I tried to get up but my knees are just too weak! Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang lahat. How did he get that pictures? Nagkaroon na ba siya ng Ideya sa amin noon kaya pinaimbestiga niya kami?
"What were you thinking, Adira?! Bakit si Lazarus pa!?" My father's voice almost broke the entire house! My knees are shaking because I'm afraid that he will slap me again.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Hindi ko kailanman naranasan na magalit siya sa akin o saktan man lang ako.
"Valdemar.." Mom tried to calm him down but Dad is just too mad of what's happening. Pakiramdam ko hindi na niya ako nakikita bilang anak niya.
"Bakit mo pinatulan si Lazarus? Did he fucking seduced you?! Did he threatened you?!" Sigaw nito muli sa akin.
Umiling ako ng paulit-ulit. "Walang ginagawa si Lazarus. Parehas namin gusto na maging kami.."
Nakita kong naituptop ni Mama ang kanyang bibig at umiwas nang tingin sa akin. Pinatawag niya ang kanyang mga katulong para humingi ng tubig.
"Kayo?! Talagang may kayo?!" Tanong niyang hindi makapaniwala. "Labing limang taon ang agwat niya sayo, Adira!"
"Alam ko 'yon, tay! Believe me, nung una, hindi rin ako makapaniwala! Pero anong magagawa ko? Mahal ko si Lazarus!"
He looked at me with so much disgust and it is written all over his face. Para na niya akong tinakwil sa pamamagitnan ng pagtitig niya sa akin.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Lazarus already surpassed us in the industry!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tatay. Nalagpasan na kami ni Lazarus? Bakit hindi niya nasabi 'yon sa akin?
"At ano na lang ang sasabihin ng mga tao, Adira? I forced you to marry that man? So we could get back to the top again?"
"Ganoon rin naman ang ginawa niyo sa akin nung pinilit niyo ako kay Simoun!"
"But Lazarus is way older than you! Can't you see that? Pwede mo na siya maging ama!"
Gusto kong humagulgol muli sinabi na 'yon ni Tatay but I cried too much tonight that I cannot cry anymore.
"Ni hindi mo naisip ang pangalan natin! Hindi mo naisip kung ano ang magiging epekto ng magiging desisyon mo sa atin! Kung ganyan ka pala na padalos dalos, sayang pala ang buhay na binigay namin sayo!"
He said that it is the only one left from his card. Inatake ako non ng husto, gusto ko siyang kwestyonin pero masyado pa akong gulat at nasasaktan sa mga nangyayari.
Diba bilang isang magulang responsibilidad niyang bigyan ng magandang buhay ang anak niya? Kaya ba niya ako pinag aral? Para meron akong utang na loob sa kanya? Para meron akong tatanawin sa kanya? Ganoon ba 'yon?
Hindi na ba ako magiging malaya hangga't hindi ko nasusunod ang gusto nila?
Pero akala ko talaga, lahat ng binibigay nila para sa akin, ay para sa akin lamang. Naghahanap pa rin pala ng kapalit.
And I think that's the modern problem today. Kapag pinag-aral ka at salungat ang gusto mo sa gusto nila, ikaw na agad ang masama at walang utang na loob.
"Adira... Break up with him.." Si Mama na ngayon ang nagsalita. "Matatapos ang gabi na 'to na parang walang nangyari kung makikipaghiwalay ka kay Lazarus ngayon."
"And why would I do that?" I raised my brow.
"Adira Celestine!" Banta ni Tatay sa akin.
Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo. Inis kong pinahid ang mga traydor na luhang kanina pa kumakawala sa mata ko.

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Ficción GeneralAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...