Lazarus didn't speak to me again. Hindi naman sa gusto kong kausapin niya ako pero mas mabuti nga na ganoon. He's just driving silently while I'm busy looking at the roads. Tinext ko na si Xerxes at aniya bumalik siya sa café at hinihintay na ako sa tapat nun.
Paminsan-minsan ay tinitignan ko siya. Abala ang mga mata niya na naka direkta sa daanan at hindi man lang ako ninanakawan ng tingin. Actually, ako pa nga ang nagnanakaw ng tingin!
I guess my sudden rage earlier helped me to feel light about my feelings. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sinabi ni Lazarus. He was imprisoned? Akala ko ba hinayaan siya ni Tatay? Ano ba ang nangyari sa araw na 'yon?
I played with my fingers because my curiosity will just bug me to death. Baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang sarili na magtanong sa kanya. At baka mamaya, masaktan lang ako sa sagot niya.
If that's true. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nagpupuyos ako sa galit ngayon sa aking ama. Bakit niya ginawa 'yon? Akala ko ba lulubayan niya si Lazarus?! Bakit niya kailangang ipakulong? At ilang araw siyang nakulong? Don't tell me he took more weeks inside the cell dahil hindi ko na yun kakayanin!
Ang ipinagtataka ko, kung nakulong nga talaga siya.. ibig sabihin ba, hindi siya tumanggi sa paratang ko? Tinanggap niya ba ang bintang ko sa kanya? Pero bakit?!
Inis na inis ako sa sarili ko dahil sa nangyayari. Ang dami kong hindi alam! I felt guilty when I raised my voice earlier, too. It was all my hormones! Hindi ko 'yon sinasadya.
Pakiramdam ko ako ang dahilan sa mga paghihirap ni Lazarus. May parte sa puso ko na sana hindi na lang kami nagkakilala pa.
"Ilang buwan na?" I heard him.
Natigil ako sa magulong pag-iisip dahil sa tanong niya.
"Almost five.." Sagot ko.
I saw how his jaw clenched before nodding slowly. Swabe niyang niliko ang sasakyan papunta sa routa ng café.
Hindi ko kailanman masusukat ang galit ni Lazarus marahil sa akin. Muntik ko na siya mataguan ng anak at ako pa ang dahilan ng pagkakakulong niya, kung totoo man. Kulang pa ata ang isang daan na paghingi ng patawad para lang maibsan ang galit niya ngayon.
"I'm sorry for handling you that way." Biglang sabi niya. "Hindi ko sinasadyang mahigpitan ang hawak ko sayo, kanina."
Parang kiliti sa puso ko ang sinabi niyang 'yon. Nabastos ko na siya at lahat pero iyon pa rin pala ang nasa isip niya? Ni hindi ko nga naramdaman na medyo naging marahas pala siya sa akin kanina.
Tumikhim ako at sinubukang alisin ang saya sa puso. "Ayos lang."
"Adira.. can you still postpone the wedding?" Maingat niyang tanong sa akin. "I--I want.. to talk about us.."
"Hindi pwede Lazarus, ikakasal na ako sa susunod na linggo. Kung ano man ang gusto mong pag-usapan, pagtapos na lang ng kasal."
Humigpit ang hawak ni Lazarus sa manibela. Natanaw ko na agad si Xerxes na pabalik-balik na naglalakad sa harap ng kanyang sasakyan. Lazarus parked his car on the side, sabay kaming lumabas. Nasa likod ni Xerxes ay sina Bheatriz, Liberan at Coleen na inaabangan din si Lazarus.
"Mama!"
Naestatwa ako sa kinatatayuan nang biglang tumakbo si Liberan sa direksyon ko. He threw himself at me at mabuti na nasalo ko siya agad!
"Careful with mama, Liberan." Paalala ni Lazarus sa anak. Maybe he's worried that Liberan might get too rough with how he hugged me.
Tumango ito at humarap sa akin. "I missed you, mama Adira!"
BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Ficción GeneralAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...