Chapter 33

961 28 0
                                    

Pagkatapos kong magpropose kay Trixie kagabi ay tinawagan ko na agad si mama para sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuwang tuwa nga siya para sa aming dalawa ni Trixie at binabaan pa nga ako ng tawag agad para daw sabihin din kay papa. Ibang klase na magulang na meron ako.

Nakita ko si Trixie na may kausap ito sa telepono. I wonder who? Kitang kita din sa mukha niya ang saya habang may kausap. Nakakaramdam na tuloy ako ng selos kung sino man iyang kausap niya.

Pinuntahan ko na si Jazz sa nursery room para painumin na siya ng gatas dahil busy naman ang mommy niya sa kausap nito sa telepono ay ako na lang ang kikilos.

"Busy ang mommy mo ngayon sa kausap niya, baby." Sabi ko habang pinapainom ng gatas si Jazz at nakatingin lang sa akin ang anak ko. As if naman naiintindihan niya ang sinasabi ko.

"Jake. Jake!" Humarap ako sa may pinto. "Aba, ikaw ang nagpapainom kay Jazz."

"Abala ka sa kausap mo kanina kaya hindi na kita inisturbo. Mukhang excited ka ngayon. Ano ba meron?"

"Tumawag kasi si Jessa sa akin kanina at sinabi niyang siya ang gagawa ng wedding gown ko." Masayang balita niya sa akin. So, si Jessa pala ang kausap niya kanina. Sinabi na rin pala ni Zion ang nangyari kagabi.

Ang totoo lang wala namang problema sa pag gawa ng wedding gown ni Trixie dahil nandiyan naman ang asawa ni Zion at mukhang handa naman tumulong kaso ang problema ang susuotin ko sa kasal. Hindi ko pa kasi inaasikaso at mas lalong hindi ko pa sinasabi sa iba.

"Ngayon wala ka ng poproblemahin sa wedding gown mo."

"Oo nga, eh. Ang swerte ko talaga na nagkaroon ng sister-in-law na katulad ni Jessa." Kumikinang na ang mga mata nito sa tuwa. Masaya naman ako para kay Trixie.

"Sabihin mo lang sa akin kung kailan mo balak pumunta sa boutique nila."

Wala pa naman official date kung kailan ang kasal namin dahil hindi pa naman namin pinaguusapan ang tungkol sa kasal. Matagal pa naman matapos ang taong ito.

Habang kumakain ng pananghalian ay napapaisip na tuloy ako kung saang lugar ba ang gusto ni Trixie magpakasal.

"May problema ba, Jake?"

"Iniisip ko lang kung saan mo gusto magpakasal? Dito ba o sa Manila."

"Manila, siyempre. Wala namang malapit na  simbahan dito sa resort namin." Tumango ako sa kanya. Wala pa naman kasi ako masyadong alam dito sa resort nila pero napapansin ko lang ay marami ang wala sa lugar na ito. Sabagay ay bakasyunan lang naman dito.

Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako para makapunta sa head quarter ngayon.

Nagpaalam na ako kay Trixie na pupunta na muna ako sa head quarter. Ang akala ko nga ay hindi niya papayagan para may tutulong sa kanya sa pag alaga kay Jazz pero nakita ko rin ang pagtango niya. Hindi naman ako pinipigilan ni Trixie na huwag ko na ituloy ang pagiging agent ko. She lets me what I want to do. Basta bumalik daw ako na buhay.

Pagkarating ko ay head quarter ay lahat ng kasamahan ko ay nakatingin sa akin para bang nakakita ng artista.

Kaso nagulat ako ng may narinig akong gunshot sounds. Party popper lang pala iyon.

"Congratulations!" Sabay nilang lahat. Napatingin ako kay Zion pero isang kibit balikat ang binigay niya sa akin.

"Sorry kung inunahan na kita sabihin sa kanila ang magandang balita. Masaya lang kasi ako na ikakasal ka na sa kapatid ko."

Baliwala lang din pala ang punta ko dito para sabihin sa iba na engaged na talaga ako. Walang kinalaman dito ang mga magulang namin ni Trixie. Ginusto namin ito.

"Kailan niyo balak magpakasal?" Tanong ni Rocco sa akin.

"Wala pang official date kung kailan. Hindi pa kasi namin pinaguusapan ni Trixie kung kailan ang kasal. Ang napagusapan lang namin kanina ay saan niya gusto."

"Siguro dito sa Manila dahil wala namang simbahan malapit sa Sky Island."

"Sayang. Hindi na kumpleto ang grupo dahil wala na si Kurt ngayon." Sambit ni Neil. Kahit umalis na si Kurt sa pagiging agent niya ay palagi naman siyang game sa gimmick namin. Kahit may sariling pamilya na ang iba. Especially me.

"Hindi porket umalis na ako sa grupo ay hindi na ako pwedeng bumisita." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Nandito si Kurt ngayon. "Mukhang tama lang pala ang pagpunta ko dahil may kasayahan pala dito ah."

"Oo dahil malapit na ikasal si Jake." Sabi ni Oliver kay Kurt.

"Talaga? Congrats, pre."

"Salamat, Kurt." Humarap ako sa iba ko pang kaibigan. "At salamat din sa inyo."

"Magpapainom daw si mayor!" Sigaw ni Neil kaya hinakbayan ko siya.

"Game kami diyan."

Mukhang mapapasugod ako ngayong araw dahil kailangan ko talaga magpainom mamayang gabi ah.

Kung dati ay palaging pass si Rocco sa gimmick namin dahil kailangan niyang umuwi agad para may kasama ang anak niyang si Daisy. Ngayon kasal na ulit siya ay napapadalas na rin ang sama niya sa amin. Maganda talaga ang paintulot ng pagpapakasal niya kay Sarah dahil may kasama na siya sa buhay.

Nilabas ko ang phone ko para masabihan si Trixie baka kasi hanapin niya ako mamayang gabi.

To Mrs. Gorgeous;

Sorry kung hindi ako makakauwi ng maaga ngayon. Nagkayaan kasi yung mga kasamahan ko na uminom kami to celebrate.

From Mrs. Gorgeous;

Celebrate? Na ano?

To Mrs. Gorgeous;

Nalaman na kasi ng iba na engaged na ako kaya ayun mapapasugod ako.

From Mrs. Gorgeous;

Sige, basta walang babae kung ayaw mong putulin ko iyang kaligayahan mo.👿

To Mrs. Gorgeous;

Hindi mo iyan magagawa dahil mawawalan ka rin ng kaligayahan.😝

From Mrs. Gorgeous;

Don't try me, mr. Suarez.

Natatawa ako habang umiiling. Ibang klase talaga si Trixie.

"Aba. Mukhang masaya ang bayaw ko ah." Nilingon ko si Zion.

"Siyempre. Masaya ako palagi dahil kay Trixie."

"Ano ang ginawa ni ate ngayon para maging masaya ka ah?"

"Sa aming dalawa na lang iyon ni Trixie, Zion." Sagot ko para dahilan na sumimangot sa akin si Zion at kinatawa ko.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa iba kung ano man ang pinaguusapan namin ni Trixie at paniguradong tutuksuhin ako ng mga ito kapag nalaman nila. I know them very well.

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon