6

7.8K 216 8
                                    

Hinang-hina akong tumayo sa sarili kong mga paa, Lazarus is still here. Hindi ko pa rin makuha ang nais niya. He wants to be my husband. Really?

"Aalis na ako." I smiled at him, kahit pa buryong-buryo ako sa nangyari ay hindi ko kailanman ipapakita sakanya ang pagka-inis ko.

Nahuli agad ni Lazarus ang palapulsuhan ko. I shot him my dangerous glare. "Ano ba? Tapos ka na diba? Pwede bang umalis na ako? They are looking for me, I'm sure!"

"I'm sorry."

Biglang lumambot ang ekspresyon ni Lazarus, dahilan para bumilis lalo ang tibok ng kanina ko pang naghihisterikal na puso.

"For what? For fucking me here?" I spat at him, "It's okay, Laz. Alam ko naman talaga na masarap ako at hindi easy to forget!"

"Adira.." Bakas sa tono niya ang pagbabanta.

"What?" I rolled my eyes. Bakit ba ang clingy nito ngayon?

Pilit kong inalis ang pagkakahawak sa akin ni Lazarus. He doesn't have any rights to hold me! Sinamantala niya ang kahinaan ko? At ano? Gusto niya pa ako maging asawa ha?

"Adira, take my offer..."

Halos matawa ako sa sinabi niya. "To be your wife? Really? You're such a cheater!"

Hindi niya tinanggi na may anak siya kanina, so may asawa talaga siya at... ginawa pa namin iyon?! Damn!

"I don't have a wife!" His voice thundered inside the comfort room.

Pero hindi ako natinag. "Eh ano si Liberan? He is your son, right? Don't tell me asexual reproduction ang ginawa mo? Ano sarili mo lang si Liberan ganun ba 'yon?"

Lazarus pulled me towards him. I avoid myself from hitting his chest kaya hinawakan ko ang kanyang dibdib. Nanlaki pa saglit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagka-tigas non. What the hell?

"You're too noisy.." He whispered.

I flashed a smile. Huwag mong ipahalata na kinakabahan ka, Adira!

"Hindi mo masagot mga tanong ko. Totoo kasi, diba? Niloloko mo ang asawa mo."

"What? I'm not cheating and you're not my wife yet.." He chuckled.

Galit kong nilayo ang sarili sa kanya, he still has this proud face! Pinaglalaruan niya talaga ako!

"This is nonsense, Lazarus. Aalis na ako." Wala akong panahon sa mga kalokohan mo.

Iniwan ko na siya doon, the deafening sounds of the party is killing me. Halatang uhaw ang mga empleyado ko sa ganitong ganap. Which made me think, hindi ba talaga ako mabait na boss para pagbigyan sila sa mga nais na Leave?

Bumalik na 'ko sa kinaroroonan ni Xerxes. She's talking to some random guy.

"She's back!" Ani Xerxes sa akin. Nilingon ako ng lalaking kasama niya at binigyan ako ng isang ngiti.

Sino ka para ngitian ko?

"I'm going home." Anunsyo ko.

"What? Bakit naman? This is your party!" Tinapik ni Xerxes sa balikat ang lalaki. The guy understood and left us. "Bakit, te?"

"Si Lazarus!" Wala sa sarili kong sinabi, "Nakakainis!"

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Xerxes. Oh great! Malamang ay may naiisip nanaman ito at nakakatakot kumpirmahin ang nasa isip niya kasi totoo!

"Masakit?" Her eyes squinted.

Malakas ko siyang pinalo sa balikat.

"Aray naman! I was just asking!"

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon