35

4.7K 153 10
                                    

"Do you want to go home?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Xerxes.

Umiling ako. Nilagay ko sa tainga ang aking buhok at muling pinasadahan ang sarili sa malawak na salamin.

"Huh? Babalik ka pa?"

"We just excused ourselves. Saka importante ang meeting na 'to. Ayos lang ako."

Napapadyak si Xerxes sa sinabi ko at nilagay ang dala nitong bag sa tiles ng lababo. Xerxes lend me a black branded blouse.

"Anong gagawin ko rito?" Nagtatakang tanong ko kahit na kinuha ko rin ang damit.

"Suotin mo?"

"Alam ko. Duh? Ano gagawin ko dito? Bakit mo binigay?"

Xerxes drew a heavy sigh. Para bang mapipigtas na ang kakarampot na pasensya niya sa akin.

"You were puking your intestines a while ago without reason, kailangan mo yan or Lazarus will surely look at your cute little tummy, Adira Celestine.." She emphasized my name.

Pinakatitigan ko ang binigay sa akin ni Xerxes. It suits my slacks pero ayoko mag blouse! But then again, Xerxes is right. Lazarus might look at my tummy at kapag nakita niya ang tiyan ko ay baka makuha niya kung ano ang dinadala ko ngayon.

Xerxes waited outside while I change my outfit. Nagulo nanaman ang buhok ko! Mabuti na lang ang natural na alon nito ay sumasabay sa hitsura ko. Pinagpag ko ng tatlong beses ang damit bago ako tumingin muli sa salamin.

There, Adira! Hindi ka na mukhang buntis!

Lumabas ako at narinig ko agad ang mga mura ni Xerxes.

"Ang bagal mo, virgin ka ba?" Anas niya sa akin. Minura ko siya pabalik.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Ano kaya ang nasa isip ni Lazarus? Sana maisip niya na may sakit lang ako. O nasuka ako nung nakita ko siya!

Pinagbuksan kami muli ni Xerxes ng pinto at agad namang nagsitanguan ang mga business partners ni Tatay sa aming dalawa. We went back to our seats and listened to the presentation.

Hindi ko alam pero kinakabahan pa rin ako at nagdadasal na sana matapos na ang araw na ito! I cannot stand to be with him in the same room. Kahit pa na ilang metro ang agwat niya sa akin, dama ko ang galit na meron siya.

"After this, Adira and I will go to Gotescafé to check on our rising business!" Halakhak ni Tatay. "Surely my daughter will be busy because of her upcoming wedding!"

Agad na lumipad ang tingin ko kay Lazarus. I saw how his jaw clenched, tinignan niya ng mariin ang hawak nitong ballpoint pen at pinaglaruan.

"Hmm Valdemar, I don't think Adira can handle the company kung magpaplano ito para sa kasal nila ni Mr. Sangria.." Ani  Mr. Avida

"What do you mean?"

"You have your sister and your niece to take over the company for the mean time. I suggest Adira to just focus on her wedding.."

"Ah! I love to Mr. Avida! But they have their own businesses. They are very busy at baka mas lalong hindi ma handle ng maayos ang kompanya.."

Sumimsim ako ng tubig. Tama rin naman, ayoko nang problemahin ang kompanya kung magpaplano ako sa kasal. That would just add up to my problems.

"Why not let Mr. Fortalejo handle your company, Valdemar?" I heard another suggestion.

Muntik na akong maubo!

Agad na napalingon si Tatay kay Mr. Torrecampo at binigyan ito nang nagtatanong na tingin.

The man looked at Lazarus who's not giving a single fuck about this meeting.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon