wala naman ibang kamag anak si dad dito sa Pilipinas ah. "By any chance baka may kilala kang Zion Montemayor?"
"Bakit mo kilala ang kapatid ko?"
"Kapatid mo? Sabi na nga ba. Kaibigan ako ni Zion." Tumango ako sa kanya. Paano naman kaya naging kaibigan ni Zion ang lalaking ito? Unang una hindi naman isang doctor si Zion kaya imposibleng katrabaho niya. Pangalawa may posibilidad kayang agent din ito? Posible. At ang huli ay mukhang hindi naman siya magseseryoso sa isang relasyon.
"Kaya kita nilapitan ngayon dahil gusto kong kausap ka."
"Let's talk inside of restaurant para makaupo na rin tayo. Kanina pa kasi nakatayo." Nauna na siyang pumasok sa restaurant at sumunod lang ako sa kanya. Nang nakaupo na kami sa isang bakanteng table. "Ano ang gusto mong pagusapan natin?"
"Ang tungkol sa kasal. Alam mo naman siguro na pinagkasundo tayo ng mga magulang natin bago pa tayo pinanganak."
"Whoa. Ikaw pala ang fiancee ko noon pa."
"Yeah, ako nga ang fiancee mo sa simula't sapul."
"Pero ito lang ang masasabi ko sayo, ms. Montemayor--"
"Trixie. Just call me Trixie." Sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay na tinatawag na ms. Montemayor. Masyado kasing formal kung tatawagin akong ganoon.
"Okay, Trixie. Hindi ako pumapayag sa kagustuhan ng mga magulang natin na ikasal tayo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ibig mong sabihin tumututol ka magpakasal sa akin?"
"Hindi naman. Ang ibig kong sabihin ay gusto pa kita makilala ng lubusan. I'm sure you want to know about me too. I'm going to court you at ikaw na bahala kung kailan mo ko gustong sagutin. That's all."
"Okay lang sa akin kung ganoon ang mangyayari para makilala natin ang isa't isa."
"Since we were here already. Why we don't introduce ourselves first?" Tumango ako dahil sumang ayon ako sa kagustuhan niya. "Lady's first."
"I'm Zaira Patricia Montemayor, I'm 32 years old at dati akong model noon pero hindi na rin ako kilala ng mga kabataan ngayon. Ikaw naman."
"Jake Suarez, katulad mo ay 32 years old din ako. Isa akong doctor ngayon at--" Pinutol ko ang sasabihin niya ng sumingit ako.
"Isa kang agent?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"How did you know?"
"Binanggit mo kanina na kaibigan ka ni Zion kaya napaisip ako na imposibleng katrabaho ka niya dahil hindi naman doctor ang kapatid ko. Kaya isa lang nasa isip ko ngayon kung paano mo naging kaibigan si Zion. May posibilidad na agent ka."
"Alam mo pa lang agent si Zion."
"Yes. Dahil sinabi niya sa akin noon na isa siyang agent. Kahit ayaw kong gawin niya ito pero kilala ko ang kapatid ko ay buo na palagi ang desisyon niya katulad ni dad."

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...