37

4.8K 180 32
                                    

I looked at him with so much questions in my mind. Anong pag-uusapan namin? Bakit gusto niya kaming mag-usap? Alam ko galit na galit siya sa akin, ha?

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa braso ko ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

His expressions changed while looking at me. He looks like he is longing for something. Kahit ako ay nagulat nang bigla niya akong higitin. His touch made me missed him more! At ngayon na magkaharap kaming dalawa ay pakiramdam ko bibigay na talaga ako.

"Anong pag-uusapan?" I gulped. Trying to stay calm as possible.

Lazarus sighed. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. "I'm sorry for what I said to you back then."

Nagulat ako ron. He has every right to be mad at me yet he's the one saying sorry?

"Naiintindihan ko." Sabi ko. "Ginago kita. Naiintindihan kong galit ka."

"Wala na akong pakialam sa ginawa mo, Adira." He said softly.

Bago pa ako makasagot sa kanya, nakita ko na agad ang bulto ng katawan ni Bheatriz.

"Lazarus?" Tawag ni Bheatriz dito.

Nilingon agad 'yon ni Lazarus.

"H-Hinahanap na tayo ni Liberan." Aniya at tumingin sa akin, halatang nagtataka.

"Mauna ka na. Susunod ako." Ani Lazarus, hindi pa rin natatanggal ang titig sa akin.

"Pero--"

"Susunod ako, Bhea." Lazarus said with finality.

"S-Sige.."

Akmang aalis na si Bheatriz nang magsalita ako.

"Mauuna na ako." Sabi ko sa kanila.

Galit akong tinignan ni Lazarus at mukhang pipigilan pa. Hindi ko na siya binigyan ng tiyansang gawin pa 'yon, I know for a minute that I will give in to him.

Hindi ko alam kung sumabay sila sa pag alis ko. Namataan agad ako ni Xerxes at mabilis niya akong pinuntahan nang matanaw kung sino ang nasa likod ko.

I marched half running but I need to be careful. Blame everything to your wedge, Adira! At sa kada lakad ko pa ay ang pagtunog ng wooden tiles!

"Adira!" Tawag ni Xerxes at hinawakan ang kamay ko.

Pinanlakihan ko agad siya ng mata.

"Miss Gotesco?" I heard a familiar voice.

Sabay naming tinignan ni Xerxes si Mr. Avida, he's in his business suit and holding his coffee. Malawak ang ngiti nitong tinignan ako.

"Why are you here?" Tanong nito.

Okay, why is everybody asking me that? Natural akin 'tong café na 'to kaya normal lang na paparito ako, no!

"I just visited my café.." Sagot ko sa kanya.

I am fully aware of some presence at my back.

Tumawa si Mr. Avida at naglahad ng kamay. "Next week na ang kasal mo, a? Congrats!"

Halos malaglag ang panga ko sa binalita niya. Next week na? Lumipad agad ang mata ko kay Xerxes na nagkibit balikat lang.

"Ang bilis niyo magpakasal ni Sangria!" Ani ng matanda, "Sabagay buntis ka na kasi kaya kailangan niyo na talagang magpakasal.."

Gusto ko siyang busalan sa sinabi niya! Malakas na tumikhim si Xerxes na naging ubo na. Ako naman ay hindi alam ang sasabihin ko!

At alam kong nasa likuran ko sina Lazarus! Hindi ko man lingunin ay dama ko ang nakakatusok na titig nito sa akin!

Kiss Of JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon