18

6.1K 166 13
                                    

Nagising na lang ako sa tabi ni Lazarus, mabuti na lang din at Queen sized itong higaan ko. He's peacefully sleeping beside me. Ginamit ko ang chance na 'yon para makitang mabuti ang kakisigan niya.

Hindi naman siyang mukhang Forty Five years old. He looks younger, actually... I traced the line of his jaw, napatigil ako nang biglang kumunot ang noo niya pero tulog pa rin.

He really does look like a Beckham.

"Pero mas guwapo ka naman dun." Hagikhik ko at hinawakan din ang mapula niyang labi.

I was busy exploring his handsome face when he suddenly caught my hand. Dinala niya ang kamay ko sa kanyang labi at marahang kinagat ang aking daliri.

"Naughty." He said in a husky voice.

Bakit ang sexy ng boses niya? Oh damn right! Kakagising niya lang! Ngumuso ako at humilig sa kanyang dibdib.

Hindi ko na matandaan kung bakit ako nagalit sa kanya.

"Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?"

He chuckled. "My wife is right here." And he kissed my forehead.

Lihim akong napangiti. Okaaaay.

"Bolero.." Nangingiti na sabi ko.

"Hindi ka na galit?" Sinilip ako ni Lazarus. Ang guwapo.

"Galit pa rin.."

"Anong gagawin ko para hindi ka na magalit?" Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.

Napailing ako. "Do you think Mama will accept us?"Hindi naman sa merong kami. Lazarus is a family friend he would never be in their list that they wanted to be my husband. Paano kung malaman nila? Magagalit ba sila?

Ano kaya ang gagawin nila sa akin?

"I don't know but we'll try.." He whispered to my neck.

"Pero wala pang tayo.." Malambing kong sinabi.

"Hmm? Paano magkakaroon ng tayo?"

Napairap ako. "Edi manligaw ka!"

Lazarus chuckled once more. Muli akong napanguso, hindi ko pa nga napapatunayan kung asawa niya ba si Bhea o hindi.

"Pero.. paano ko masisiguro na wala ka ngang sabit?"

"Ask my sister. "

"Huh? Bakit siya?" Kapatid niya ba yung taga-alam ng mga nagiging jowa niya?

"She knows my type." He winked at me.

Napatango-tango ako, "What's your type? Yung bata ba?"

He pinched my waist kaya natampal ko ang kamay niya pero hindi naming maiwasan parehas ang ngiti. Umayos ako ng upo sa kama at tinulak siya.

"Get up, mamaya mag surprise visit sa akin si Tatay."

Sumunod naman sa akin si Lazarus, umupo siya at bumaba agad ang tingin ko sa kanyang...

"Magdamit ka nga!" It's really distracting!

"What?" Nangi-ngiti niyang sabi bago niya suotin pataas ng kanyang damit.

How come he still smells divine and manly? Hinintay ko si Lazarus sa kanyang pagbibihis, I secretly took pictures of him too! Ang guwapo guwapo!

"I'll meet you in your office." He announced.

"Puwede ka ba raw pumunta roon?" I mean, hindi ba magtataka ang mga empleyado ko at si Tatay kung bakit bumibisita sa akin si Lazarus? Wala naman na kaming pag-uusapan, eh.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon