Nanliit ang mata ko sa kanya, marahan kong tinulak si Lazarus. How dare him? He has a son yet he is here flirting with someone else?
Napakagago.
I admit that he is a good looking man, okay? Pero hindi ko alam na dahil alam pala ng isang tao ang kanyang panlabas ng anyo ay gagamitin niya iyong paraan upang makakuha ng iba pa.
Plus he is a married man? What the hell right?!
"Get out of my way." I harshly said.
Sinubukan kong alisin ang sarili ko sa mga taong nag sasayawan, Lazarus seems shocked, I don't care. At bakit niya kailangang magulat?
"Adira." Tawag niya sa pangalan ko.
"Pwede ba, Lazarus? What happened between us was nothing! Huwag mong sabihin na hindi mo 'yon makalimutan?" I hissed at him.
Nag-igting ang panga nito, hindi ko na muli siyang tinignan at tuluyan nang lumayo para hanapin ang halos patay na sa lasing na si Xerxes.
"Xexe!" Inagaw ko siya sa lalaking kasayaw niya, "Tara na." Mabilis kong sabi.
Xerxes is still unwary of what is happening. Ang kasayaw naman niya ay ngumisi lang sa akin. This is Lazarus' friend right? Maaaring nasa nearly 40s na rin ang isang 'to.
Hinigit ko si Xerxes palabas ng Uniquecorn, hindi ko na muling nakita si Lazarus. Maybe he is dancing again with some other cheap girls, right?
"Adira???" Ani Xerxes, tila wala pa rin ito sa katinuan. "Anong nangyayari?"
Hindi ko pinansin ang kanyang tanong. That's what you get from drinking too much! Masyado ka kasing excited uminom ng wala pa ako!
Hinila ko si Xerxes patungo sa kotse ko, hanggang dito sa labas ay rinig ko pa rin ang maingay na tunog sa loob.
"Adira naman, you're such a killjoy!" She almost moan.
Umiling na lang ako. Akmang papatunugin ko na ang makina ng sasakyan ko nang biglang buksan ni Xerxes ang sasakyan.
"What the actual cocktail, Xexe?!" Sigaw ko.
Lumabas ito ng sasakyan, nagulat ako nang bigla itong sumuka.
"Xerxes!" Madali akong lumabas ng sasakyan at dinaluhan ang kaibigan ko.
She's still vomiting everything, kulang nalang ay pati intestines niya ay isuka nitong babaeng 'to.
"Ew, girl. You're gross!" I said with full of disgust! Hinawakan ko ang buhok nito upang hindi mahawaan sa mga suka niya.
"Shut up, Adeaaara" Tumayo ito saglit at tumingala. "God, this is a fucking nightmare!"
"Do you have any tissue?" I asked her.
Umiling si Xerxes sa akin.
"Oh, hawakan mo muna yang buhok mo. And please, isuka mo na lahat dito. Ayokong magpalinis ng sasakyan bukas."
Agad kong binigay kay Xerxes ang buhok niya at tinignan ang drawer ng sasakyan ko. Wet wipes lang ang meron ako. Mabilis ko iyong binato kay Xerxes.
"Bakit ba kasi uminom ka agad ng marami ha? Ano? Hindi makapaghintay?" Anong oras pa lang ay lasing na!
Kinuha ni Xerxes ang binigay ko at pinunasan ang kanyang bibig. "Bakit kasi hindi mo pinaalis agad si Tito Valdemar? Nakipag kwentuhan ka pa ata!"
"He wants me to marry Simoun Marasigan, okay? Ni hindi ko nga alam ang pangalan non!" Reklamo ko, I know that I'm already 29 and I should get married soon pero ayoko naman sa hindi ko kakilala!

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
General FictionAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...