Binuksan ni Xerxes ang pintuan ng condo niya at sakto ang pagbato ko ng mga pinamili sa kanyang couch.
"What the hell? Ganyan ba talaga ang pasalubong mo sa akin?" Gulat na sigaw ni Xerxes sa ginawa ko.
"He has a girlfriend!" Utas ko at binagsak ang katawan sa couch. "May girlfriend siya!"
"Sino ba?" Tanong niya, abala sa pag bukas ng mga binili kong chocolates.
I let out a loud sigh. "Lazarus!"
Tumango tango si Xerxes at nahanap na rin sa wakas ang chocolate na para sa kanya. "Ano naman ngayon?"
"Ano naman ngayon?" Ulit ko sa sinabi niya, "Liberan called that woman his mommy! Ibig sabihin, Lazarus lied! May girlfriend siya all this time!"
"And?" She casually asked while munching her chocolates, "Akala ko ba wala ka ng pakialam? What happened to your one month vacation, Adira?"
"Wala! Buti na lang talaga at umalis ako! Gagawin pa akong kabit!"
"Yeah buti na lang." Sapaw niya pa sa akin.
Napatingala lang ako sa ceiling at inisip ang mga nangyari sa amin ni Lazarus. All of it were not true! Not a single thing! He's just like that. He played me. I can't fucking believe it!
"You're affected." Ani Xerxes sa kung saan.
"I am not." Pagsisinungaling ko, alam ko naman na hindi ko na maitatago kay Xerxes ang feelings ko kay Lazarus.
Tumayo si Xerxes sa kinauupuan at lumapit sa akin. "Balita ko, may meeting mamaya. He'll be there for sure.."
"Hindi ako pupunta." Wala sa sarili kong sinabi.
"Huwag mo ngang ipakita sa kanya na apektado ka! Let him think that whether you will see them kissing or not you will not give a single fuck!"
And she's at it with her phenomenal advises!
"At bakit niya naman ipapakita sa akin na naghahalikan sila?" Naguguluhang tanong ko.
"Duh!" She exclaimed like I asked a stupid question, "Gusto niyang ipamukha sayo na may bago na agad siya! Gusto niyang ipakita na napalitan ka na agad ng ganung kabilis kaya huwag ka papatalo!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. It's fast how she went from being the president of Lazarus fanclub to being the founder of Adiranatics.
"You think it will work?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako na para bang isa akong estranghero sa kanya. "You're Adira Celestine Gotesco, anong hindi magwowork sayo?"
Xerxes' words of wisdom gave me so much confidence and hope that I will not slap the shit out of Lazarus later. Sana nga lang ay wala siya don. Which is I know, it's impossible. Isa siya sa mga paborito ni Tatay.
"Adira, anak." Tatay greeted me, niyakap niya ako agad. "Ni hindi ka nagpasabi na darating ka ngayon. Akala ko magpapahinga ka kasi kakauwi mo lang?"
Niyakap ko rin siya pabalik. "I wanted to surprise you."
"May nadala ka na bang mapapangasawa mo?" Tanong niya agad.
"Tay, you will meet him soon." Kindat ko sa kanya. "Shall we?"
Tumango si Tatay sa akin at sabay na kaming pumasok sa loob. Kumalabog agad ang puso ko dahil siya agad ang naunang nakita ng aking mata.
Lazarus Fortalejo si looking intently at me. Kahit na alam ko na lahat sila ay nakatingin sa akin ay ang mga titig niya lang ang nagpabilis ng puso ko.
Damn it, Adira! Pull yourself together!
Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at naupo sa tabi ni Tatay. Pinakelaman ko agad ang mga papel na nasa lamesa, sapat na para matabunan ang presensiya niya sa harapan ko!
They started to discussed about the plans they have for the future. Wala naman akong gana makinig at hindi ko rin naman naipapasok sa isip ko ang nakalagay sa mga papel.
"Or we can just pursue the business left out by the Marasigans.." I heard his voice. Binalewala ko 'yon.
Ininda ko ng dalawang oras ang mga suggestions nila. Puro naman paglabas ng pera sa kompanya ang nais nilang mangyari. I somehow agree to his suggestion, tutal nakaplano naman na ang Gotescafé ay bakit hindi na lang ituloy yun?
The meeting finished accepting Lazarus' idea. Andami pa nilang sinabi pero yun naman din pala ang gagawin nila.
"Adira, you want to visit your mother? We are at our ancestral house in Batangas." Ani Tatay.
Umiling ako. "I'll find a time this week, meron pa akong mga hindi natatapos sa office."
"Wala man lang akong pasalubong? How's Australia? I called Amber, sabi niya ay si Lemuel daw ang madalas mong kasama."
"We're just friends." Sabi ko, may iilang mga businessmen ang nakipag kamay kay Tatay.
"Adira.. Alam mo naman na masyadong atat si Mama na magpakasal ka.." Aniya, habang inaayos ang kanyang necktie.
Tumayo ako at ako na mismo ang nag-ayos nun para sa kanya. "Tell Mama, I will marry this year."
He scoffed. "You stubborn woman."
Ngumiti lang ako kay Tatay. "I'd better go." Paalam ko at umalis.
Mabuti na lang din dala ko ang aking kotse, I can't expect Xerxes to be here dahil nga busy rin ang isang 'yon. I clicked the keys of my car at nang umilaw yon ay agad kong binuksan ang pintuan.
"Hello, Bhea?"
Napatigil ako nang marinig ang boses ni Lazarus. Naglalakad ito habang niluluwagan ang kanyang neck tie at hawak ang kanyang phone.
Sige, makikinig lang ako ng konti sa pag-uusap nila. Wala namang masama don diba?
"Yup, I'm here. Liberan is already with you? Okay. Nasaan kayo?" Aniya, nahagip ni Lazarus ang tingin ko kaya nagmadali akong sumakay at pinaandar ang makina.
Hindi ko na nalaman pa ang sinabi ni Bheatriz sa kanya. Agad kong pinasibad ang sasakyan.
Hindi naman siguro niya nahalata ang pakikinig ko diba?
Pagkarating ko sa bahay ay napahilamos ako sa aking mukha. I can't be this smitten! Wala naman siyang magandang naidulot sa akin!
He lied to me. Ang sabi niya ay wala siyang asawa. Yes! Wala nga pero may girlfriend siya and his girlfriend is Liberan's mother. Liberan is not adopted. He is his biological father! Hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa pagsisinungaling niya. How dare he?
Binuksan ko ang aking refrigerator at nakita ang iilang hard liquors. I'm just a day here in the Philippines at ganito na agad ang pinapakita sa akin? How great!
It's just 3pm in the afternoon, bukas na bukas din ay babalik ako sa trabaho at lulunurin ang sarili ko sa mga gawain.
I took my liqours out of my ref. Pag kinulang pa sa akin 'to, pupunta ako sa Uniquecorn. I won't invite Xerxes, I want my drinks to myself only.
Isang lagok ang ginawa ko at napapikit na ko sa guhit na ginawa ng alak na 'yon sa aking lalamunan. Ilang shots pa lang malamang ay lasing na ako pero kailangan ko 'to.
Mag iisang oras na ata akong nakikipag kaibigan sa aking sarili nang biglang tumunog ang phone ko.
Unknown number? Sino naman kaya ito? Bago na ang sim ko at si Xerxes lang naman ang nakakaalam na may bago na 'kong sim.
Dahil sa kuryosidad ay sinagot ko ang tawag.
"Hello?" I asked with my slurry voice. Damn, I'm tipsy. "Kung sino ka man, wrong number." I giggled.
"You're drunk." The other line answered with a firm and serious tone.
Napaayos ako ng upo. Pamilyar ang boses na 'yon.
"W-Wrong number, ibababa ko na 'to."
Hindi ko na siya pinasagot sa kabilang linya at kinuha na agad ang susi ng kotse ko.
Mukhang mapapaaga ang pagpunta ko sa bar ha?

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Fiksi UmumAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...