20

6K 207 13
                                    

Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil kay Xerxes. She's looking intently at me, it is as if she is waiting for my answer. Nag iwas ako ng tingin at nag-isip saglit.

"Kaya ko.." Mariin kong sagot sa kanya.

Tumayo ng tuwid si Xerxes at nakahalukipkip akong tinignan. "Kahit na tanggalan ka ng mana?"

Napatingin ako sa kanya. Come to thimk of it, binalaan ko si Mama na wala akong pakialam kung may makuha man ako o hindi dahil malayong malayo naman ako sa pinsan kong sa simula pa lang alam ko na ang habol.

"Bakit ba ang hirap hirap nito?"

Tumabi sa akin si Xerxes at tinignan ang iritado kong mukha. I want to be happy with Lazarus, okay? Pero sana naman ay maging masaya din ang pamilya ko sa akin. Ayokong maisip na, may mga tao akong nasasaktan habang ako naman ay sumasaya.

"Alam mo, minsan naiisip ko kasalanan ko 'to." Aniya.

Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Bakit naman?"

"Hindi mo siya nakita sa party. Ako ang nakakita sa kanya, ako ang nag push sayo na landiin siya, diba?"

Oo nga pala. Naalala ko yun, doon din nawala ang virginity ko. Napangiwi ako sa naisip, pero tignan mo naman ngayon, hindi ko naman inakala na mapapalalim ng ganito ang pagpapakilala mo kay Lazarus.

"It's fine, Xerxes. Ang sabi mo lang naman sa akin ay landiin siya.." 

"Sabagay, ikaw ang nag desisyon na mahalin siya, diba?" Mapaglarong tanong niya sa akin.

Marahan kong hinila ang buhok niya kaya napatili agad ito, hinila niya rin ang akin.

"Ikaw! Ang dami dami mo na ngang problema tapos inaaway mo pa ako! Pag iniwan ka ng pamilya mo, ako ang tatanggap sayo tapos mang-aaway ka pa!"

Humagikhik ako. "Stop crying like a child..."

"Ha!? Pag ikaw talaga..."

Siguro ay tinatago ko na lang ang kabang nararamdaman ko sa pakikipagkulitan kay Xerxes. Sa totoo lang naiisip kong kausapin si Xavier. I don't know his real intention why he wants to be married with me. Tinakasan na nga niya ako nung una diba?

Pero sana kung ano man ang rason niya, sana ay mapagusapan nalang namin 'yon.

"Imagine your grandmother lending the microphone to you, tapos ano sasabihin mo?" Ani Xerxes dahil daw dapat ay mag practice na kami.

Tumikhim ako. May inabot kunyari si Xerxes sa akin. Ito daw yung mic, kunyari rin na may tinanggap ako at hinahawakan bago magsalita.

"Hello everyone, good evening--"

"Huh? Bakit everyone? Dapat, hello everything!" Aniya ay humagalpak ng tawa.

Kumunot ang noo ko, bakit? Tama naman ang sinabi ko ha? Nang napansin ni Xerxes na hindi ko nakuha niya ang biro niya ay sumeryoso na ulit ang mukha nito.

"Okay sige, ulitin mo.."

Napairap ako. Ano naman kaya ang nahithit nito?

"Good evening, everyone.. I would like to thank you for joining us tonight.." Naiisip ko pa lang ang mangyayari ay kinakabahan na ako, "And just like what my grandmother said...Yes! I am going to get married and I will announce it right now.."

Pinikit ko ang aking mga mata at nakuhanan ang perpektong mangyayari sa imahinasyon ko. The people are quiet, ang mga kumakain ay tumigil, ang mga nagkwekwentuhan ay nakatingin na sa akin at ang mga gumagamit ng cellphones at cameras ay nawala ang atensyon doon.

Nakita ko rin sina Mama, Tatay at Nanay.. They are all waiting at sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siya..

Dumilat akong nangingilid ang mga luha. Napatingin ako kay Xerxes na may nagtatanong na mga mata.

"Si Lazarus Fortalejo po ang pakakasalan ko.."

Ngumiti si Xerxes sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya.

"That's my girl.." Aniya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

Pagkatapos nun ay ilang oras kaming nagkulitan ni Xerxes, minsan ay napag uusapan namin ang mga nangyari noong High School, paanong mas marami siyang lalaki kaysa sa akin.

Well she's just really flirt, you know?

Nabawi naman ang mga araw na hindi kami nagkita ni Xerxes sa oras na nakasama ko siya ngayon, sobrang saya ko na may kaibigan akong katulad niya.

When I was young, I was too focused on my friends' quantity, but as I get older, it is quality that matters.

Sinundo ako ni Lazarus nang sumapit ang dilim. Alam din naman niya kasi na girls time ngayon kaya hindi niya ako binulabog ng kanyang mga texts.

"Are you happy?" Tanong ni Lazarus pagkatapos kong sumakay sa kanyang sasakyan.

Tumango ako.

"I see.."

"Ikaw? Anong ginawa mo buong araw?"

"Nothing much. Nag gym lang ako."

Gym? Eh ang laki laki na nga ng katawan niya.

"Buti tinatanggap pa sa gym yung mga edad mo?" Pabiro kong utas.

Matalim niya akong tinignan.

"Or baka nang gy-gym ka kasi..." Ayokong magtunong selosa pero may bigla kasing pumasok sa isip ko.

"ang tanda ko na para magloko, Adira.. gusto ko nga ikaw na." Diretsya niyang sinabi.

Kumalabog naman ang puso ko don. Pinasibad na ni Lazarus ang sasakyan, nakatingin lang ako sa mga ilaw tuwing gabi.

"Nagloko ka na ba dati?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi."

"Magloloko ka kaya sa atin?"

"Hindi.." ulit niya.

Tinignan ko ang mukha niyang seryoso sa pagmamaneho.. "Sigurado ka na ba talaga sa akin, Lazarus?"

"Oo."

Napanguso ako. He looks mad right now. Na offend ko ba siya?

"Biro lang yung sinabi ko kanina, alam ko naman na hindi mo magagawa 'yon."

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Lalong humaba ang nguso ko.

"Alam mo, hindi ko talaga inaasahan na laging magkru-krus landas natin matapos tayong magkita sa party na 'yon.."

Wala pa rin siyang pake sa sinasabi ko.

"Umalis ako ng bansa kasi akala ko makakalimutan kita.." I confessed.

Biglang niliko ni Lazarus ang sasakyan sa gilid dahilan ng bigla kong pagkapit sa handle at muntik na akong mapasigaw!

"So it was all because of me?"

Tumango ako. "Akala ko kasi hindi ka seryoso, okay?"

"Paanong seryoso pa ba, Adira?" He asked, almost begging.. "Ano pa ba?"

"Wala na..." Lumunok ako, natapat ang mukha ni Lazarus sa isa sa mga street lights dito and God knows how much I wanted to drop my jaw because of his manly and handsome face!

"Wala na?" He tilted his head, fuck! Huwag kang magpapogi!

"Oo na.." Bigla kong sinabi..

Lazarus massaged his lowerlip. "Oo na?"

Umirap ako, ang tanda mo na nga talaga! Ang slow slow mo!

"Oo na nga! Ano ba? Hindi mo magets? Oo na! Oo na! Sinasagot na kita!"

And before I could ever react, Lazarus claimed my lips.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon