"G-Gago ka..."
Kitang-kita ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Lazarus. Is he making fun of me?! Anong kasinungalingan ang ginagawa niya!
"Adira totoo ang sinasabi ko--"
"No!" Hinampas ko siya sa dibdib at bahagyang lumayo. "You're a terrible liar, Lazarus, really. "
All for business, huh? Gagamitin niya si Liberan sa akin at sasabihing hindi niya 'yon anak?
"My father didn't want a bachelor son, Adira.."
Niliitan ko siya ng mata. "So you're married?"
"I'm not! Pwede bang patapusin mo muna ako?" Iritadong sabi nito.
Tinaas ko ang dalawa kong kamay at sinubukang makinig sa hinayupak na 'to.
"So we made an agreement. Alam niya na wala pa akong gustong pakasalanan nung mga araw na 'yon. I don't want to marry someone just for business--"
"But you want to marry me.."
Mariin na pumikit si Lazarus at minasahe ang sentido nito. "Will you just.... zip your beautiful mouth, baby?"
I sighed and nodded.
"So I went to an orphanage and I adopted Liberan." Mahinahon niyang sabi sa akin.
Tumango ako. He adopted Liberan because that's what his father wants. Ginamit niya lang si Liberan. Pero sa kabilang banda, the kid gets everything he deserved. Well, it is not bad after all.
"Bakit mo ako gustong pakasalan?" I asked him.
Mariing pinikit ni Lazarus ang kanyang mga mata, nang buksan niya iyon ay punong-puno ito ng adorasyon na tinignan ako.
"Your father is always telling things about his only child. Kung gaano katigas yung ulo nito at kung gaano kataas ang pride nito." Aniya, hindi nawawala ang tingin sa akin. "Then you flirted. Wala akong ideya kung kanino kang anak.."
"Tapos nalaman mo na anak ako ni Valdemar Gotesco, diba? You thought marrying me is a best opportunity for your business. Okay, I get it."
"After that night I couldn't get you out my mind.." Seryosong sinabi ni Lazarus habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko agad nakuha ang sinabi niya. So the reason why this old man wants to marry me is.. I satisfied him that night?!
I scoffed, "Nababaliw ka na."
Hindi ko pinansin ang iilang tawag niya sa pangalan ko at pinuntahan sina Nanay at Tatay na nakikipag-usap kay Mr. Marasigan kasama ang manyak niyang anak.
"Adira, my daughter.. We need to say goodbye to your future family.." Ani Tatay sa akin at hinawakan ang kamay ko upang dalhin kina Simoun.
Ngumiti ako ng hilaw sa kanila, I am wary that Simoun is looking at me. Ayoko lang talaga siyang tignan.
"I really am sorry, Adira. Hindi na yun uulitin ni Simoun.." Ani Mr. Marasigan sa akin.
Pero sadyang hindi ata talaga ako mapagpatawad na tao... hindi ko siya nginitian, o ano man. I'm just staring at them with my poker face.
"I think we need to go, maybe Adira needs some time to forget about it." Ani Nanay at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko na alam nag pinag-usapan ni Tatay at Mr. Marasigan dahil nauna na kami ni Nanay.
Sinilip ko ang aking ina, I'm kinda nervous right now. Hindi ko alam kung galit ba siya sa inaasta ko kina Mr. Marasigan at sa manyak na anak nito.
"Adira..." Banggit niya sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Tiểu Thuyết ChungAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...