Jake's POV
Dumeretso na ako sa head quarter pagkagaling ko kanina sa ospital. May nakita ako bagong mukha.
"Hey, guys." Bati ko sa mga kasamahan ko.
"Aba. Bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong ni Neil sa akin.
"May inaasikaso lang ako kanina kaya nahuli ako ng dating."
"Chicks ba?" Inikot ko ang mga mata ko.
"I wish pero hindi. May ginawa lang ako sa ospital kanina." Napatingin naman ako kay Zion na abala sa kanyang laptop.
"Magaling ka humawak ng baril?" Napabaling ang tanong ko kay Neil noong tanungin niya yung baguhan.
"Yes, sir. Kahit anong klase ng baril kaya kong gamitin pero mas expert ako sa malayuan."
"Sniper ah? That's nice, kiddo," ani Miguel.
"Ilang yard ang kaya mo?" Hindi ko mapigilan na magtanong. Sa grupo namin ay ako lang kaya ng 150 yards. Si Kurt kasi hanggang 100 yards lang ang kaya niya.
"I can do 200 yards. Iyan ang pinakamalayong kaya ko." Napakurap ako. May mas gagaling pa pala sa akin sa sniper.
"We have to give you some test pero kailangan na muna may approval sa superior namin bago ka makapasok sa team." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Oliver. Kahit sabihin natin wala naman kaming pinapagawang test sa mga baguhan.
"Agent Perez is right. Kailangan ka namin bigyan ng--" Hindi natapos ang sasabihin ni Neil dahil sumingit si Zion.
"Gago talaga kayo! Hindi tayo nagbibigay ng test sa mga baguhan kaya hindi na niya kailangan gawin iyon. Sira ulo kayo." Binaling ni Zion ang tingin sa baguhang agent. "Ano pangalan mo?"
"Aaron Ventura, sir."
"Okay. Dahil sa naririnig ko ay magaling ka sa sniper at 200 yards ang layo."
"Yes po."
"Pasok ka na sa team. Welcome, agent Ventura."
"Wala po bang test?"
"Wala dahil ang kailangan lang ay magaling ka sa lahat na misyon na bibigay namin at loyal ka sa mga kasamahan natin rito sa head quarter. And by the way, I'm Zion Montemayor at ang mga gago naman ito ay sina Neil Acosta, Miguel Valle, Oliver Perez at Jake Suarez. Pero wala pa rito ang sinasabi nilang superior namin dahil may sariling buhay sa labas ng pagiging agent."
"Guys, sino siya?" Napalingon ako sa biglang pagsulpot ni Kurt kung saan. Hindi ko nga namalayang nakarating na pala siya.
"Bagong agent, pre. Siya si Aaron Ventura." Sagot ni Zion.
"Nice to meet you. I'm agent Kurt Ocampo." Nakipag kamayan naman si Kurt sa kanya.
"Aaron, siya naman ang superior natin rito sa team. Pwede ka rin makipaglokohan sa kanya kapag sa labas ng trabaho at soon to be married." Natawa ako noong bintukan ni Kurt si Miguel. Kahit kailan talaga ang brutat ni Kurt. "Sakit noon, Kurt."
"Kahit ang pagpapakasal ko sinabi mo rin."
"Proud lang kami sayo. After 40 years of your life in this world magpapakasal na rin ang isang Kurt Taylor Ocampo." Ang sakit na ng tyan ko sa mga kalokohan ni Miguel. Nagmumukha na akong baliw nito.
"Congrats, sir."
"Thanks. But you can call me Kurt or agent Ocampo kung nasa isang misyon tayo."
"Musta na kaya ang bagong kasal?"
"Huwag niyo na isturbuhin ang dalawa. Akam niyo naman nasa honeymoon pa rin sina Rocco at Sarah." Tama naman ang sinabi ni Kurt kaso kung sino pa ang ayaw magkaroon ng pangalawang asawa ay siya pa ang naunang kinasal.
"By the way, Aaron." Napatingin naman kaming lahat kay Zion. "Ang isa naming kasamahan rito ay wala dahil kinasal siya at nasa honeymoon pa sila ng asawa niya, si Rocco-- I mean si agent Hernandez. Isa sa mga magagaling naming agent pero huwag ka magaalala mabait iyon at pinagkatiwalaan ni agent Ocampo."
"Hindi kasi tayo pinagkakatiwalaan ni Kurt." Bulong kong sambit.
"Ano ang pinagsasabi mo diyan?" Kunot noo nakatingin sa akin si Kurt. Narinig pala niya iyon.
"Aminin mo na kasi na si Rocco lagi pinagsasabihan mo ng problema noon, pre."
"Sige, inaanin ko si Rocco nga pinagsasabihan ko dahil may karanasan siya sa ganoon. Kung sa inyo naman kasi baka kalokohan lang ang sasabihin niyo sa akin. Kailangan ko ang matinong advice para makatulong sa problema ko."
Masyado namang sineryoso ni Kurt ang sinabi ko kanina.
"Yung isa diyan hanggang ngayon may tinatago pa rin sa grupo." Napatingin naman ako kay Zion dahil alam ko siya lang ang pinaparinig ni Neil.
"Ano? Wala akong tinatago sa inyo. Alam niyo naman isa akong anak ng mayor at may girlfriend. Kilala niyo naman kung sino ang girlfriend ko."
"Hindi iyon, pre. Kung si Rocco namatayan ang asawa noon tapos si Kurt ay ang ina niya... Alam namin meron ka rin tinatago." Saad ni Neil.
Huminga ng malalim si Zion at humarap sa kanyang laptop.
"Sige, sasabihin ko na sa inyo ang lahat. Katulad ni Kurt ay namatay rin ang mama ko pero hindi dahil kay dad ah. May ibang tao ang pumatay sa kanya kaya naghahanap talaga ako kung sino ang may gusto pumatay sa amin. Inaamin ko marami may galit sa pamilya ko." Huminto sa pagsasalita si Zion ng ilang minuto. "Ako dapat ang lumalaban sa kamatayan noon, hindi si mama... she protected me. May sinabi siya sa akin bago siya namatay pero hindi ko maintindihan."
I know Zion is crying right now dahil sa pagbago ng kanyang boses. Naalala ko tuloy yung mga panahong nagkukwento sa akin si Trixie tungkol sa pagkamatay ng mama nila.
"Alam mo na ba kung sino may gawa?" Tanong ni Oliver.
"Yes, nalaman ko ang lahat. Kahit ang plano niya." Ito na ba ang sinasabi sa akin ni Trixie noon? Shit, kailangan kong pigilan si Zion bago pa niya ituloy ang binabalak niya sa paghihiganti. "Gusto niya pabagsakin si dad bilang mayor."
"Sino?" Tanong naming lahat.
"Si vice mayor Luciano, pinagkatiwalaan ni dad na tao pero siya rin ang dahilan ang pagkamatay ni mama. Walang alam si dad kung sino pumatay kay mama, hindi ko pa sinasabi sa kanya dahil gusto ko gumanti. Ginamit ko ang kakaisa niyang anak."
"Yung babaeng kausap mo noong kasal nila Rocco?" Naalala ko iyon dahil may nakita si Kurt na may kausap si Zion noong kasal nila Rocco. "Sorry, Z. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan niyo noon."
"Narinig mo ang lahat?"
"Hindi naman lahat. Hindi lang ako sigurado kung dating fiancee mo ba yung kausap mo."
"Yes, she is my ex fiancee. Apat na taon na rin kami magkarelasyon ni Kelly pero mas lalong tumatagal ay nahuhulog na ako sa kanya at kinalimutan ko ang plano kong makipaghiganti sa ama niya. Niyaya ko siya ng kasal and she said yes. Iyon ang pinakamasayang araw para sa akin pero sa araw mismo ng kasal namin ay hindi sumipot si Kelly at nawala na lang siya parang bula. Wala man lang akong balita sa kanya, even her father. Tapos ngayon bumalik siya kung kailan naka move on na ako at kinalimutan ko na ang tungkol sa kanya."
"Mahirap talaga makalimutan ang isang tao lalo na kung first love mo." Ani Miguel. Ayos ah. Sa kanya pa nanggaling iyon.
"No, she is not my first love. Noong maliit pa lang ako ay may nakilala ako batang babae pero hindi ko alam ang pangalan niya. Iyon kasi ang una at huli ko siyang nakita."
"Ayos lang iyan, pre. Baka balang araw ay makita mo siya." Sabi ni Kurt.
"Hindi na ako umaasa, Kurt. Ayaw ko masaktan si Jessa. Mahal ko iyong tao at baka totohanin talaga niya na maghanap ng ibang lalaki."
![](https://img.wattpad.com/cover/180289031-288-k706869.jpg)
BINABASA MO ANG
Must Be Love
Lãng mạnAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...