32

4.5K 141 13
                                    

"What have you done?!" Xerxes screamed at my face. Napapikit ako sa sigaw niyang 'yon.

"You had better idea?" I asked her back.

Nandito siya ngayon sa mansyon at nang nalaman niya ang ginawa ko kahapon ay nagmadali siyang puntahan ako rito.

Tinignan ako ni Xerxes na para bang nauntog ako ng ilang beses para gumawa ng ganoong desisyon. Wala sa sarili siyang napahilamos sa kanyang mukha.

"He is the father of your child, Adira! He's going to be a father!"

"I know, okay?! Alam ko 'yon! Ako yung ka sex niya, ako 'yong nabuntis, alam ko 'yon!"

"Dapat sinabi mo na lang sa kanya yung totoo! He'll understand if you need to distance yourself! Baka nga gumawa pa siya ng plano na kunyari ay hiwalay kayo!"

Pagod kong tinignan si Xerxes. She's very mad at me and frustrated too. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang madamay sa gulo ko.

"Kilala mo si Tatay, Xe. Kapag nagsinungaling pa ako sa kanya..." I bit my lowerlip, "Baka hindi ko na makita si Nanay.."

And besides, it is her wish too. She made herself clear that day. She didn't like him for me. Ngayong may dinaramdam siya ay sino ba ako para magmatigas pa?

"At ano naman ngayon ang gagawin mo? Kapag lumaki yang tiyan mo?" She pointed at my tummy. "Ano? Pupuntahan mo si Lazarus at kakaway ka tapos bigla mong sasabihing nabuntis ka niya?"

"Wala pa sa isip ko 'yon--"

"Ilagay mo na sa isip mo 'yon, Adira! Kailan mo pa ilalagay, huh? Kapag manganganak ka na?"

I am seriously irritated right now. Bakit ba parang ang dami kong kailangan na problemahin. Good thing is, mom is getting better now. Nung nalaman niya kahapon ang ginawa ko ay nakita ko ang saya sa mga mata niya. Dad's treating me just like the old times. Parang walang kaguluhan na nangyari.

"Tama rin naman kasi si Tatay.." I said in a small voice.

Napatigil sa paglalakad si Xerxes at tinignan ako para hintayin ang idudugtong kong sabihin.

"Makikihati ako. Kami ng anak ko. Kay Bheatriz. Kay Liberan. I will never have him as a whole.."

Kumirot ang puso ko 'ron. I was once selfish, yes! Pero sa sitwasyon namin ni Lazarus ngayon, pumapayag akong makihati kay Liberan.

"Bur that's his real child.." Ani Xerxes, "Liberan will understand.."

Umiling ako at tiningala ang aking ulo. I don't want to waste another tear anymore!

Kahapon habang mag-isa ako sa kwarto, nagpaulit-ulit sa akin ang mukha ni Lazarus nang akusahan ko siya sa isang bagay na kahit kailan ay hindi niya magagawa. He froze that time, tila hindi rin inaasahan ang nangyari.

Ni hindi na niya nagawang ipagtanggol ang sarili.

Nadungisan ko na ang pangalan niya. Sa harap ng mga empleyado kong dumalo sa akin. Somehow, I broke him, too.

He's been a good man to me. He's patience for all of my whims, he's sweet and he is not clingy. Alam niya ang priorities ko at may tiwala siya sa akin. Lagi niyang hinihingi ang opinyon ko sa mga bagay at lagi niyang sinasabi na mahal niya ako.

Pero paano na ngayon? Nagsisisi kaya siya sa mga nasabi niya sa akin?

"Hindi ko na alam ang uunahin ko." Wala sa sarili kong nasabi. "Sakal na sakal na ako, Xerxes.."

Malungkot akong tinignan ng aking kaibigan. Sa huli, kahit irita siya sa akin ay inalu niya ako at pilit na pinapatahan.

He'll never come back. He'll never accept me again!

Iyan ang pumapalibot sa akin ngayon. Sabi ni Xerxes, huwag daw akong mastress dahil makakasama sa bata. Pinilit kong alisin si Lazarus sa isip ko at sinubukang libangin ang sarili.

Isang araw, nakita ko agad si Tatay sa sala. He looks like he's talking with someone.

"Xavier?" Gulat kong sambit sa kanya. Why is he here?

Tumayo si Xavier para batiin ako. I see how my father laughed with Xavier's reaction.

"Oh? Maiwan ko muna kayong dalawa. Mama will go down in a few minutes, Xavier.."

"No worries po, tito." Ngiti ni Xavier at tuluyan nang nakaalis si Tatay.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya.

"Alam ko na ang nangyari, Adira." Aniya he instructed me to sit so I did. Nangangalay din naman kasi ako sa pagtayo.

"Oh tapos?" Not that I want him to be here pero nahihimigan ko na hindi lang yan ang dahilan kung bakit siya nandito.

"And they said we should prepare for our wedding.."

Halos mabulunan ako sa sinabi niya kahit wala naman akong kinakain. Wedding? Anong wedding?

"I think I heard you wrong.." Tumalim ang titig ko kay Xavier.

"Your child needs a father, Adira." Ani Xavier na lalong kinakulo ng dugo ko.

Padabog akong tumayo at marahan akong hinila ni Xavier. Pinipilit niya akong kalmahin kahit alam niyang walang makakapagpakalma sa akin!

"We will take it slow, Adira. Hindi ka namin mamadiliin! I know what happened to you was really a tragedy. Pero ayoko nang maramdam 'yon ng anak mo. "

Sasagot na sana ako nang narinig ko sina Mama at Tatay. Tatay's holding Mama's arms. Ngumiti si Mama sa amin at kumaway.

"Xavier Sangria!" Ngiti ni Mama, "Long time, no see?"

Bahagyang natawa si Xavier at bumeso sa pisngi ni Mama. Ako naman ay naguguluhang papalit palit ang tingin sa kanilang tatlo.

"Ma!" I called her with so much frustration.. "Ano 'to?"

"Adira, anak.." Nagbabantang tawag ni Tatay sa akin.

"Hindi pa nga magaling si Nanay tapos ito na iniisip niyo?" Hindi ako makapaniwala!

"Adira.. Hindi naman kayo ngayon ikakasal.."

"Ayoko!" I firmly said. "Hindi ako papakasal kay Xavier!"

Xavier looked down. Hindi nagtangkang magsalita.

"Adira, you are pregnant!" Biglang sabi ni Mama. She knows. "Hindi naman pwedeng bigla ka na lang manganak diyan at walang asawa?"

"I was supposed to be married, Mama!" Nanghihina kong sinabi. "Kay Lazarus!"

"He tried to rape you!"

"Hindi! I made it up! Because you all want him out of my life!"

"Adira, stop shouting. Makakasama yan sa baby.." Pilit akong pinapakalma ni Xavier.

Tatay tried to hold my hands pero iniiwas ko 'yon. "Your child needs a father, Adira."

I gritted my teeth. "Lazarus is the father of my child."

"Where is he now?!" Mama looked around, "He's not here anymore! You're not together anymore! At hindi siya laging available sayo, Adira! He also has a son! Totoo man o hindi. Anak niya pa rin 'yon!

Gusto kong magdabog at mawala na lang. Why is this all about Liberan? Sabing okay nga lang!

Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan habang pinipigilan ang nagbabadyang luha. Kahit naman anong paliwanag o pagtanggi ko, ang gusto nila ang masusunod.

"I am at fault for all of these." Lumapit si Mama kay Xavier at tinapik ang balikat nito bago humarap kay Tatay. "Wala pa kasing maibubuga ang batang 'to sa industriya. That's why I told him to back off at pagandahin naman ang buhay. Ngayon, okay na siya. Si Adira naman ang hindi.."

"It's really okay, Senyora. May pagkakamali rin po ako." Ani Xavier.

Natawa si Mama sa sinabi ni Xavier. 


Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon