Nang makarating na agad kami ni Trixie sa Sky Island. Mabuti na lang may bahay sila dito kaya may matitirahan talaga.
Napatingin ako sa mga kamay namin noong hawakan iyon ni Trixie at binaling ko agad sa kanya.
"Magiingat ka ah." Sabi niya sa akin. Para naman sasabak ako sa gyera nito.
"Of course. Babalikan ko pa kayo ni Jazz." Niyakap ko si Trixie at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "I love you."
"I love you too."
Hinalikan ko na rin ang maliit na pisngi ni Jazz habang nakahiga ito sa kama. Muli ako magpaalam kay Trixie dahil kailangan ko agad makarating sa head quarter.
Mga ilang oras din bago ako nakarating sa head quarter namin. Nandito ang mga kasamahan ko kahit si Rocco.
"I know you're tired today, Jake. Ang layo ng Sky Island to Manila tapos balikan pa ang ginawa mo ngayon." Sabi ni Zion sa akin.
"Pwede naman natin gawin ang misyon bukas." Ani Miguel.
"Umuwi ka na muna sa inyo para magpahinga. Sina Oliver at Yuan na muna ang bahala dito sa head quarter dahil kailangan ko na rin ang umuwi sa amin." Saad ni Zion. Tumango naman ako sa kanya.
"Sige, babalik na lang ulit ako dito bukas."
Kinabukasan ay hindi ko na inabalang kumain ng agahan dahil dumeretso na ako sa head quarter namin.
"Pre, catch!" May binato sa akin si Miguel at mabuti na lang ay nasalo ko kung ano iyon.
Isa pa lang sandwich.
"Saan galing ito?"
"Ginawa ko iyan bago pumunta dito. Baka kasi hindi ka pa rin kumakain ng almusal katulad nila." Tumango ako kay Miguel. Ibig sabihin pala ay hindi rin kumakain ng agahan ang mga ito bago dumeretso dito. "Kung gusto mo ng kape ay meron din dito."
"Salamat." Binuksan ko na ang balot ng sandwich bago kainin. Tuna sandwich pala ito. Tumingin naman ako sa gawi ni Zion. "Zion."
"Bakit?"
"Sorry kung pati ang kapatid mo ay nadamay na dito sa trabaho natin."
"Naisip ko na mangyayari ito, Jake. At alam ko naman ay handa kang protektahan si ate. Pinagkatiwalaan ka ni dad sa simula pa lang kahit hindi pa tayo ganap na isang agent."
"Ano na ang balak mo ngayon?" Tumingin naman ako kay Rocco ng nagtanong siya.
"Tatapusin ko kung ano ang gulong gusto nilang mangyari. Hindi ako papayag na may mapahamak pa dito dahil sa akin. Gagamitin nila ang mga taong malapit laban sa akin."
"Guys, tingnan niyo ito." Lumapit kaming lahat sa pwesto ni Yuan para tingnan ang gusto niyang ipakita sa amin. "Bigla na lang ito lumitaw sa monitor. Hindi ko alam kung ano ang bagay na ito."
"Isang navigator? Pero sino naman ang magdadala nito sa atin?" Sambit naman ni Miguel.
"Hindi tayo nakakasigurado kung patibong ba ito o hindi. Hindi natin kilala kung sino ang nagdala." Sabi naman ni Zion. Tama naman ang sinabi niya at dapat maging alerto kami sa mga kinikilos namin.
"Hindi lang iyan ang natanggap namin. Tingnan niyo din ito." Tumingin naman kami sa monitor kung saan naka pwesto si Oliver. May nakita kaming isang sulat.
"Ano ang nakasulat, Oliver?" Tanong ni Rocco.
"Para kay agent Jake Suarez itong sulat, guys." Kumunot noo ako sa sinabi ni Oliver.
"Para sa akin?"
"Yes kaso walang address kung kanino galing ito. Ang pagtataka ko lang kung paano niya alam kung saan ipapadala ang sulat kahit ang navigator."
"Ibig sabihin matalino itong nagdala ng sulat at navigator." Sabi ni Zion at akmang nagiisip ng paraan kung sino ba talaga ang nagdala nito sa akin.
Nilapit ko ang mukha ko sa monitor para basahin ang sulat at kumunot ang noo ko sa nakalagay.
I want you to come here alone.
He wants me to come alone.
Sino naman kaya ito? Ang daming tanong sa utak ko ngayon. Hindi naman mawawala iyon kung hindi ko puntahan ang nakalagay sa navigator.
Habang abala ang iba ay nagpasya akong kausapin si Yuan para alamin kung saang lugar ang sinasabi sa navigator.
"Pare, pwede mo bang hanapin kung saan ang sinasabi ng navigator na iyan?"
"Oo naman."
"Tawagan mo ko kung nahanap mo na ah. Salamat" Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat niya.
Gusto ng nagdala na iyon na pumunta na magisa kaya pupunta talaga ako doon kapag nalaman na ni Yuan ang lugar. Hindi ko hahayaan na mapahamak pa dito ang mga kaibigan ko. Ako na ang magtatapos nito.
From Mrs. Gorgeous;
Kumain ka na ba?
Napangiti ako sa text ni Trixie kanina pero ngayon ko lang nabasa.
To Mrs. Gorgeous;
Hindi pa ako kumakain dahil marami kani ginagawa ngayon sa head quarter. But no worries, kakain kami mamaya.
Napansin ko ang paglapit ni Yuan sa akin kaya tinago ko na ulit ang phone ko.
"I already found the location."
"Saan, pre?"
"Somewhere in Ifugao. Double check ko na din at pareho lang ang lugar na lumalabas."
Ifugao? Hindi kaya...
Tumingin ako sa direksyon ni Miguel dahil isa lang ang misyon ko na pumunta sa Ifugao or let say hindi naman sa Ifugao mismo dahil sa Baguio lang naman iyon.
"Okay, salamat."
Umalis na ako sa head quarter na hindi man lang nila napansin. Pupunta ako agad sa Ifugao para alamin kung sino ba talaga ang nasa likod ng lahat na ito.
Malayo layo ang lugar na pupuntahan ko. It's either sasakay ako ng eroplano o magkokotse ako papunta doon ngayon.
Kung sasakay ako ng eroplano ay malalaman ni Zion na pumunta ako ng Ifugao dahil marami siyang mata nakamasid sa airport kasi binabantayan niya ang mga kinikilos ni mayor Luciano ngayon. Simulang nakulong kasi ang anak nito ay napapadalas na rin ang paglabas niya sa bansa para bang may tinataguan. Hindi ko naman sinasabing hindi nagsasabi ng totoo si Zion. Kilala ko si Zion at hindi siya yung tipong nagbibintang na lang nang basta basta at walang dahilan.
Napatingin ako sa phone ko habang naipit ako sa traffic. I saw Zion's name. Shit, mukhang nalaman na yata nila na pupunta ako ng Ifugao ngayon. Nakalimutan kong sabihan si Yuan na huwag niya sabihin sa iba tungkol sa pinapagawa ko sa kanya kanina.
Wala rin naman ako magagawa dahil nangyari na rin naman.
Hindi ko na inabalang sagutin ang tawag ni Zion at patuloy lang ako sa pagmamaneho ng kotse ko. Ang gusto ko lang naman ay makarating agad sa Ifugao at matapos na ito.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomantiekAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...