27

4.7K 168 9
                                    

Sumilip ako sa taas para sana makisali kina Liberan at Lazarus. May siwang nang konti ang pinto at ginamit ko 'yon para makasilip.

"Are you going to marry her, dad?" Tanong ni Liberan. He's holding a storybook, malamang ay iyon ang babasahin ni Lazarus sa kanya.

Lazarus smiled at him. "I'm going to marry her."

I closed my eyes and just watch them do their usual bond. Lazarus is going to marry me. Hindi ko alam na sa simpleng pagkikita namin sa isang event ay hahantong na kami sa ganito.

My clock ain't ticking. I'm not rushing things but Lazarus and I don't have the same time. He is fifteen years older than me, alam kong gusto niya na rin ng pamilya na pangsarili.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nandon, napaupo na lang ako at hinintay si Lazarus na makalabas. I've been thinking if I'm gonna tell him about tomorrow.

"Hey.."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. His brows are furrowed, para bang nagtataka kung ano ang ginagawa ko rito.

"Can't disturb you." Simpleng sabi ko.

Lazarus bend his knees so he can face me. "Why not?"

Tumingin ako sa kwarto ni Liberan. "It's a dad and son thing, you know."

Sa hindi malamang dahilan ay hinaplos ni Lazarus ang pisngi ko. Ngumiti ako ng tipid. Kanina ko pa kinokontrol ang mga luha ko dahil ayokong basta na lang umiyak dito.

His face softened when he saw my expression. Lazarus looks like a ruthless man, he is indeed attractive kaya ngayong nagsusumamo ang hitsura niya sa harap ko ay parang tambol kung sa bilis tumibok ang puso ko.

"I'm sorry.." He whispered.

"Saan?"

"For everything." He sighed, "Kung pwede ko lang alisin lahat ng sakit na nararamdaman mo at ilipat sa akin."

Natawa ako sa sinabi niya. How can he say that? Wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. I held his hand on my face and kissed it.

"I'll do whatever you want, Adira.."

"Whatever I want?" I giggled a little.

"What my Adira wants, my Adira gets."

Napanguso ako. I'm so spoiled.

"Because I am Adira Gotesco?" Nagtaas ako ng kilay.

Umiling siya bago ngumiti. "Because you are my Adira Gotesco."

Saglit kaming nagkatitigan. He's not looking away so I didn't too. Bigla niyang binaba ang tingin sa aking labi. Napangiti ako sa aking isip.

Alam ko na ang iniisip nito.

"Let's go.." Napapaos niyang wika at hinawakan ang kamay ko.

Hinila ko saglit ang kamay ko sa kanya. "Saan naman tayo?"

"In my room." Simple niyang sagot at muling hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ako uuwi?" I don't know how did I sound with that? Bakit parang hindi naman yata dismayado?

Lazarus shooked his head. Hinila na niya ako sa kwarto niya at bigla ko nanaman naalala ang unang beses kong nakapunta rito. I was drunk, out of my mind. Sumama ako sa lalaking hindi ko kilala dahil gusto ni Xerxes na landiin ko siya.

Nauna si Lazarus sa pagpasok bago ako, just like my first time here, my impression did not changed a bit. His bedroom screams power, authority and.. I don't know? Manly?

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon