Wala akong ganang napaupo sa swivel chair at napahilamos sa aking mukha. I've got to admit, I have feelings for Lazarus, okay? Pero hindi ko alam kung sapat ba ang nararamdaman ko para ipaglaban siya sa aking pamilya. I know them, hindi nila matatanggap ito.
Sinikap kong gawing abala ang aking sarili sa pagpirma ng mga papel, I even read the content of papers for like three to four times just to understand it!
Anong karapatan ni Xavier na guluhin muli ang buhay ko? He left me! Inatrasan niya ako tapos kapag natrip'an niyang bumalik ay dapat bang tanggapin ko siya ng buo? I am not a fucking waiting shed! Kung nakaya niya akong bitawan ng ganun lang ay dapat matanggap niya na hindi na ako sa kanya!
I can't even say if he really did own me for those years.. I cannot recall the feeling. Iba ang naramdaman ko ngayon kay Lazarus. It was unexplainable; it's very new to me. Ni hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Lazarus made me feel different kinds of emotions. Mga emosyon na kahit ako mismo ay hindi ko alam na meron pala ako.
It's already 12 in the afternoon and he's still not here. Napahawak ako sa kumakalam kong sikmura. Dapat pala ay bumili na ako ng lunch kanina.
Akmang dadamputin ko na ang cellphone ko nang biglang bumukas ang pinto. Lahat ata ng alalahanin ay nawala dahil tumambad ang guwapo niyang mukha sa akin. Bumaba ang tingin ko sa dala-dala niyang supot ng pagkain.
"That's very expensive." Puna ko dahil sa paperbag na may nakatatak na brand.
"Well, it's for you, so.." Kibit balikat niya at pumasok na ng tuluyan sa loob.
Napatayo ako sa kinauupuan at sumilip sa likod, narinig ko naman ang paglock ni Lazarus sa pintuan, awtomatiko akong napangiti.
"Done with the meeting?" Kinuha ko sa kanya ang pagkain, he gave a quick peck on my lips.
"Yup. Tapos na akong mamanhikan." Seryosong wika nito.
Napalingon ako. "What?"
"Just kidding." He laughed before he held my waist, "Kabado?"
Siniko ko naman siya.."Ikaw kasi! Akala ko, talagang..."
"Puwede naman." Hirit naman ni Lazarus at hinalikan ang batok ko.
Fuck! Shivers went down to my freaking spine. Bakit ba kasi nakatali ako ngayon?
"Hindi pa pwede, Lazarus." Saad ko, hindi pinansin ang naramdaman kong sensasyon kanina.
Ibinaon niya ang kayang ilong sa aking balikat, I felt him sniffing my neck. Napapikit ako saglit at pinilit siyang lingunin. He has a messy hair this time and he's looking at me too! Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
"I want us to have sex in here." I said sensually.
"Really?" He raised a brow, tinalunton ng kanyang ekspertong kamay ang damit ko at dahan dahang tinanggal ang mga butones non.
Tumango ako. "Pero di pa ngayon."
"I want us to do that in my office." He whispered.
"Sa bahay mo? Huwag na.. baka mamaya, makita nanaman tayo ni Coleen.."
"Magkakasundo na kayo ni Coleen." Aniya.
Hindi ko alam. Isang beses ko pa lang kasi nakikita ang kapatid niya at aminado ako na hindi magandang pagkikita 'yon. Binalewala ko na lang ang mga iniisip ko kanina at masayang kumain ng lunch kasama si Lazarus. I like it when he's around. He makes me forget about my problems. Mamaya siguro ay ikukwento ko na lang ang sagutan na nangyari sa amin ni Bheatriz kanina.
Tinulungan din ako ni Lazarus sa ibang mga papers, nag-enjoy naman ako don kasi hindi lang kami basta naglalandian dito, may naituturo rin siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Fiksi UmumAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...