13

5.8K 183 5
                                    

Sinama ako ni Dad sa mansyon, I bet my cousin is there too at alam ko namang naipakalat na ni Tatay ang nangyaring kumosyon kanina.

"I can't believe him, anak. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay dala dala pa rin ni Empleo ang galit niya sa akin." Dismayadong sabi sa akin ni Tatay.

Humalukipkip at ako humarap sa bintana, "Maybe your friends are not really your friends."

He sighed. "Yan talaga ang mahirap sa business."

"Yes, dad. Emotional feelings are not allowed in your world."

"It is also your world, anak." Sabi niya, "Sana ngayon ay natanggap mo na, na parte ka na ng ganitong kultura ng mga Gotesco. Mama will be disappointed for sure at baka--"

"Baka maghanap nanaman siya ng lalaking ipapakasal sa akin?" I snorted.

Huminga ng malalim si Dad. "Adira, anak... You will learn to accept that for sure.."

Hindi na ako sumagot pa sa kanya. It's just nonsense! If Amanda wanted to be the heiress of our company then so be it! Ayokong madaliin ang pagpapakasal ko.

Naalala ko  ang reaksyon ni Lazarus kanina. Siguradong kailangan kong panindigan ang magiging desisyon ko. Xerxes is right, I should avoid talking to him at dapat ay magsimula na ito ngayon. Wala rin naman kasi kaming pag-uusapan pa. He's done mentoring me and we don't have anything to talk about.

Kaya siguro... Para makaiwas ay mag out of town muna ako?

"What if I need to go outside the country?" I suggested out of nowhere.

"Outside of what?"

"Come on, dad! I've been good, right? I deserve a reward!"

"Adira, huwag kang magsaya! You still need to find a husband!"

"Paano nga kung doon ko mahanap?"

"At hanggang kailan ka naman doon?" Mataas na boses na sinabi ni Tatay. Tila nagulat sa ginawa kong suhestiyon.

"A couple of months, maybe?" Kibit balikat ko.

"And who's gonna take over your position, eh?"

Napabuntong hininga ako. Can I just leave it to Xerxes? Tutal hindi naman nagiging abala 'yon sa negosyo nila.

"Hindi ba pwedeng isang buwan lang, Adira?"

Gulat akong napatingin kay Tatay na mukhang seryoso sa kanyang sinabi. Isang buwan? Siguro ay ayos na 'yon? What we have is not yet deep, saka imposibleng puntahan ako ni Lazarus sa tawid dagat para lang tanungin kung bakit ako umiiwas sa kanya.

"Okay, One month. I'm going to Australia." I happily said to him.

Mabuti na lang din at hindi na siya nagtanong pa sa biglaan kong kagustuhan na umalis ng bansa.

Pagkarating namin sa mansyon ay agad kong nakita si tita Mischel. She's happily talking with my grandmother.

Si tita Mischel ay kapatid ni Tatay. Aminado akong hindi ko gusto ang ugali niya lalo na kay Nanay, dahil sa malayong estado niya sa mga Gotesco ay hindi kailanman siya nagustuhan ni tita.

"Look who's here!" Saglit niyang inalis ang tingin kay Mama at lumipat sa amin.

They greeted each other while I'm just standing beside my father. Lumabas sa loob ang pinsan kong si Amanda, napairap ako agad.

Plastikan nanaman ba 'to?

"Adira, apo! You did great!" Mama got up from sitting and hugged me. "I am so proud of you! Talaga ang mga tao, hangal ang kaluluwa dahil sa inggit at puot!"

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon