Chapter 7

1K 33 0
                                    

Ilang araw na rin nang payagan na akong lumabas ng ospital. Wala sa pamilya ko ang may nakakaalam sa nangyari sa akin. Kaso hindi ko na rin naman maibabalik ang nawala kong kotse dahil sumabog na iyon noong naaksidente ako. Wala na ako ibang choice kaya gamitin ang isa ko pang kotse. Ang unang binili kong kotse kaya lang yung sumabog ang pinaka paborito ko.

Ngayong araw ko balak mangligaw kay Trixie dahil nangako ako sa kanya na liligawan ko siya pagkalabas ko ng ospital kahit sinabihan ako ng doctor na magpahinga.

Pumunta na muna ako sa flower shop para bumili ng bouquet of roses bago pa dumating sa bahay nila Trixie.

"Good afternoon, mga boss." Bati sa mga bodyguards nila. Ang dami ngang bodyguards sa bahay nila dahil siguro sa proteksyon ng mga anak ni mayor Alfred.

"Good afternoon, sir." Bati sa akin ng isa.

"Nandiyan ba si Trixie ngayon?" Tanong ko at napatingin naman ang dalawang bodyguards sa isa't isa bago humarap sa akin. "Pasensya na, mga boss. Wala naman ako gagawing masama kay Trixie."

"Mga pare, kilala ko iyan. Siya yung binisita ni ma'am Trixie sa ospital noon." Sabi ng isang bodyguard. Mabuti na lang may nakaalala sa akin pero ako wala ako maalala sa kanila. Halos pare-pareho kasi ang mukha nilang lahat. "Sir, pasok na kayo. Nasa loob si ma'am Trixie ngayon."

"Salamat, boss."

"Walang anuman."

Pinapasok na ako ng isang bodyguard sa loob ng bahay nila. Namangha ako nang makita ang loob ng bahay nila. Ang ganda at may ramdaman ako na may nakatingin sa akin kaya nilingon ko siya. May isang batang lalaki ang nakatingin sa akin.

"Hello." Bati ko sa kanya. Sa pagkaalala ko ay tatlo sila magkakapatid at sigurado ako ito ang bunso nilang kapatid.

"Sino ka?" Tanong niya sa akin.

"Sorry. Hindi pala ako nagpapakilala isa sa mga kapatid ni Trixie. Ako nga pala si Jake, tawagin mo na lang akong kuya Jake."

"Nililigawan mo ba ang ate ko?"

"Parang ganoon na nga." Patango tango pa siya sa akin.

"Okay. First time pa lang kasi may lalaking pumupunta sa bahay maliban kay kuya. Nasa taas pa si ate ngayon pero ang pagkaalam ko ay pupunta siya ngayon sa resort namin para bisitahin si dad."

"Ganoon ba? Sige, hintayin ko na lang ang ate mo rito." Umupo na ako sa sofa habang hinihintay ang pagbaba ni Trixie. "Ano pala pangalan mo?"

"Zen Aries Montemayor pero pwede mo kong tawaging Zen."

"Nice to meet you, Zen." Ngumiti ako sa kanya. "Ilang taon ka na?"

"I'm 6 years old." Napakurap ako. Ang laki ng agwat ng edad niya sa mga kapatid niya. Kung si Trixie at Zion ay isang taon lang ang agwat ng edad nila.

"Jake?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nandito na pala si Trixie kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Nililigawan kita. For you nga pala." Binigay ko na sa kanya yung dalawa kong bouquet.

"Salamat." Inamoy pa niya ang bulaklak.

"Ang sabi ni Zen sa akin kanina ay pupunta ka daw sa resort niyo. Samahan na kita."

"Sigurado ka?" Bakas sa mukha niya na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Yes. And I really want to meet mayor Alfred. Bilang respeto na rin sa magulang niyo."

"Okay, kung napilit ka talaga."

"Ako na rin ang magmamaneho pero sabihin mo sa akin yung daan kung paano pumunta doon."

Sabay na kami lumabas ni Trixie at kinausap na niya muna ang mga bodyguards na huwag na sila sumama sa kanya. Dahil siguro ako ang kasama niya at handa naman akong protektahan din siya.

Pinagbukas ko na rin siya ng pinto at pumasok na siya sa passenger's seat kaya umikot na ako papunta sa driver's seat.

"Bumili ka ba ng bagong kotse?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho ako.

"Hindi. Ito ang una kong binili bago yung isa kaso iyon ang paborito ko."

"Ah. Akala ko bumili ka ng bago dahil sa nangyari sa kotse mo noon." Sabi niya at tinuro na niya sa akin ang daanan.

"Hindi naman. Hindi ako bumibili ng basta basta kahit may bagong model na nilabas. Okay na sa akin ang dalawa kong kotse."

Ilang oras rin ang lumipas ay nakarating na kami sa Sky Island. Muntik na nga maubos ang gas ng kotse ko kasi naman hindi ko inaasahan aalis pala siya ngayon. Kung alam ko dapag pina full tank ko na muna yung gas. Kaya naghanap pa kami ng malapit na gas station.

"Welcome to Sky Island." Sabi niya sa akin. Hindi ko nga rin maiwasan ang libutin ang paningin ko sa sobrang ganda ng resort. Puti ang buhangin, azul naman ang kulay ng tubig sa dagat. Talagang inaalagaan ang kapiligiran. "Ano ang masasabi mo?"

"Wala akong masabi dahil maganda ang resort niyo." Tumingin ako kay Trixie at ngumiti siya sa akin.

"Kung nabubuhay lang si mama ngayon at kapag narinig iyan ay panigurado akong matutuwa yun."

May isang lalaki na may edad na ang lumapit sa amin. Wait, si mayor Alfred pala ito.

"Hi, dad."

"Trixie, napapasyal ka dito."

"Gusto ko lang po kayong kamustahin."

"I'm fine." Binaling ni mayor Alfred ang tingin sa akin kaya napalunok ako ng ilang beses. Kabado ang nararamdaman ko sa oras na ito. "Jake? Anak ni Yuric?"

"Hello po, mayor Alfred."

"God, ang laki mo na ah. Ang huling kita ko pa lang sayo ay maliit ka pa. Sa tingin ko sana 4 years old ka pa lang noon." Napangiti na lang ako dahil wala akong maalala nagkita na pala kami ni mayor Alfred. "Mukhang magkakilala na kayong dalawa ni Trixie."

"Yes, dad. Nagkita po kami ni Jake sa hindi inaasahan sa isang restaurant."

"Good, good." Pasalit salit ang tingin sa amin ni mayor. "Bakit pala magkasama kayo?"

"Gusto ko lang po sabihin sa inyo na balak ko sanang niligawan ang anak niyong si Trixie bago kami magpakasal. Para naman po makilala namin ang isa't isa."

"Walang problema. You're also part of our family, Jake kahit hindi pa kayo pinapanganak ni Trixie." Napangiti ako dahil noon pa lang ay tanggap na pala ako maging bahagi ng Montemayor.

"Maraming salamat po."

"Doon na tayo sa loob dahil alam ko naman gutom na kayo pareho para lang makarating agad dito."

Tumingin ako kay Trixie at ngumiti sa kanya.

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon