4

8.3K 202 4
                                    

Nilayo ako ni Lazarus sa kay Xavier pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon dapat na ipagpasalamat. Wow? Parang mas gugustuhin ko na lang na kausapin ko nang pabalang si Xav kaysa manatili kasama si Lazarus!

"You have a boyfriend, eh?" I sensed a little humor in his voice.

Umiling ako. "Colleague."

"Really? Colleague."

Umirap ako sa hangin, mabilis akong lumayo sa halos nakakasuffocate na distansya naming dalawa.

"Sige, aalis na ako."

Balak ko sanang puntahan si Xerxes na ngayon ay nakikipag-usap sa hindi ko kakilala. Ano ba naman tong babaeng 'to. Akala ko ba hahanapin lang namin dito yung pouch niya?

"Why do you keep on avoiding me?"

Kumunot ang noo ko bago humarap kay Lazarus. "Stop making false assumptions."

"Totoo naman. Iniiwasan mo ako."

Halos magpantig ang tainga ko sa sinabi niya, batid kong sa paglalakad ko ay nakasunod pa rin siya sa akin.

"Xerxes, tara na!"

Natigil sa pagtawa si Xerxes nang lingunin niya ako. Her eyes widened when she saw who's behind me. Umawang pa ang labi nito at lalo akong pinanlakihan ng mata.

OMY. Sana ay hindi na siya gumawa ng kahit anong eksena!

"Lazarus Fortalejo!" Masayang sabi nito.

Gusto kong mapasentido ng wala sa oras!

Ngumiti si Lazarus kay Xerxes, si Xerxes naman ay abot tainga ang pagkangiti. She's even teasing me with her smile! Alam ko na ang iniisip nitong babaeng 'to.

"So what brought you here, Mr. Fortalejo?" Pormal na tanong ni Xerxes.

At kailan pa nawala ang tama nito? Lasing 'to kanina ha?

"Nothing. I'm just with my friends." Lazarus said in a very manly voice.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Buti nalang at hindi ko na nahagilap pa si Xavier, baka mamaya ay dumoble pa ang pang-aasar sa akin ni Xexe.

"Ohhh." Ani Xerxes at lumipat ang tingin sa akin. "So have you met my friend?" Hinila ako ni Xerxes at hinarap kay Lazarus. "This is Adira."

"Hayop ka." Bulong ko sa kanya, ano bang iniisip ng isang to?

"Yeah. I know her." Ani Lazarus sa isang matigas na Ingles. "I do." Dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko, kinakausap niya si Xerxes pero ang mga mata niya ay nakapako lang sa akin.

At bakit ang bilis naman nang tibok ng puso ko?

Si Xerxes naman ay niyakap ang braso ko. "That's great!" Aniya, napatingin ito sa akin at nakita ang mukha kong hindi na natutuwa.. "Umm.. I'm sorry, Mr. Fortalejo, we really need to go."

Tumango si Lazarus sa kaibigan ko. Si Xerxes na mismo ang nanghila sa akin palabas. At gaya nga ng inaasahan ko ay patuloy ang makahulugan niyang tingin sa akin.

"Cut it out, Xerxes. Nagkita lang kami bigla."

"Kaya pala ayaw mo dun ha? Kaya pala pinipilit mo tayong umalis agad." She concluded. Humigpit ang hawak ko sa manibela ng aking sasakyan.

"Hindi nga!" Kahit totoo naman.

"You tell me, Adira. Bakit ba masyado kang affected kay Lazarus?"

I looked at her and she's serious finding an answer to her question. Really? Kailangan ko ba talagang sagutin iyon?

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon