"Your sister will kill me for this. Naalala mo ba ang first impression niya sa akin?" I muttered while wandering around his mansion.
Hindi ko nabigyang pansin ang kagandahan ng bahay ni Lazarus noon. Masyado itong malawak at malaki para sa tatlong tao. That's why they need to have three maids to maintain the tidiness of the mansion.
"Where's your son?" Tanong ko ulit, napasimangot ako nang mapansin na walang balak sagutin ni Lazarus ang mga tanong ko.
"Go upstairs. My office is over there.." Aniya habang binubuksan ang unang tatlong butones ng kanyang polo... "I'll be there in a minute.."
Kinuha ko sa kanya ang aking bag. Kanina niya pa dala ang bag ko, simula nung umalis kami sa opisina ay dala dala niya 'to.
"Anong gagawin mo?" I asked him.
"Why do you want to know?" He flashed a devilish smile at me.
Umirap ako sa kanya at inunahan siya sa pag-akyat. "I want to be your priority okay? Kung may iba ka palang aasikasuhin, uuwi na lang ako."
"Uuwi pero umaakyat.." Pahabol ng mokong.
Gusto ko siyang balatan ng buhay sa mga pasaring niya sa akin! Madali lang makita ang office nitong si Lazarus, pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang eleganteng kwarto. His scent is all over this room. Lazarus na Lazarus ang amoy.
I excitedly throw my bag somewhere and jumped to his black office chair. Nagpaikot-ikot ako doon habang nakasandal ang aking katawan.
This feels so comfortable! Bakit kaya nagtatrabaho pa si Lazarus sa opisina niya kung pwede namang dito na lang siya mamalagi?
Kinuha ko ang maliit na remote ng kanyang aircon at binuksan 'yon. Sakto naman ang pagpasok ni Lazarus na naka black cotton v neck shirt at gray cotton shorts.
"You're too casual.." I said pointing at his old style..
Napailing ito sa akin at dumiretsyo sa kanyang mini library, halo halo ang laman non. Napansin kong may mga dyaryo na nakaipit sa mga libro.
"I'm not gonna read a story.. Not my forte.." Iwinasiwas ko ang aking kamay.
Lumapit sa pwesto ko si Lazarus at nilapag ang isang may kalumaan na dyaryo. Kunot noo ko 'yong tinignan.
Gotesco over Marasigan! Valdemar Gotesco once again won a billionaire investor against Empleo Marasigan!
"Kailan 'to?" Kinuha ko ang dyaryo at hinanap kung anong taon nilabas ang balitang 'yon.
"Ten years ago.." Ani Lazarus na nakapagpatigil sa akin.
Ang dami daming tanong na umiikot sa isipan ko. Bakit pinapakita ni Lazarus sa akin 'to? Bakit nandito ako? At bakit parang napaka importanteng bagay nito?
"N-Nasa Madrid ako niyan, nag-aaral.." I said out of nowhere.
Lazarus went to his coffee maker, probably to make his brewed coffee of course!
"Tingin mo bakit ko pinabasa yan sayo?" He asked a question like it was some sort of a riddle.
Pinanliitan ko ng mata ang likod niya ay muling sumandal sa kanyang upuan. "I'm not good at guessing. Pwede bang sabihin mo nalang sa akin?"
Hinarap ako ni Lazarus, sumandal ito sa kanyang counter at humalukipkip. "Ever wonder why Empleo was the only one signing every papers?"
"Because my dad is always not available?" Patanong kong sinabi.
Kahit na kanina ko pa nga tinatanong ang bagay na 'yon sa sarili ko.
"Not to interfere but I asked one of your dad's secretary about the money they're going to invest about your family's upcoming business.." Nagsalin na siya ng kape sa kanyang itim na baso.

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Fiksi UmumAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...