I was drinking myself out when a man approached me. Syempre as a polite woman, I entertained him. It's already Eight in the evening and I'm still alive from drinking for two hours.
Kaninang alas tres kasi ay sarado pa ang Uniquecorn, I'm not mad. Sino ba naman kasi ang makakaisip na magbar ng ganun kaaga? Kaya naman naisipan kong dumalaw saglit sa office at gawin ang trabaho na para sana ay bukas.
"It's very kind of you to talk to me." Ngiti sa akin ni Manu. I figured he's all alone too.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko bago sinimsim ang alak. "It is my middle name, actually."
"And you have a nice humor too. Are you sure you don't have a boyfriend?" Pinilig niya ang kanyang ulo at hindi naniniwala sa sinabi kong single ako kanina.
Humalakhak ako bago sumagot, "I wish I have."
"Pwede naman, gusto mo ba?" May kahulugang tanong niya sa akin.
Lumawak ang ngiti ko at hinarap siya. Manu is handsome, kahit na halata na mas matanda siya sa akin ay atleast hindi fifteen years ang age gap naming dalawa.
Okay, Adira. Iyan naba talaga ang age standard mo? Dapat ay hindi umabot ng labing limang taon? Paano kung fourteen years ang tanda? Okay lang ba sayo?
"Willing ka ba maging asawa ko?" Biro ko sakanya, napagkwentuhan kasi namin kanina ang tungkol sa paghahanap ko ng asawa.
I know it's not allowed to share it with anyone but Manu is just so handsome kaya na kwento ko pati na rin ang mga plano ni Mama.
He chuckled. "You just need to ask."
Lumapit ang katawan niya sa akin kaya ganun na rin ako sa kanya. His eyes lingered on my lips, dinilaan ko ang ibabang labi habang nakatitig sa mga mata niyang sabik.
"Adira.." He whispered.
And when we're about to kiss, a loud slam shocked the both of us.
Awtomatiko ang pagtingin ko sa likod kung saan nanggaling ang pagdadabog.
Rumehistro ang gulat sa aking mukha ng makita kung sino 'yon. In this kind of circumstances, I don't really want to see his face right now. Lalo na't pakiramdam ko ay tatayo ako dito at lalayo.
"Adira?" Manu called my name. Ang atensyon ko ay na kay Lazarus pa rin.
Nilingon ko si Manu at pilit na ngumiti. I won't let him affect me again. "Let's go outside?" I sensually asked.
Tumango ng parang tuta si Manu at naunang tumayo. I was about to stand up too when a hand caught me.
"Stay." Lazarus said coldly.
Mukha namang napansin ni Manu ang presensiya ni Lazarus sa likod ko, madali siyang tumayo at hinarap ng parang bata si Lazarus.
"Mr. Fortalejo!" He said with so much respect! Wow, ha? "I'm a big fan!" Aniya at nilahad ang kamay nito.
Sinulyapan ako saglit ni Lazarus bago tanggapin ang kamay ni Manu.
"I'm sorry we were just having a good talk." Anito kahit hindi pa naman siya tinatanong ni Lazarus.
"And we're going to leave, right?" Singit ko kay Manu.
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin dalawa ni Lazarus. Siguro hindi niya maintindihan kung bakit nandito ang isang 'to.
"Your father asked me to get you." Lazarus said coldly.
"Ganun ba, sir?" Si Manu itong sumagot, "Next time then, Adira?" Aniya at may inilabas sa kanyang jacket. Isang business card na may pangalan at number niya.
Ngumiti lamang ako at tinanggap 'yon. Nagpaalam na sa amin si Manu at matalim ko namang pinapatay sa tingin itong si Lazarus na parang hindi binastos ang kausap ko. Bakit nga ba kasi nandito ang isang 'to? He should be with his wife and kid!
Lazarus finished his hard liquor with just one gulp. Kumunot ang noo ko nang agawin niya sa aking ang binigay ni Manu. He threw it somewhere.
Napasinghap ako sa ginawa niya at muli siyang binigyan ng matalim na tingin. "Liar." Hindi naman talaga siya kinausap ni Tatay.
Akala ko ay makakatakas ako sa lalaking 'to.
"Aalis na ako. Thanks for ruining my night." I said with full of sarcasm. Kinuha ko ang aking pouch sa counter at akmang aalis.
Kinuha ni Lazarus ang braso ko at marahang hinigit palabas ng bar. What the hell?
"Anong ginagawa mo?" Mariin kong tanong sa kanya, pero wala siyang naririnig at pinagpatuloy lang ang paghila sa akin sa labas.
"Get in." Utos niya sa akin nang makarating kami sa kotse niya.
"May kotse ako at hindi mo ako kailangan kaladkarin!"
"Get in, Adira." Ulit pa niya. Kanina pa siya nagbibingi-bingihan ha?
Umirap ako at tinalikuran siya. Napasigaw ako nang muli niya akong higitin at isakay sa loob ng sasakyan.
WHAT THE HELL?
"Ano bang problema mo, Lazarus?! Why were you out there, ruining my date?!"
"That isn't your date! Kakakilala mo lang sa lalaking 'yon!" He said equalling my anger.
I scoffed. "At anong alam mo sa date? We just barely know each other too.."
Umawang ang labi niya sa sinabi ko at tila hindi makapaniwala. "I gave you your own space and time, Adira. What happened to us?"
"There's no us!" Tila nagpantig ang tainga ko sa narinig. "Pwede bang doon ka na sa asawa mong si Bhea at alagaan ang anak nyong si Liberan! Stop strolling around the city to look for a girl to fuck!"
"Shut it!" Saway niya sa akin at tinignan ako ng matalim.
Gigil na gigil akong sumandal at humalukipkip. Oh you want me to get in? Okay then I won't stop until I'm satisfied!
"O baka hindi ka makahanap ng babae mo at bumabalik ka sa akin? Alam ba ng asawa mo na may kabit kang Twenty Nine years old?"
"Bakit ganyan ka mag-isip?" Iritadong wika niya. "Bheatriz isn't my wife."
"Yeah just your girlfriend." Hindi ko na maiwasan ang tabang sa sinabi ko.
"You need to calm down, Adira. We won't solve anything if you're acting like that." Ngayon ay mas mahinahon niyang sinabi. "Ano ba ang problema natin?"
Tinignan ko siya muli. Hindi ko na mapigilan ang pangingilid ng luha ko dahil sa mukha niyang nagsusumamo. That's what you get, Adira! Sabinh fuck lang dapat at walang feelings!
"Stop making me your mistress." Sinabi ko na may diin.
"What do you mean? Ikaw ang biglang umalis ng bansa, you didn't talk to me after what happened to Empleo. Wala kang paramdam. Anong mistress?"
"Dahil wala rin naman kasing pag-uusapan! What do you want me to say to you? Do you want me to thank you? Well, thank you sa pag mentor mo sa akin. Ayan masaya ka na?"
Lazarus Fortalejo cursed in front of me. Kitang kita ko ang frustration na nararamdaman niya.
"Tell me our problem, Adira--"
I cut him off. "We don't have a problem, Lazarus. I get it. You should too, we're done..."
At nang bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan nya ay hinila niya ako. His lips landed on mine and he kissed me very hungrily. Hindi ko masundan ang galaw niya dahil sa pagkasabik nito.
"We were never done." Namamaos niyang sinabi matapos humiwalay ng halik sa akin.
Ilang segundo bago ako malunod sa mga halik niya ay tinulak ko siya palayo. Isang mainit na sampal ang agad kong sinukli sa kanya.
"You're disgusting! Stop making me your mistress!" Ulit ko bago binuksan ang kotse at iniwan siya mag-isa doon.
BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Narrativa generaleAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...