11

7K 245 31
                                    

Naging alerto ako sa bawat meetings namin na pinapangunahan ni Mr. Marasigan, he is always with his dog son na hindi man lang napapagod na suyuin ako.

My father seems not to notice that Mr. Marasigan is just bluffing his kindness, hindi ko alam pero simula nung magbitaw sa akin si Lazarus ng mga posibleng teorya ay naging mapagmatiyag na ako sa kinikilos ng matandang 'to.

Wala akong ibang ginawa kundi ang pag-aralan si Mr. Marasigan at ang mga posibleng balak niya sa negosyo namin. Paano niya mabubulsa ang malaking perang lumalabas sa kompanya?

"Damn it!" Galit kong hinampas ang mga folder sa harap ng lamesa ko. Bakit ko ba ito pinoproblema? Dapat ay sila na ang nakakaalam at nakakaramdam ng mga ganitong bagay!

Hindi na ako nakakasama kay Xerxes sa pagbabar niya, lagi akong nasa mansyon ni Lazarus para mag-aral sa negosyo namin. Mabuti na lang din at wala ang kapatid niyang daig pa ata sa mag memenopause sa sobrang pagka sungit.

What's the name again? Coleen?

Hindi ko rin naaabutan si Liberan sa bahay. Minsan ay nasa eskwela ito, minsan naman ay nasa piano lessons niya. So Lazarus wants his son to be like him, huh?

Binuksan ko ang aking phone at tinignan ang mga chats ni Xerxes. I already told her everything. Noong una ay hindi siya makapaniwala pero nang ipakita ko na sa kanya ang biglaang pagtaas ng mga nilalabas na pera ay medyo tumutulong na rin siya sa akin.

It's already Nine in the evening. Dapat ay nag-aayos na ako para makauwi pero hindi ko alam kung anong naguudyok sa akin na mag-aral.

Our café must be different from the others. Ano kaya ang pwede naming maging original na menu at recipes?

Herbal coffee kaya? Magugustuhan kaya 'yon ng lahat? Maganda rin siguro na kada oras sa araw ng opening ay may binibigay kaming promo.

For the first three hours na bukas ang café ay kada isang order dapat may libre silang sandwich tapos magbabago ang promo kada tapos ng oras na 'yon.

Sumimsim ako ng mainit na kape na inorder ko sa aking bagong sekretarya. My former secretary resigned because of studies. Pinagbigyan ko naman dahil pag-aaral ang rason niya, buti na lang at maraming mga pending na resume na gustong mag-apply bilang sekretarya ko.

Aba sino bang hihindi? Maganda ang bigayan dito.

"Ma'am?"

Binuksan bahagya ni Pamela, ang secretary ko, yung pinto. She's two years younger than me. Kung hindi mo mapapansin ay mukhang pwede siyang lumebel sa amin dahil sa kagandahan nito.

Pero mas maganda pa rin ako.

"Oh?" I asked her, flipping my curly hair on the side.

Ngumiti siya sa akin at dumungaw ang dimples niya. "May naghahanap po sainyo ma'am."

Hindi ko alam kung bakit nangingiti itong si Pamela, umalis siya at ang pumalit naman sa kanya ay walang iba kundi si...

Right! Kaya ganyan siya na namumula ay nandito si Lazarus!

"It's late.." Una niyang bungad sa akin. Wala man lang pasubali at pumasok siya.

"I'm busy?" Sinubukan ko siyang paalisin.

"Then be busy." He said in a calm voice before going to my personal refrigerator.

Umirap ako sa hangin at hinayaan siya. Feel at home sa opisina ko ha?

"You know what? Dapat ay naghihintay ka na lang sa labas. Baka isipin ng mga empleyado ko..." Hindi ko naituloy 'yon at lumipad ang tingin ko sa kanya na nagsasalin ng isang low fat milk sa baso.

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon