Hindi ko sinabi kay Xerxes ang nangyari kahapon. Buong akala nga niya ay alam na ni Lazarus, she even ordered a lot of foods last night! Pinilit ko na nga lang ang sarili na hindi makatulog kagabi dahil baka bangungitin ako sa dami ng kinain.
Ayaw ko sabihin sa kanya dahil baka hindi matuon ang atensyon niya sa programa ni Liberan. This is his child that I am carrying. Imposibleng hindi siya magpa schedule ng check-up sa OB sa oras na malaman niyang buntis ako.
Lazarus texted me that I should wear red shirt because it symbolizes love. Gusto kong matawa. Is Bheatriz gonna wear a red one, too? Susunduin niya ako rito at hindi raw muna papasok si Xerxes, bukod kasi sa pagkain ay bumili rin siya ng maraming alak. Akala ata pwede sa akin 'yon!
Kahit tuloy hindi required na ubusin niya ng isang gabi ay ginawa niya! Now look who have a fucking hang over?
"Tell me if you need backup.." Ani Xerxes na nakahawak sa kanyang sentido na kanina pa raw pumipintig.
"Kaya ko ito, sabi nila mas matapang daw kapag buntis.." Ngisi ko sa kanya.
"Huwag ka lang niya patalbugin, ha?"
Siraulo. My bump isn't obvious! Kung hindi mo naman alam ay hindi mo malalaman na buntis ako!
Padabog kong sinaraduhan si Xerxes ng pinto bago ako bumaba at pinuntahan si Lazarus na naghihintay sa akin. I was surprised to see Liberan waiting for me too! He's wearing a red shirt and black jeans, parehas sa ama. Nang makita ako ay atubiling tumakbo papunta sa akin yung bata.
"Mama!" He happily said before hugging me.
"Hey, slow down. Baka madapa ka." Sinabi ko at niyakap siya pabalik.
Lazarus is just looking at us, nangingiti ito sa nakita.
"You came! Sabi ko kay kay Dad iinvite ka! I wanted to see my two moms, there!" Walang muwang na sabi ng bata.
Hawak hawak ko ang kamay ni Liberan patungo sa kotse. Hindi na ako magugulat kung nandito rin si Bheatriz sa loob.
"She's not here." Sabi ni Lazarus na parang nabasa ang isip ko. "Magcocommute siya."
Tumango ako. "Buti naman. Hindi ka naman niya driver."
Natawa siya sa sinabi ko, nilagay na ni Lazarus si Liberan sa likod habang pinagbuksan naman niya ako ng pinto sa harap.
"Ayos ba?" I referred to my look.
"Always." He smirked at me before entering his car.
Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. Napakavocal talaga ni Lazarus lalo na sa akin, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ako nahulog.
"Mama you will meet mommy again!" Ani Liberan, he looks very excited. "She's said that she's happy to meet you again!"
Talaga ba? Huling beses na nagkita kaming dalawa, nagkasagutan pa kami. I looked at Liberan in the mirror before smiling.
"Gusto ko na rin siyang makausap ulit."
I don't want him to feel that his mom and I are not in good terms. Ang alam niya ay ayos kaming dalawa at bilang isang grown up na tao ay iyon ang ipapakita ko sa kanya. Besides, wala namang dahilan para mag rambol pa kami sa eskwelahan.
Hindi gaanong malayo itong school ni Liberan, obviously this school is also for wealthy family. Halata naman sa mga nakaparadang mga sasakyan.
Malayo pa lang rinig na rinig ko na ang emcee na nagsasalita.
Unang bumaba si Lazarus at pinagbuksan muna si Liberan, hindi ko na hinayaang pagsilbihan pa ko kaya sumabay na rin ako sa paglabas ng anak niya.
Bigla namang kumaripas ng takbo si Liberan kaya parehas kaming napatingin ni Lazarus doon.

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Fiksi UmumAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...