24

4.7K 192 14
                                    

We will always get to the point of our life wherein independence is the key to grow. Buong buhay kong kasama ang pamilya ko sa lahat ng bagay. They watched me achieved my dreams little by little. My dad was my first mentor, he taught me everything about the industry at lagi kong ipagpapasalamat 'yon.

Sabi nila sa lahat ng pagsubok ang huli mong mapupuntahan ay ang pamilya. Tinalikuran ka na ng lahat pero sila, nandiyan pa rin at naghihintay kahit na ikaw mismo ang nagtaboy sa kanila. But what if they're the one who pushed me away? Valid pa rin ba ang point na yun?

All my life I've been living with the fact that I needed to be on the top of everything because I am Adira Celestine Gotesco. Hindi ko alam na darating ako sa puntong mapapagod ako sa pinaniniwalaan ko.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip ko kung tama ba yung rason nila para itakwil ako. Masama bang pakasalan yung taong mahal ko? What's with the family and businesses?

"Adira kumain ka na."

Ngumiti ako kay Xerxes. She's really forcing me to eat. I really want to but my appetite don't.

"Hindi tayo pupunta sa condo mo kapag hindi mo naubos yan." Turo niya sa pancakes na nasa harap ko. "Papasok ka pa sa trabaho."

"Wala na ata akong trabaho." I shrugged.

Bumuntong hininga si Xerxes at tinapos na ang kinakain niya. "Okay kung pati bilang tagapamahala ng company niyo ay tinanggal ka na, ako na bahala sayo."

"I doubt it." Walang gana kong sinabi, "Alam mo naman si Tatay." And his connections.

Malungkot akong tinignan ng bestfriend ko. Maybe she realized that I'm correct. Panigurado naisip na ni Tatay na magtatrabaho ako sa kompanya ni Xerxes kaya malamang ay may ginawa na 'yon para hindi ako makapasok doon.

If that's the case then okay. I still have other abilities that I can us to other jobs. Malay mo hindi lang ako pang opisina diba?

I shut my eyes when I felt a sudden dizziness.

"Oh ano meron? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Xerxes sa akin.

"Hindi kasi ako nakatulog kagabi ng maayos."

"Pag nakita ka ni Lazarus, papagalitan ka nun."

"He should not act like my dad. Kaya siya nasasabihang pwede ko na maging tatay, e." Biro ko kaya natawa si Xerxes sa akin.

"Galit din kaya si Tito sa akin? Kung hindi dahil sakin hindi mo makikilala si Lazarus, e."

"Hindi naman niya alam."

"Edi ipaalam natin!" Tinapik niya ang kamay ko.

I furrowed my brows. "Bakit naman?"

"Para magalit din siya sa akin." She giggled.

Napairap ako sa kanya. At gusto pa talaga ni Xerxes na dagdagan ang galit ni Tatay, ha? Baka maagang tumanda 'yon.

"Your cousin may be celebrating by now." Ani Xerxes.

"Hindi ko alam kung nasabi na nila kay Amanda pero I don't care.." Kung nasabi na nga nila, malamang nagdidiwang na yung mag-ina.

Kinuha ni Xerxes yung pancakes ko, malamang nainip na dahil hindi ko ginagalaw kaya siguro siya na lang ang kakain.

"Si Madame? Walang reaksyon? Nagalit?" She's pertaining to my grandmother.

"I don't know.. She wants me to break up with Lazarus.."

"Si Tita?"

Napanguso ako nang maalala si Nanay, she wants me to stay and I know how difficult it is for her to see me like that. Hindi ko alam kung kamusta na ba siya ngayon.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon