31

4.5K 170 20
                                    

Napatigil ako sa sinabing 'yon ni Tatay. I know that he has the power to do that pero kailangan ba talagang mangyari 'yon? Hindi ba pwedeng ako naman ang magdesisyon sa magiging buhay ko?

"Tay.." I tried to reach for him.

"Adira, I am very disappointed." Mariin niyang sinabi.

Tumango ako habang sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. "Kailan po ba hindi?"

Mabigat ang hininga ni Tatay na nakatingin sa akin. Bigla siyang sumenyas sa tabi ko, I saw his guards walking towards me.

"Tay, hindi ako uuwi." Dahil alam ko na ang gagawin niya.

"Your mother needs you." Malamig na sabi niya bago ako iniwan.

Inis kong pinalis ang aking mga luha. Fuck! Why does it needs to be my parents? Kung meron man kasi ngayong nakakapadulot sa akin ng sobrang sakit ay sila na 'yon! Ang mga tao na dapat ay sandalan ko, sila pa pala yung mga taong nakakapagpabigat sa damdamin ko.

"Don't touch me." Inagaw ko ang aking braso nang tangkain iyon kunin ng isang guard. "Kaya kong maglakad."

Sinunod nila ako. They are surrounding me, para bang tatakas ako kapag hindi nila ako napalibutan. Habang papunta sa sasakyan ay nakasunod pa rin sila sa akin.

Gusto ko na lang sila irapan ng sabay sabay.

"Miss Adira.." Ani isang guard at pinagbuksan ako ng pinto.

Walang emosyon akong pumasok at inilabas ang phone ko, Lazarus' been calling me until now. Nakakamangha dahil hindi ko man lang napansin, malamang dahil sarado ang isip ko sa mga nangyayari ngayon.

I decided to ignore his call.

Ayokong mag-alala siya, alam kong importante itong araw na 'to sa anak niya kaya ayokong masira 'yon. I wanted to laugh at myself, hindi naman ako ganito noon ha? Maybe love really changed us all?

Ni hindi ko alam kung namimiss ko ang dating ako o hindi. Yung walang pakialam, papalit-palit ng lalaki at sunod-sunuran sa pamilya. But there's one thing that should matter to me now.

My baby.

Nakarating na kami sa mansyon at hindi ko alam kung bakit sa bawat pag apak ko ay ang bigat ng aking paa. Maybe it's the memory that this house gave me. Dito nila ako pinagtabuyan, dito nila ako sinaktan. Dito nila ako hindi tinuring na isang pamilya.

Nakita ko agad si Amanda, she's with mama. Napatayo si mama nang makita ako.

"Apo.." She cried and hugged me. "Buti umuwi ka.. Your grandfather is rearranging our upcoming meetings para sa nanay mo.."

Niyakap ko siya pabalik.

"Ma, try to take some sleep. Kahapon ka pa walang tulog." Malambing na sinabi ni Amanda, lumapit siya sa amin para haplusin ang balikat ni mama.

"Oo nga, Ma." I agreed. "Mukhang matagal ka ring nasa hospital. You should take a rest."

Pinahatid ko si Mama sa isang maid niya papunta sa kanyang kwarto. Akmang aakyat na rin sana ako nang magsalita si Amanda.

"Knocked a shell in your head?" She asked.

Walang gana akong tumingin sa kanya. "Matutulog ako."

"Huh? Adira, ilang linggo kang nawala! Don't you want some catch up?"

"Can you stop with friendly act?" Nandidiring tanong ko.

Natawa siya sa sinabi ko. "What? Pinsan mo ako, Adira! I am concerned!"

"Since when did you act like one?" I crossed my arms around my chest.

Halata namang nagulat siya sa biglang ganti ko sa kanya. Noon pa man alam kong mainit na ang dugo nitong si Amanda sa akin pati na rin ang ina niya. Hindi ko 'yon pinansin. I didn't care dahil alam ko na ako naman talaga ang paboritong apo. Pero ngayon nagsisisi na ako dahil kinokontrol na nila ang buhay ko!

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon