Pagkatapos painumin ni Trixie si Jazz ng gatas at pinag burp na rin niya ang anak namin ay umupo na rin ako sa gilid ng kama.
"Marunong ka ba kumarga ng sanggol, Jake?"
"Hindi masyado. Hindi ko kasi kinarga si Eina noong baby pa siya. Kahit rin si Isaac."
Binigay sa akin ni Trixie si Jazz at inalalayan niya ako habang karga ang anak namin. Ang himbing ng tulog ni Jazz habang karga ko siya. Mukhang alam niya na ako ang daddy niya dahil hindi man lang siya umiyak.
"I love you, baby." Mahinang sambit ko.
Inaamin kong kasal na lang ang kulang sa amin ni Trixie ngayon. I am going to propose on her very soon.
Bumalik na ang nurse para kunin si Jazz.
Maya maya pa ay dumating na ang mga kasamahan ko sa head quarter. Mukhang sinabi na ni Zion ang nangyari.
"Welcome to the club, Jake." Sabi ni Rocco. Ganoon siya kung paano mag-congratulate.
"Thanks, man."
"Hindi nga pala makakadalaw ngayon si lolo pero alam na niya na dumating na ang anak niyo." Sabi naman ni Miguel.
"Sinong lolo?" Tanong ni Trixie. Puro kalokohan pa naman sina Miguel at Neil pero tinatawag naming lolo si Kurt dahil siya ang pinaka matanda sa grupo namin.
"Si Kurt. Siya kasi ang pinaka matanda sa grupo kaya tinatawag namin siyang lolo. Except for Rocco."
"Why would I call him lolo? Parang sinasabi mo na rin na lolo ako. Halos malapit lang ang edad naming dalawa."
Tama naman siya. Tatlong taon lang naman ang agwat ni Kurt kay Rocco pero silang dalawa ang mas close. Pero mas close naman ako sa kanilang lahat. Hindi naman kasi ako killjoy kapag nagyaya ang isa sa amin uminom. Game ako palagi.
Kung dati sa tuwing pumupunta kami ng club ng mga kaibigan ko ay may kasama akong babae pero simulang nakilala ko si Trixie ay nagbago na ang lahat. Hindi ko kayang gawang lokohin si Trixie.
Naalala ko pa noong panahon na nakilala ko si Trixie. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganito ka weird ang puso ko kapag palagi ko kasama si Trixie because I really love this woman. Noong nakipag hiwalay siya sa akin ay naging miserable ang buhay ko. Hindi ko na nga magawa ng maayos ang trabaho ko at madalas pa ako nasa bar para uminom na magisa. Umuuwi na lasing at minsan pa nga napapaaway ako sa ibang customer ng club kung saan ako pumupunta.
"Jake." Bumalik ako sa katinuan noong marinig ko ang boses ni Trixie. Nilibot ko ang paningin ko kaso wala na dito ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam umalis na pala sila. "Tulala ka. Problema ba?"
"Wala naman. Masaya lang ako simulang nakilala kita." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Umalis na pala ang mga kaibigan ko."
"Yup, ang iba kasi kailangan na daw bumalik sa head quarter pero si Rocco ay baka hinahanap na daw siya ng asawa niya." Tumango ako sa kanya. Hindi na ako nagtaka kung bakit palagi ganoon na lang sinasabi ni Rocco bago pa siya umaalis. Katulad din naman siya ni Kurt na hindi kaya lumayo sa asawa. Mabuti hindi niya naisipan umalis na rin sa pagiging agent.
"Anyway, Zion came here a while ago. Baka siya din ang nagsabi sa iba kung ano ang nangyari sayo kanina."
"Excited din si Zion na makita ang pamangkin niya."
"I can see that."
Nagpaalam na muna ako kay Trixie na bibili na muna ako ng makakain ko dahil nagugutom na ako. Pagkatapos ko bumili ng makakain ay bumalik na ako sa hospital room.
"Mukhang hindi ako makaka attend sa kasal ni Eina next week. Hindi pa kasi ako pinapayagan ng doctor na lumabas." Sabi ni Trixie habang sumusubo ako ng pagkain.
"It's okay. You have take a rest at kakausapin ko rin si Eina na hindi ka makakapunta. Baka hindi rin ako tatagal sa kasal nila dahil kailangan may kasama ka dito."
Wala nga rin pala kasama si Zen sa bahay nila dahil nandito si Trixie sa ospital. Kakausapin ko na lang ulit si Zion na sa kanila na muna si Zen habang hindi pa nakakalabas ng ospital si Trixie.
Lumabas na ako sa hospital room para tawagan si Zion. Sana nga lang hindi siya busy sa ganitong oras.
"Hey."
"Pwede ba pabor, pre?"
"Ganda ng bungad natin ah. Sige, ano ba iyon?"
"Alam mo naman hindi makakauwi agad si Trixie kaya lang walang kasama si Zen ngayon sa bahay niyo."
"No worries, pre. Kasama ko na ngayon si Zen. Sinabi ko na rin sa kanya na kami na muna ni Jessa ang kasama niya habang wala pa kayo ni ate."
"And one more thing."
"Okay. Shoot."
"Napag usapan na kasi namin ni Trixie kapag kinasal na kami ay sa resort niyo na kami titira dahil doon gusto ng kapatid mo. Balak ko sana kasama rin si Zen kaso nabanggit ni Trixie na wala daw malapit na paaralan doon."
"Nakuha ko ang gusto mong sabihin. Kapatid ko rin si Zen kaya responsibilidad kong alagaan siya at nangako ako kay mama na hindi ko hahayaan ang dalawa kong kapatid."
"Thank you, pre."
"I should be the one who say thank you dahil nandiyan ka palagi para bantayan ang dalawa kong kapatid, specially ate."
"Naging part na rin ng buhay ko si Zen, Zion. Kapatid siya ni Trixie kaya tuturingan ko na rin siyang kapatid ko at handa rin akong protektahan silang dalawa habang wala ka sa paligid."
"Thank you talaga. I really owe you."
"No, you don't have to. Magiging pamilya na tayo kapag kinasal na kami ng ate Trixie mo."
"Maiba tayo, kailan mo ba balak yayain si ate magpakasal? Nandiyan na ang anak niyo oh. Kasal na lang ang kulang."
"I know. Masyado pa ako maraming ginagawa pero very soon ay tatanungin ko na rin si Trixie na magpakasal sa akin. Pero huwag niyo na muna asahan ngayon taon ah. Pinag usapan na rin namin na next year pa kami magpapakasal. Masama ang magpakasal kapag kinasal ang magkapatid sa parehong taon. Unang una kinasal ka tapos next week ikakasal na din si Eina."
"Ang dami mong alam." Natatawang sabi ni Zion sa kabilang linya. "Ibaba ko na ito dahil hinahanap na ako ni Jessa at tutulungan ko pa siya sa pagalaga kay Zoe."
Nagpaalam na rin ako sa kaibigan bago pinutol ang paguusapan naming dalawa. Wala na pala ngayon si Zion sa head quarter. Sabagay, mas priority na nga talaga ang pamilya niya ngayon. Kaya ganoon rin ang gagawin ko dahil mas kailangan ako ni Trixie lalo na sa pagalaga kay Jazz.
~~~~
Sup readers? Napaisip isip ko na baguhin ang pangalan ni Trixie. Dapat Trixie Montemayor lang ang pangalan niya kaso napaisip ako na puro simula sa letter Z ang pangalan ng dalawa niyang kapatid kaya napaisip ako na gawin na lang Zaira Patricia Montemayor ang pangalan niya. 😂
Trixie for short. Hahaha

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...