Chapter 28

857 30 1
                                    

Nandito na ako sa Tagaytay simula pa kahapon dahil dito rin tumuloy si papa noong umuwi siya galing Paris. Nagulat nga ako kagabi noong nalaman ko matagal na pala magkakilala si papa at ang ama ni Gael. Hindi ko inaasahan iyon. Kaya pala ganoon na lang ang pagpayag ni papa na magpakasal ang unica hija niya sa ama ng anak niya. Sabagay siya rin naman ang ama ni Isaac.

Nakabihis na ako lahat lahat pero ang utak ko ay nasa Manila. Iniisip ko ngayon ang kalagayan ni Trixie. Kaya kinuha ko ang phone ko para matawagan si Trixie ngayon.

"Musta kayo diyan?"

"Ayos lang naman kami. Kayo ni Jazz?"

"Ayos lang din kami dito. Gusto ko na nga lumabas dahil nabobored na ako walang ginagawa."

"Alam mo naman hindi ka pa pwedeng lumabas. After the wedding ay pupuntahan kita agad sa ospital. Mamaya ay magpapaalam na ako kay Eina at sa pamilya ko."

"Okay, hihintayin kita dito. I love you."

"I love you too." Binaba na niya ang tawag at may narinig akong tumikhim dahilan para lumingon ako likuran.

"Masyado naman sweet ng panganay ko. Mukhang hindi mo kaya ang lumayo ng matagal kay Trixie ah." Pang aasar ni papa sa akin.

"Si papa talaga. Alam niyo naman kailangan ako ni Trixie ngayon. Kung hindi lang kasal ni Eina ay hindi naman ako pupunta dito sa Tagaytay."

"Ikaw talagang bata ka. Kapag narinig iyan ng kapatid mo ay baka magtampo iyon sayo."

Why? Totoo naman ang sinabi ko ah. Pero siyemore kasal ito ni Eina kaya hindi ko papalagpasin ang araw na ito dahil special ang kasal ng kapatid ko.

Nagsimula na ang wedding ceremony. I saw how they are in love for each other. Sa nakikita ko sa ngiti ni Eina sa mga labi nito ay si Gael lang talaga ang lalaki para sa kanya kahit marami ang naging kasalanan nito sa pamilya namin. Nakikita ko naman kung paano nagsisi si Gael noon, eh.

After wedding ceremony ay pumunta na kami lahat sa reception. Kailangan kong makabalik agad sa Manila para makarating sa ospital. Baka hinihintay na ako ni Trixie.

Napatingin ako sa phone ko at nakita kong may message ako galing kay Trixie. Kumunot ang noo ko sa nabasa ko.

From Mrs. Gorgeous;

Jake, help!

Bakit naman nagtetext ng ganito si Trixie sa akin? Ayaw ko magisip ng masama. Kaso kailangan ko na talaga umalis. Hindi maganda ang kutob ko ngayon.

Tumayo na ako kaya ang pamilya ko at ama ni Gael ay napatingin sa akin.

"Saan ka pupunta, Jake?" Tanong ni mama sa akin.

"Kailangan ko na po bumalik sa Manila ngayon. Trixie needs me." Sagot ko kay mama. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanila ang totoong dahilan kung bakit kailangan kong bumalik na sa Manila.

Lumapit na ako kung nasaan ang bagong kasal para magpaalam sa kanila.

"Sis, sorry but I really need to go."

"I understand, kuya. Alam ko naman kailangan mo ng balikan si ate Trixie ngayon." Nakangiting sagot ni Eina sa akin.

"Salamat." Binaling ko ang tingin kay Gael. "Subukan mo lang paiyakin ang kapatid ko ay lagot ka sa akin."

"No worries, bro. Takot ko lang baka balatan mo ko ng buhay gamit ang scalpel."

Hindi lang scalpel ang gagamitin ko sayo pati baril.

Nagmamadali na ako magmanaho ng kotse ko at tinawagan ko si Zion. Alam kong nasa head quarter siya sa ganitong oras. Nilagay ko na rin sa tenga ko ang earpiece bluetooth.

"Pre, I need back up. May kutob ako hindi maganda nangyayari sa ospital ngayon."

"Paano ka naman nakakasigurado?"

"Nakatanggap ako ng help message galing kay Trixie and I have a bad feeling. Hindi magtetext ng ganoon ang kapatid mo."

"Fuck. Okay magdadala ako agad ng back up sa ospital. Nasaan ka ba ngayon?"

"Pabalik pa lang ako sa Manila ngayon."

Kaya ko ba palagi ko iniisip ang kalagayan ni Trixie simula pa kahapon ay may mangyayaring masama ngayon. Shit naman. Sana walang nangyaring masama sa kanila ni Jazz. I hope they both are safe.

Pagkarating ko sa ospital ay kinuha ko na ang baril ko bago bumaba sa kotse. Nilapitan na ako agad ng ibang agents.

"Sir." Tawag sa akin ng isang agent at sinenyasan ko sila na huwag na muna pumasok sa loob hanggang wala pang signal ko. Tumango naman silang lahat.

Habang nagtatago kami sa pader ay lumilingon ako sa likuran nito. Wala ako makita na kahit anong signs ng kalaban. Nag senyas na ako sa mga kasamahan ko na pwede na silang pumasok sa loob at ako naman ay dumeretso sa nursery room para kunin si Jazz. But when I got there no signs of my son.

Fuck, sana hindi dinukot si Jazz.

Habang nagmamadali ako papunta sa hospital room ni Trixie ay nakikita ko ang mga nurses or even doctors kahit ang ilang security guards na wala ng buhay. They are dead.

Pagkarating ko sa hospital room ni Trixie ay napansin kong bukas ang pinto at nakita ko rin ang ilang armadong lalaki nasa loob. Agad naman ako nagtago sa likuran.

Shit shit!

Napailing ako para alisin sa isipan ko ang bagay na iyon.

Walang mangyayari masama sa mag-ina mo, Jake. Alam mong hindi hahayaan ni Trixie na may mangyaring masama sa anak niyo.

Kaso ang pagkaalam ko ayaw ni Trixie sa ganitong bagay.

But she had no choice. Ganito ang buhay pinasok ng kapatid at boyfriend niya.

Sumilip ako sa loob but no signs of Trixie or Jazz inside of the room as their hostage.

I put my phone in a silent mode para hindi maging isturbo sa akin kaso bigla na lang nag-vibrate ito kaya kinuha ko iyon.

From Rocco;

Huwag ka na magaalala sa mag-ina mo ngayon. They both are safe. Kasama ko sila mgayon and I will tell you the details later.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala nangyaring masama sa kanila. Salamat, Rocco.

May nakita ako ilang agents na lumapit sa akin na sila na ang bahala dito dahil kailangan kong puntahan na ngayon si Rocco para alamin ang kalagayan ng mag-ina ko ngayon.

"Kayo na ang bahala dito ngayon. Kailangan ko na rin ang umalis para alamin ang kalagayan ng mag-ina ko." Sabi ko sa kanila.

"Yes, sir."

Inipit ko na ang baril ko kanina sa waistband ng pantalon ko bago tumakbo papunta sa exit.

~~~

Parang mas ginanahan ako gumawa ng action scene ah. 😂

Wala kasing thrill kung walang patayan at hindi magiging agent series ito kung walang actions hahaha

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon