Sobrang miss ko na tuloy ang asawa ko ngayon kasi minsan ay sobrang busy niya sa trabaho. Hindi sa head quarter ah, kundi sa clinic niya. Nagpatayo kasi siya ng maliit na clinic malapit lang dito sa resort para hindi na siya pabalik balik sa Manila kung doon pa siya magtatrabaho.
It's already 5 years since we got married. Ganoon na nga katagal ang pagsasama namin ni Jake. Kahit may edad na ang asawa ko ay habulin pa rin ng mga babae at doon ako naiinis dahil pinapatulan pa talaga niya para bang wala siyang asawa't anak. Bwesit lang.
Jazz is turning 5 years old this year. Close din siya sa pinsan niyang si Isaac at hindi lang iyon na sundan pala ang panganay nila dahil nagkaroon sila ng anak na babae. Joanna is already 1 year old.
"Mommy, pwede po ba natin puntahan si daddy?" Tumingin ako kay Jazz. Hindi ako sigurado kung busy ba si Jake o hindi. "Gusto ko lang po kasi makita si daddy. I miss him."
"Aalamin ko na muna kung busy o hindi ang daddy mo ah." Tumango sa akin si Jazz kaya kinuha ko na ang phone ko para tanungin si Jake.
To Mr. Handsome;
Are you busy today? Gusto ka kasi puntahan ng anak mo ngayon pero inaalam ko na muna kung busy ka ba o hindi para hindi kami makaisturbo sa trabaho mo.
From Mr. Handsome;
My wife, kahit gaano pa ako ka busy sa trabaho ay hindi naman kayo isturbo sa akin ni Jazz. Gusto ko pa ngang makita kayong dalawa ngayon.
"Jazz, maligo ka na para puntahan na natin ang daddy mo."
"Okay po."
Kahit ako ay nagasikaso na rin para pagkatapos ni Jazz ay tapos na rin ako.
Dahil malapit lang naman ang clinic ni Jake dito kaya nilakad na lang namin ni Jazz.
"Good afternoon po, ma'am." Bati sa akin ng assistant slash nurse ni Jake.
"Marami bang pasyente si Jake ngayon?"
"May isa pa pong pasyente si doc ngayon." Sabi nito na kinatango ko.
"Sige, maghihintay na lang kami dito." Umupo na kami ni Jazz sa waiting area ng clinic ni Jake. Wala na rin naman pasyente na naghihintay para ipa check up ang anak nila.
Maya maya pa ay lumabas na rin ang huling pasyente ni Jake kaya pinunatahan na namin siya ni Jazz sa loob.
"Daddy!" Tumakbo ang anak namin at agad naman siya binuhat ni Jake.
"How are you, big boy?"
"Okay naman po ako. Miss na miss ko lang kayo. Hindi ko na po kasi kayo naabutan sa bahay sa sobrang busy niyo." Sabay pout ni Jazz. Nagpapa cute sa daddy niya.
"Okay. Bukas na bukas ay babawi ako sa inyo ng mommy mo." Binaling ni Jake ang tingin sa assistant niya. "Kylie."
"Bakit po, doc?"
"Bukas ay hindi na muna ako papasok kaya pwede ka na rin mag-day off na muna. Since tomorrow is Sunday you can enjoy your day off with your family."
"Thank you po."
"Ano ang gusto mong gawin natin bukas, big boy?"
"Turuan niyo po ako mag-swim."
"Okay, I will teach you how to swim. Tuturuan kita ng iba't iba klase ng freestyle para isasali kita sa mga swimming competition."
"Jake." Saway ko sa kanya. Tumawa lang sa akin ang asawa ko.
"Wala naman masama kung isasali natin si Jazz sa swimming competition paglaki niya. If he really want to. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya."
"Gusto ko po sumali sa ganoon, mommy. Ang sabi po ni Howell ay malaki daw ang cash prize kapag nanalo. Gusto ko pong makatulong sa inyo ni daddy paglaki ko." Napailing na lang ako ulo. Ang bata bata pa lang ni Jazz ay ganoong bagay na agad ang iniisip niya. Hindi niya iniisip ang mga bagay na ginagawa ng mga kasing edad niya.
"No. Hindi mo na kailangan gawin iyon."
"Pero gusto ko pong gawin iyon, daddy."
"Ang gawin mo lang ay magaral ka ng mabuti para makapag tapos ka sa pagaaral mo. Magiging masaya pa kami ng mommy mo kapag natapos ka na sa pagaaral at magkaroon ka ng magandang trabaho."
Sa tagal na panahon ay nagkaroon na rin ng paaralan na malapit lang dito sa Sky Island kaya doon namin pinagaral si Jazz ngayon. Hindi naman ganoon kamahal ang tuition sa paaralan na iyon.
"Tao po." May narinig kaming familiar na boses kaya napalingon ako sa labas. I saw Eina with her family. Nandito pala sila ngayon.
"Boses ni tita Eina iyon. Baka nandito rin si kuya Isaac." Biglang nabuhayan si Jazz at agad itong bumaba sa pagkaupo kay Jake.
"Hello, Jazz."
"Hello po, tita Eina. Kuya Isaac."
Lumapit na rin kami ni Jake sa kanila. May nakita akong lalaki sa labas ng clinic at sa tingin ko ang asawa ni Eina iyon na si Gael.
"Bakit hindi pumasok ang asawa mo, Eina?" Tanong ni Jake sa kapatid niya.
"Ayaw ni Gael kasi hindi daw siya fan ng masisikip. Para bang hindi daw siya makahinga." Tumango lang sa kanya si Jake.
"Wait. Kukunin ko lang ang damit ko sa loob." Paalam ni Jake kaya bumalik siya sa loob para kunin ang gamit nito. Nagpasya na kami lumabas.
"Hello po, tito Gael."
"Hello, Ty."
"Pwede ko po bang ipasyal si kuya Isaac dito?" Tanong ni Jazz bago pa niya binaling ng tingin sa akin.
"Oo naman, Jazz." Sagot ni Eina at tumingin naman siya kay Isaac. "Isaac, bantayan mo ang pinsan mo dahil ikaw ang nakakatanda sa inyong dalawa ah."
"Yes po, mommy!"
Umalis na yung mga bata at sakto naman ang paglabas ni Jake sa clinic niya.
"Hm? Nasaan na yung mga bata ngayon?"
"Gusto ni Jazz na ipasyal si Isaac dito sa resort kaya pinayagan na namin sila." Sagot ko sa kanya na kinatango ni Jake.
"Hindi pa naman bakasyon ng mga bata, bakit naisipan niyong pumunta dito?"
"Nabanggit kasi ni Isaac itong resort kahapon tapos naalala ko malapit lang kayo nakatira dito kaya nagpasya na kaming bumisita sa inyo. Pero bukas din ay babalik na kami agad sa Manila dahil hindi naman pwedeng iwanan ni Gael si papa Nick sa restaurant."
"Ganoon ba? Sayang naman dahil bukas ako ang day off ko. Maganda sana kung makakapasyal kayo dito."
"Maybe next time, kuya. Pangako iyan." Nakangiting sabi ni Eina bago pa niya binaling ang tingin sa asawa nito. "Hindi ba, love?"
"Oo. Maganda kung sa darating na bakasyon ni Isaac ay bumalik tayo dito at paniguradong matutuwa ang mga bata."
"Great idea. Sa bakasyon na lang ni Isaac kami babalik dito."
"Sige, asahan namin iyan." Sabi ko sa kanila sabay yakap sa braso ni Jake. Simulang tumira kami dito sa resort ay hindi na ako nahihirapan pabalik balik from Manila to Sky Island. From Sky Island to Manila. Halos walking distance lang layo ng resort namin sa bahay.
"Basta inform niyo na lang ako para makapag leave sa trabaho at ipasyal namin kayo."
Ang huling tanda ko ay hindi pa pinapansin ni Jake ang asawa ni Eina dahil hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kapatid niya pero noong kinausap ko ay nagbago ang lahat. Pinapansin na niya ito at kung naisipan namin pumunta sa Manila ay dinadaanan rin namin ang restaurant nila. Masarap ang mga pagkain doon. Lalo na yung specialty nila. Para tuloy ako naglilihi kahit hindi naman ako buntis.
-----THE END-----
~~~~
Phew~ tapos na rin. Let's continue Neil's story. Kahit nahihirapan ako pag gamit ng tablet ko ay tuloy pa rin ang updates. Nagloloko kasi ang phone ko. 😭 wala na kasi matino sa mundo kahit phone ko ay sumabay na rin. Naki uso na. 😐

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...