Chapter 20

991 33 1
                                    

Ang hirap ng ganito dahil kailangan ko pang bantayan si Isaac habang wala pang malay si Eina at pumupunta pa ako sa bahay nila Trixie para ibigay sa kanya yung pagkain na gusto niyang kainin pero saglit lang ako dahil walang kasama sa bahay ang pamangkin ko.

Halos pitong buwan na ng walang malay si Eina ngayon at umaasa kaming lahat na magigising na siya. Pinagdadasal ko talagang magising na ang kapatid ko.

Napatingin ako sa phone noong tumunog iyon. Nakita kong tumatawag sa akin si mama kaya agad ko sinagot ang tawag niya.

"Hello, ma."

"Gising na si Eina, Jake." Napapaluha ako sa tuwa dahil gising na rin si Eina ngayon. Hindi niya iniwanan si Isaac.

"S-Sige po. Pupunta kami diyan ni Isaac mamaya."

Binaba ko na amg tawag at pumunta na ako sa sala kung nasaan si Isaac habang nanonood ng paborito niyang tv show.

"Isaac." Nilingon naman ako ng pamangkin ko. "Halika papaliguan na kita para bisitahin natin ang mommy mo."

"Makakasama ko na po ba ulit si mommy?"

"Yes, makakasama mo na siya ulit."

"Talaga po?" Kitang kita sa mukha ng bata ang saya. "Yay! Makakasama ko na si mommy. Sana si daddy rin."

Pagtapos kong paliguan at bihisan si Isaac ay pumunta na kami sa ospital. Dahil alam ko naman ang hospital room ni Eina kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Nandito na kami ni Isaac sa labas ng hospital room ng kapatid ko kaya kumatok na ako nago buksan ang pinto. Nakita ko ang pag ngiti ng kapatid ko sa akin. God, I missed my little sister.

"Hi, sis. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. May inaasikaso lang kasi ako." Sabi ko naman sa kanya.

"Inaasikaso? Ano naman iyon? Mukha kasing importante pa iyon kaysa sarili mong kapatid." Bakas sa boses ni Eina ang pagtatampo. Kung pwede nga lang hatiin ko ang sarili ko ay matagal ko ng ginawa. Kailangan rin ako ni Trixie.

"I already met her. Actually, last year ko pa siya nakilala."

"Really? Bakit hindi mo siya pinakilala sa amin?"

"Balak ko naman siya pakilala sa inyo kahit kilala na siya nila papa."

"Mahal mo ba siya, kuya?" Tumango ako kay Eina. Mahal na mahal ko si Trixie at handa ako ialay ang buhay ko para protektahan lang siya. "Kung ganoon ay gusto ko siyang makilala."

"Okay, dadalhin ko siya sa bahay pagkalabas mo rito." Siya naman ang tumango sa akin. Sasabihin ko na rin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ni Trixie sa araw na iyon. "May kasama pala akong makulit ngayon."

Ngumiti ulit ang kapatid ko nang sinabi kong may kasama akong makulit ngayon. Alam ko naman sobrang miss na ni Eina ang anak niya.

"Mommy!" Lumapit sa kama na si Isaac kay Eina. Napangiti ako sa isipan ko. "I miss you."

"Namiss rin kita, baby." Hinalikan na rin siya ni Eina sa pisngi.

"Okay na po ba kayo?"

"Okay na ako dahil nakita ko ang anak ko ngayon." Sagot naman ni Eina sa anak habang kinukurot niya ang chubby na pisngi ni Isaac. Wala akong kinalaman dahil sobrang takaw ng anak niya.

"Makikita ko po ba ulit si daddy?" Nakita kong napatingin sa akin si Eina pero binaling niya ulit ang tingin kay Isaac.

"Soon, baby. Puntahan natin ang daddy mo paglabas ko rito ah."

Hindi na ako umangal dahil wala naman akong karapatang umangal sa kagustuhan ni Isaac. Kahit malaki ang kasalanan ni Gael ay may karapatan pa rin naman siya sa pamangkin ko dahil anak niya rin si Isaac.

"Sis, kailangan ko na umalis. Hatid ko na muna si Isaac sa bahay bago pa ako pumasok." Tumango si Eina sa akin. Hindi naman talaga ako papasok sa trabaho. Excuse ko lang iyon at ang gusto kong puntahan ngayon si Trixie para sabihin ang magandang balita sa kanya.

"Pero tito, gusto ko pong kasama si mommy." Pagwawala ni Isaac. Ang mga bata nga naman. Nagsimula na naman ang tantrum ni Isaac ngayon.

"Hindi ba ang sabi ko sayo kailangan ng mommy mo ang magpahinga pa."

"Sige na, baby. Pwede ka pa naman bumalik dito kung bibisita ang lola mo."

Mabuti nga lang sumunod si Isaac sa mommy niya kaya nagpaalam na ulit kami kay Eina at hinatid ko na si Isaac sa bahay.

Pagkahatid ko kay Isaac ay dumeretso na ako sa bahay nila Trixie. Pagkapasok ko sa bahay nila ay sinalubong ako ng yakap ni Trixie.

"Mabuti naman dumating ka na, Jake."

"Miss me already?" Nakita ko ang pagtango niya sa akin kaya napangiti ako.

"Sobrang tagal na rin ang huling punta mo dito kaya sobrang miss na kita ngayon. Kamusta na ang kapatid mo ngayon?"

"Gising na ngayon si Eina at dumalaw na rin ako sa kanya kanina."

"Really? That's great. Sabi ko naman sayo magigising rin siya dahil hindi niya pwedeng iwanan ang mga taong mahal niya." Tumango ako kay Trixie. She's right at hindi naman ako papayag kung iwanan kami ni Eina.

Binigyan ko ng isang mabilis na halik sa labi si Trixie. Inaamin ko ay sobrang namiss ko na siya ngayon at hinawakan ko ang umbok niyang tyan. Hindi na kasi ako nakakasama sa kanya sa check up dahil binabantayan ko si Isaac.

"Hi, baby. Daddy's here. Did you miss me?" Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Trixie dahil sumipa ang baby namin. "Namiss rin ako ng baby natin."

"Siyempre naman. Ang tagal mong nawala kaya namiss ka rin niya."

"How's your last check up? Ano ang gender ng baby natin? Alam kong hindi kita nasamahan dahil binabatayan ko ang pamangkin ko pero babawi ako sa inyo sa susunod na check up hanggang manganak ka na."

"Our first baby is a boy, Jake." Napangiti ako dahil lalaki ang magiging anak namin. Lalaki agad ang anak namin. Susunod babae naman para masaya.

"Thank you, Trixie." Siniil ko ng halik si Trixie sa mga labi niya kaso ako na rin ang humiwalay sa kanya. "Pagkalabas ni Eina sa ospital ay papakilala kita sa pamilya ko."

"I can't wait to meet them, Jake."

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon