17

5.9K 213 15
                                    

I immediately called Xerxes and told her what happened, talaga namang pinakawala niya ang kanyang ginagawa at dumiretsyo agad sa café na sinabi ko na pagkikitaan namin.

"Just Espresso." Order ko sa babae.

Kanina pa ako dito pero ngayon lang ako nagbigay sakanila ng iinumin, hindi ko na sinama ang order ni Xerxes dahil baka matagalan siya at matunaw iyon.

Gusto kong saktan ang aking sarili. How the hell did he find me there? Gaano ba kalakas ang radar non at nahulaan niyang nasa Uniquecorn ako?

"Adira!"

Agad akong napalingon sa tumawag. It was Xerxes, kumaway-kaway pa siya sa akin kahit naman malapit na ang distansya naming dalawa. Lumapit naman ang babaeng nanghingi ng order ko kanina dala ang Espresso ko.
"Thank you." Tipid kong ngiti.

"Ako rin, katulad ng sa kanya. Salamat!" Ani Xerxes bago lumingon sa akin at parang excited sa ikukwento ko.

Damn right! The president of Lazarus' fan club.

"So? So?" Aniya at hindi mapakali.

I rolled my eyes before answering her. Magandang ideya ba talaga ang pag imbita sa kanya?

"First, paano niya nalaman ang number ko?"

"Ahhh.." Xerxes smiled widely at me. Doon pa lang ay alam ko na kung saan nakuha ni Lazarus ang number ko. "He's very persuasive, Adira. Sorry"

"You are?" Iritadong bulalas ko sa kanya. "Xerxes, alam mong iniiwasan ko!"

"Look, Adira.." agap niya, "Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa siyang iwasan. You just need to be normal when he's around!"

"Because he's not just around! At alam niyang nasa Uniquecorn ako kanina!" Halos mahilamos ko na ang mukha ko sa inis.

Xerxes looked like she's very sorry for what happened. "Adira, hindi ko talaga sinasadya..Pero what can you do? Magkikita at magkikita pa rin naman kayo.."

"He kissed me." Wala sa sariling pag-amin ko.

Nakita ko kung paano halos malaglag ang panga ni Xerxes. From being worried to smiling like an idiot.

"It's not funny." Paalala ko sa kanya.

"Yes it's not."

"Eh bakit ka nangingiti diyan?"

"Bakit masamang ngumiti?"

Muli akong umirap sa kanya. When can I have a normal conversation with this woman?

"You kissed him back?" Tanong niya, umiling ako. "Bakit?"

Pagod akong tumingin sa kanya bago sumimsim ng kape ko. "He has a wife."

"Did he confirm it?"

Muli akong umiling. "Wala siyang sinabi. "

"Why you look so sad?"

"I want him to be honest with me just this time!" Napatingin ako sa bintana at pinahid ang iilang luhang tumakas sa aking mata.

Dumating na rin ang order ni Xerxes, nagpasalamat siya sa babae at ininom ang kape. Ginamit ko naman ang minuto na 'yon para ayusin ang aking sarili. Sumimsim din ako ng kape.

"Adira, you're not young anymore. Alam mo na kung paano maayos yang gulo niyo." Mahinaho na suhestiyon ni Xerxes. "Hinding-hindi mo siya maiiwasan. You know that."

"What do you suggest?" Tanong ko kahit pa nahihimigan ko na ang gusto niyang mangyari.

Ngumiti si Xerxes at pinakita niya sa akin ang kanyang phone. Napabuga ako ng hangin. I had the idea, okay? Pero no! Bakit ko naman siya itetext? Pogi ba siya? Well...yes! Totoo naman na pogi siya pero....

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon