25

5.1K 166 25
                                    

Lazarus offered me to stay in his house but I refused it. I don't want to ignite another problem to my family. Gusto kong dito muna ako kay Xerxes habang naghahanap ng trabaho.

Naghahanap ng trabaho.

Adira Celestine Gotesco is looking for a job! That's new.

Lazarus took me out and we went to Mcdonalds, siguro ay para ma comfort ako sa nararamdaman ko kaya kahit gabi na ay kakain pa rin daw kami.

"Chicken fillet lang. Dalawa." Naalala ko bigla si Xerxes, hindi ako nakapagpaalam sa kanya na ilalabas ako ni Lazarus. "Takeout yung isa, ha?"

Tumango si Lazarus sa akin bago pumunta sa cashier para umorder. I watched him as he looked to the menu. Napailing ako. How can I leave this man?

Dati hindi naman ganyan si Xavier, we were in a relationship for  years but what I'm feeling for Lazarus now is foreign to me. Gusto ko na ngang husgahan yung naging relasyon ko kay Xavier, e.

Hindi naman ako pinilit noon nila Tatay, I really liked him back then, kaya nga umabot kami sa punto ng kasal diba? All of a sudden, he didn't want to marry me. He left without any explanations. Nagmukha akong tanga sa pamilya ko.

I was so ready that time, I was so ready to share my whole life with him tapos ay iiwan niya ako?

Pero nagpapasalamat pa rin naman ako sa pag iwan niya sa akin, kung natuloy ang kasal namin dalawa at nakilala ko si Lazarus, baka magkasala pa ako.

I laughed. Really? Naisip ko talaga na magchecheat ako kapag nakilala ko si Lazarus?

Nilibot ko na lang ang tingin ko sa loob ng Mcdo para mawala ako sa maduming iniisip, when was the last time that I went here? Hindi ko na matandaan. Lagi na lang kasi kami sa mamahaling restaurant.

Inilapag ni Lazarus ang order ko, pagkita ko palang sa sauce na nasa chicken, parang bumaligtad ata ang tiyan ko!

"Hey." Ani Lazarus nang makitang muntik akong maduwal.

"I'm sorry, ganyan ba talaga yan?" Turo ko.

Tinignan niya muna ang menu pati na rin ang chicken fillet na nilapag niya sa akin bago tumango. "Ayaw mo ba?"

I shook my head. Parang hindi ko yata kayang kainin, e. Lumipad ang tingin ko sa chocolate sundae at french fries na nasa harap niya.

"You want this instead?" Alok niya sa akin, parang nabasa ata ang nasa isip ko.

Nahihiya akong tumango sa kanya. Lazarus exchanged our foods. Okay na rin 'to sa akin. Busog din naman ako.

"Ano na plano mo ngayon?" Aniya habang hinahalo ang sauce sa kanin.

"I will apply for work."

"You don't want to work in my company?"

Tinignan ko siya ng masama. Alam naman niyang mainit ang dugo ni Tatay sa aming dalawa, paano kapag nalaman niyang doon ako nagtatrabaho?

"No thanks.." Sinawsaw ko ang fries sa sundae, "Xexe already gave me different contacts I can call for tomorrow, mga hiring daw yung mga 'yon."

"I'm sorry..." Aniya at tumigil sa paghalo ng pagkain niya.

Kumunot ang noo ko, bakit naman siya magsosorry?

"Pakiramdam ko kasalanan ko." He chuckled.

I gave him a smile and pinched his cheek. "I want this, okay? Huwag kang mag sorry.."

Tumango sa akin si Lazarus at kinurot din ang pisngi ko. Wow, we look like we're teenagers flirting! Hindi naman halata sa mukha ni Lazarus na magkalayo ang edad naming dalawa. Just like what Xerxes said, he's more handsome than men our age so I don't mind.

Hindi naman siya mukhang tatay.

"Where's Liberan? Is he okay?" I asked him.

"Yes, he is with Bheatriz." Lazarus casually said, kumuha siya ng tatlong pirasong french fries sa akin at sinawsaw din iyon sa sundae ko.

Naalala ko nanaman yung pagkikita naming dalawa. Her feelings toward Lazarus is very evident! Inaway away niya pa ako sa grocery.

"Paano yun? Kapag gusto niyang kunin si Liberan sayo?"

"It's on Liberan. She is still his biological mom after all."

Tumango-tango ako at kinain na lang ang sundae, ganoon din si Lazarus. Pagkatapos namin kumain hinatid na niya ako pabalikcsa condo ni Xerxes. Gusto ko sanang sa kanya muna makitulog kaso baka naman hanap hanapin ko.

"Goodluck.." Aniya, he put his hands in his pockets.

I raised my brow. "For what?"

"Work. I know they will hire you immediately.."

"Paano mo naman nasabi?" Not that he's wrong, okay?

"You're Adira Celestine...." He licked his lowerlip a little. "Fortalejo.."

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko at biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Inirapan ko na lang siya para maitago ang hiya.

Tulog na si Xerxes nang makauwi ako, buti na lang binigyan niya ako ng duplicate sa condo niya. It feels so weird living alone now.

Buhay pa ang pamilya ko pero hindi ko na sila maramdaman.

I shut my eyes and wished for a good day.

"Ano po? My friend said you are hiring.." I said slowly as I crossed out another company to my list.

"I'm sorry Miss Gotesco but what you saw is not updated.."

"It was posted a day ago.." Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"I'm sorry Miss Gotesco, I need to end this call now.."

Napapikit ako at padabog na nilapag ang cellphone ko sa coffee table. Inis kong tinignan ang listahan sa harapan ko.

That's the last company.

Lahat ng binigay ni Xerxes ay hindi na raw tumatanggap ng mga aplikante. I don't want to assume but I think that my dad is doing his dirty work against me!

Pinapahirapan talaga niya ako. So I would crawl back to his feet, begging for forgiveness! Siguro ay iniisip niyang sa mga simpleng ganyan ay iiwan ko na si Lazarus!

"Fuck!" I muttered when I felt that I'm gonna puke!

Madali kong binuksan ang pintuan CR at tinapat ang mukha sa bowl.

Ang pait pait!

I fixed my hair to the side and flushed my vomit. Nanghihina akong sumandal sa pader.

Bakit ba ngayon pa ako magkakasakit?

Xerxes is not here because she has a work to do today, ako lang ang naiwang mag-isa dito.

Kung wala lang talaga akong inipon ay pakiramdam ko napakamahirap ko ng tao. Buti na lang may separate money ako sa bank na hindi alam ni Tatay. Hindi niya mafefreeze ang card ko na 'yon.

Doon muna ako siguro kukuha ng mga panggastos. Baka mamaya tubuan pa ako ni Xerxes, e.

I almost jumped when I heard my phone ringing. Madali ko yong sinagot.

"Adira.."

Rumehistro agad ang galit nang marinig ang boses ni Xavier.

"What do you want?"

"Are you..enjoying your life?"

"I am now, Xavier. I'm very free now."

"Sorry, biglaan ata ang ginawa ko. Sinaktan ka ba ni tito?"

Naningkit ang mata ko sa kanya. "Ibababa ko na 'to."

"Magkita tayo."

"Ano?"

"Magkita tayo, Adira.. I will text the location." He said, begging.

"At bakit naman kita susundin?"

"I heard.. you are looking for a job, right? I have a job for you. Kung interesado ka magkita tayo, kung hindi, ayos lang."

I scoffed. "Ayoko. Wala akong tatanggapin mula sayo, salamat na lang." bago binaba ang tawag.







Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon