"Are you out of your mind?!" Nilayo ko saglit sa tainga ang cellphone ko nang biglang sumigaw si Xerxes.
As I expected, she will react like this to my decision. "Xerxes, it is just one month!"
"I don't care about the number of months! Bakit ba kailangan mo pang umalis?"
"Duh! Sinusunod ko lang naman ang advise mo sa akin." Irap ko sa kabilang linya.
"Anong advise? I don't remember advising you to go out of the country?"
Iling lang ang naging sagot ko kay Xerxes kahit na alam kong hindi niya 'yon makikita. "Xavier knows, he threatened me. Paano kung sabihin niya kina Dad?"
"Oh that guy!" Gigil na sabi nito, "Ang hilig manghimasok sa buhay! So what if you really choose Lazarus to be your husband?"
"Xerxes! He is old!"
He is almost sixteen years older than me! Dahil 'yon din ang sinabi ni Xavier bago umalis sa mansion. He gave me time to think about his offer.
"He is old but he's way hotter than the guys our age!" Ganti na sagot naman ni Xerxes.
I will never doubt the faith she has on Lazarus. Kung may fanclub lang si Lazarus ay hindi malabong maging presidente si Xerxes.
"Come on, Xerxes! Ikaw ang nag suggest na huwag ako maging pa-fall pero pinipilit mo siya sa akin?"
"Because Adira, I can see that you're falling too!"
Napanganga ako sa binitawan niyang salita. Falling? Kay Lazarus? Paano naman niya nasabi eh hindi naman niya hawak ang nararamdaman ko.
"I am not falling, Xerxes! Hindi lang naman sa kanya kung bakit ako mang-iibang bansa! I just want to take a break too!" Deserve ko rin 'yon!
"Don't fool yourself, Adira.." She tsked, "Bakit? Masyado na bang malalim ang pagkahulog mo kaya gumagawa ka ng ganitong desisyon?"
"Xerxes sinasabi ko sayo, ibababa ko na 'to!"
"Fine! Fine!" Halakhak niya sa kabilang linya. "Hindi ko na tututulan yang desisyon mo. Just prove to me that you can handle seeing him with another woman."
Hinahamon niya ba ako? Lazarus is just another guy, okay? He might have my virginity but he is just a guy in my life. Mawawala rin. At wala akong pakialam kung pag-uwi ko ay may iba na siya.
Baka yayain nga niya agad ding magpakasal ang bago niya? Wala akong pakialam.
Kaya naman sinikap kong hindi pumasok sa opisina sa mga sumunod na araw. I turned off my cellular phone too coz I know he will text me about my sudden hiatus.
Nang araw ko na para umalis ay nag padala lang ako ng mensahe kay Xerxes sa E-mail niya, ayokong gamitin ang phone ko.
Or bili na lang kaya ako ng bagong sim?
"Adira, make sure that you will marry the moment you return here in the Philippines.." Ani Mama, mukhang seryoso sa kanyang sinabi.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya bago siya bigyan ng halik sa pisngi.
Marry my ass.
Nang makapunta ako sa Australia ay wala akong iba ginawa kundi ang libangin ang aking sarili. I've been here for a couple of times but the country never fails to amaze me. May iilan din akong kakilala dito kaya mas na-enjoy ko ang isang buwan kong bakasyon.
"You have a boyfriend?" Ani Lemuel, isang australian citizen.
Umiling ako at sumimsim ng inorder kong scotch. "Never had one."
BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
General FictionAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...