30

5.3K 174 18
                                    

If I have a million reasons to leave, it only takes one reason for me to come back.

My mom.

Nahihilo akong pumunta sa room number ng kwarto kung nasaan nandito si Nanay. Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko ay parang hindi na ako makahinga. There are too many questions running in my head right now. Anong nangyari? Bakit siya inatake? Ano na ang lagay niya ngayon?

I suddenly stopped when I saw my dad and grandmother patiently waiting outside my mom's room. Hinawakan ko saglit ang kamay kong kanina pa ata walang tigil sa panginginig dahil sa kaba.

"Mama.." I whispered slowly.

Umiiyak siyang nilapitan ako at niyakap.

"Adira, apo.." She hugged me tight. "Buti ay nakapunta ka.. kanina ka pa tinatawagan ni Valdemar."

"S-Sorry.."

Napatingin ako kay Tatay, he looks like he's not sleeping for days. Mukhang kanina pa siya nagpapari't parito.

I don't know what to say right now. My mind was blocked by this. Hindi ko inaasahan ito at kahit kailan ay hindi sumagi ang ganitong pangyayari sa isip ko.

"K-Kamusta na si Nanay?" I can't help the tears that are about to fall from my eyes.

"She's okay.. she wants to see you, kanina pa niya binabanggit ang pangalan mo." Hinaplos ni Mama ang buhok ko, namumula pa ang ilong niya at halatang galing pa ito sa pag-iyak. "I missed you, hija.."

"I missed you too, ma."

Hinayaan ako ni mama na pumasok. I looked at my father to have his permission, he just nod at me. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob.

My lips are shaking when I saw her lying helplessly on the bed. She weakly raised her hand at me. Buong puso kong tinanggap ang kamay na madalas nag-aalu sa akin sa mga problema ko.

"Nanay.." I sobbed, dinala ko ang kamay niya sa aking pisngi. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang dati na ginagamit niya ang kamay na ito para haplusin lagi ang buhok ko.

"A-Adira.." She said weakly.

"Huwag ka muna magsalita, nanay. Baka mabinat ka.." I sniffed

Ngumiti siya ng tipid. "A-Akala ko pupuntahan mo ako kapag wala na ako."

"Nay!" Bakit niya naman naiisip ang bagay na yun?

"Kailangan pa pala na mangyari sa akin 'to.." She stopped for a moment, "Para makita kita ulit."

Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ng aking ina.

"I'm sorry.."

I really am. I was thirst for my own freedom that I forgot about their feelings.  Nasaktan ko sila dahil sa paghahangad ko na makontrol ang aking buhay. At hindi ko rin itatanggi na nagmatigas ako at nagmarunong. Ngayon ay pinaparusahan ata ako ng Diyos sa lahat mg mga kataksilan na ginawa ko sa kanila.

Pero sana ako na lang ang nasa posisyon niya. Sana ako na lang ang nakahiga diyan at sana sa katawan ko na lang nilagay ang mga tubong tiyak na nagpapahirap sa lagay niya.

Malamlam ang mga mata ni Nanay. Halata ang hindi pag kain nito ng ilang araw.

Ilang araw.

Bakit ngayon lang ako tinawagan ni Tatay? Bakit ngayon niya lang naisipan na ipaalam sa akin ang kondisyon ni Nanay?

Hinaplos ko ng paulit-ulit ang kamay ng aking ina. Nakatitig lang siya sa akin na para bang ang tagal na niya kong hindi nakita.

"Are y-you gonna leave, again?" Mahina niyang tanong.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon