5

8.7K 312 42
                                    

"Ang pokpok naman nito Xerxes!"

She picked a grey dress for me, you can have a full view of my bare back. It is a backless dress up to the top of my buttock.

My bestfriend grinned at me. She is wearing a blue green maxi dress. Nakaladlad lang ang buhok nito sa kanya.

"Here!" Aniya at binigay ang isang ear cuff sa akin.

Umirap ako sa hangin at sinuot iyon. Naka-pin sa kabilang side ang buhok ko kung kaya't magandang magsuot ng ear cuffs para makita ang accessory sa tainga.

"Dude, stop rolling your eyes at me! You approved this party a week ago, right? Bakit nagrereklamo kang, higad ka?" Anas niya sa akin na tila nababadtrip na rin kaka-irap ko.

"I should've say no to this!" Singhal ko sa aking sarili. Ang dami dami ko na ngang problema tapos dadagdag pa 'tong party na ito?

What is this all about, again? Ah! Dahil sa mga empleyado kong napromote last week. Hindi ko naman talaga gustong magkaroon ng ganitong ka engradeng party. Si Nanay ang nagrequest nun. She's that kind, you know?

For my father, this is just a cover up. So his business friends will actually believe that he is a good man with a good goal to his people.

"Pag nalaman ito ng Mama mo, you're fucked!" Ani Xerxes at inayos ng kaonti ang kanyang noseline.

Hindi na ako nagpalagay non, I like to keep it simple. Hindi naman kasi para sa akin ang party na pupuntahan ko.

"Alam ko 'yon. Pero pag narinig naman niya kay Tatay na para lang ito sa public appearance ay matutuwa din ang matanda na 'yon!"

It's already 8 in the evening at hanggang ngayon ay nasa condo unit pa rin ako ni Xerxes. Siya talaga ang una kong pinuntahan nung nagtext sa akin si Tatay kanina. Nagulat ako! Hindi ko naman kasi talaga natandaan na magkakaroon ng maliit na party sa mismong kompanya.

Si Xerxes na ang nagdrive. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali, My grandmother gave me time to find a husband for me. Really? May expiration date na ba ako? I'm just... twenty nine.

Pinark ni Xerxes ang sasakyan sa basement ng building. Ibinilin niya pa sa guard namin ang kotse nito. Nakita ko pa ngang kinindatan ni Xerxes iyong guard.

"He is young, Xexe." Halos mandiri ako sa ginawa niya.

"Kj mo naman! I'm just being friendly." She smiled sweetly at me, pero hindi iyon effective sa akin.

Maybe they are already starting without me. Sinabihan ko na din kasi si Tatay na kung wala pa ako ay siya na mismo ang mag-umpisa ng party. I sighed a little. Paniguradong maraming gurang nanaman ang naroon!

Dumating na kami ni Xerxes sa tamang floor. Nasilaw ako sa party lights na kinabit ng mga empleyado ko. There are balloons and confetti all over the floor.

So they started, huh?

"Good evening, Ma'am Adira!" Leo greeted me. One of my fresh grads.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Nakita mo ba si Dad?"

Itinuro ni Leo ang ama kong nakikipag-usap sa iilan kong empleyado. Muntik pa akong matuwa nang makitang kunyari ay hindi niya alam na kinukuhanan na siya ng litrato ng media.

"Thanks!"

"Ay Ma'am! Kuha na po kayo nito!" Naglahad si Leo ng isang pabilog na tray. Doon nakalagay ang iba't-ibang inumin.

Kumuha kaming dalawa ni Xerxes.

"I'll just talk to some of our friends in here, okay?" Bulong ni Xerxes sa akin at nagpaalam.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon