26

4.8K 150 10
                                    

"Bakit mo isasangla ang mga 'to?" Xerxes eyes widened when she saw my jewelries on the table. Balak ko kasi na isangla 'yon dahil wala pa naman akong trabaho. I don't want to be a burden to my bestfriend. She still have her own priorities.

Sobra sobra na nga ang ginawa niyang pagpapatuloy sa akin dito.

"What do you think?" I rolled my eyes at her.

"These are your favorites!" Nanlalaki pa rin ang mata niya nang itinaas niya ang iilan ko ngang mga paborito na alahas.

Well not anymore. Pinag-isipan ko ng mabuti ang desisyon ko na 'to, hindi ko na pala gusto ang mga yan dahil nakakita ako ng mga matatanda na isinusuot ang ganyang uri ng alahas. I don't wanna look like a cougar to other people! Bibili na lang ako ng bago kapag nagka work na ako.

"Akin na nga, Xe!" Agaw ko sa kanya sa mga 'yon. "That's a no no na for me."

"You don't have to do that, girl! I have lots of money, you know? Huwag mo sabihing nahihiya ka nanaman?"

"Hindi, okay?" I lied. "Assumera mo."

Xerxes did not bother me anymore. Tinignan niya lang ako sa ginagawa ko. Nakwento ko rin pala sa kanya na tumawag sa akin last week si Xavier. I only shared that to her, Lazarus will go berserk if he knows.

"What if he's really sorry?" Xerxes asked out of nowhere.

Alam ko na agad ang tinutukoy niya.

"Sorry my ass." Sumandal ako sa couch dahil nakaramdam nanaman ako ng hilo. Nagpaschedule na ako ng check up sa doctor ko.

Lagi na lang kasi akong nasusuka sa umaga, pag nakakakita rin ako ng sarsa naduduwal ako. There's a hint waving at me but I don't want to consider that. It is impossible, effective pa rin naman hanggang ngayon ang withdrawal diba?

Bumuntong hininga si Xerxes. "Pero hindi ba nakakapagtaka? Both of you were so in love."

"Were." I winked at her.

I did not talk to him since then. Nung nagkita lang kami sa bar ang sunod na naming pagkikita. Naka move on na ako matagal na, kaya para sa akin kung ano man ang dahilan ni Xavier, wala na akong pakialam don. It would be a waste of time if I'm still digging his reasons.

"But at least, Lazarus Fortalejo saved you."

"Huh? Anong saved? I saved myself, okay? Walang lalaki ang nagsalba sa akin. I don't need another man that time." I corrected her.

Humalakhak naman si Xerxes. Gustong gusto talaga nito na naaasar ako, e. Tinapunan ko siya ng unan.

"Oo nga pala.." She composed herself again. "You are the great Adira Celestine uhh Gotesco.."

Muli akong umirap sa mga panunuya niya sa akin.

"Soon to be Fortalejo?" Pahabol niya pa para siguro hindi ako mainis.

"Blah blah, aalis ako mamaya. Susunduin ako ni Lazarus."

"Saan naman kayo pupunta?" Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"His house. Gusto raw ako makita ni Liberan."

Xerxes' eyes shined when I mentioned Liberan's name. Hindi niya pa kasi nakikita 'yon at sobrang kuryoso siya sa mukha ng bata. Alam din naman niya na hindi siya totoong anak ni Lazarus.

"Tanggap ka niya!" Pumalakpak pa ang gaga. "Pero ano ba ang hitsura nun? I bet they're look alike!"

"Hindi niya anak si Liberan." Kumunot ang noo. Kung magkamuka man sila, ang weird non.

"Yeah, I know. Like, come on! Being adopted child of a Lazarus Fortalejo? Hay ang swerte mo." Aniya, "Ano? Pati ba yung totoong nanay ni Liberan nandon?"

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon