12

7.5K 259 44
                                    

Today will be the final meeting for the Gotescafé. Itong araw na din na 'to ay malalaman na ng lahat ang ginagawang pagnanakaw ni Empleo Marasigan sa kompanya ng mga Gotesco.

I asked Lazarus to investigate about Marasigan's bank accounts. Nakikita dito ang malaking pagpasok ng pera kapareha naman ng mga nawawala sa dapat na pangbili ng mga mamahaling materyales para sa Café.

It is not illegal. Hindi ko alam kung paano nakuntsamba ni Lazarus ang sekretarya ni Mr. Empleo para silipin ang lahat ng mga transactions sa banko niya.

Well, sana hindi niya 'yon inoffer'an ng kung ano..

At hindi ko rin alam ang mga nasabi ko noong isang araw. He is mine. Totoo naman, may pakinabang pa si Lazarus sa akin kaya pagmamay-ari ko pa siya. After this situation, I will let go of him at hahanap na ulit ako ng aking mapapangasawa.

Baka mamaya magulat nalang ako, bukas ay kasal ko na. I know how Mama's patience works. Masyadong maikli pa 'yon sa litid ng pasensya ko.

At hindi ko alam kung bakit kailangan makisawsaw ng lola ko sa aking lovelife. Kung si Nanay nga ay walang pakialam.

All about the damn legacy, huh?

Today I'm in Xerxes' turf. Nag-ayos kaming dalawa dahil nga this is the time of Mr. Empleo Marasigan's life. The end of his career.

Hindi na pera ang hihimasin niya kundi mga rehas na at wala rin akong nararamdamang awa sa mga naiisip kong mangyayari kay Mr. Empleo.

"Adira try this Garnet Matte lipstick." Ani Xerxes na ayos na ayos ngayon at binigay sa akin ang isa sa mga spare lipsticks ko.

Nilagay ko muna ang turquoise contact lens ko bago gawin ang gusto niya.

Hindi na ako nag false lashes dahil mahaba naman itong pilikmata ko. I just let my hair to rule over my body. Gusto ko kung paano nito nasasakop ang hubad kong balikat.

I'm wearing a black turtleneck sleeveless dress and a black high heels. Pearl earrings lang ang pinartner ko dito para simple.

I love seeing my enemies' downfall with my fab dress.

"We're such a killers." Nangingiting wika ni Xerxes habang kinakapalan ang eye shadow nito. "Give me some D.."

Napairap na lang ako sa kawalan. She is just like that pero mabait yan. Maaasahan.

Ibenta ko kaya tong kaibigan ko?

"Anong oras ba nandito boyfriend mo?" Tanong ng kaibigan ko.

"Boyfriend?" Nalilito kong tanong.

"Yup! The most handsome bachelor in this town, Lazarus Fortalejo.." Parang kinikilig pa niyang sinabi.

Napabuga ako ng hangin. "He is not my boyfriend.."

"Eh ano? Manliligaw?"

Nagkibit balikat ako at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Bumaba ang tingin ko sa aking labi.

We kissed that day. Masyadong marahan ang mga halik niya sakin nung araw na 'yon kumpara sa huli naming halikan.

At diba Adira dapat ay pinapatay mo na ang kung anong hindi pamilyar na nararamdaman mo kay Lazarus? I just need him! For this!

Wala ng iba.

Talaga ba?

Sa sasakyan ako ni Xerxes sumakay. Lazarus texted me. Lahat daw ay nandun na at kami na lang daw ni Xerxes ang hinihintay. It's okay for me. I kinda love the attention.

Iniwan ko ang kotse ko sa condo kaya kanina ay nagpasundo ako kay Xerxes. I just missed this girl. Ilang araw din kaming hindi nagkakasama dahil sa pag-aaral ko tungkol sa negosyo.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon