"What theme do you want?" Nakangiting tanong sa akin ni Xavier habang tinitignan sa magazine ang iba't-ibang tema sa kasal.
"Bahala ka." I bluntly said.
Tumango siya sa akin bago bumaling sa wedding organizer, they talked for a few minutes while I'm busy eating my yogurt.
If there's a thing that I can be proud of, it is my undying love for my parents. No matter how much I wanted to defy them, I couldn't. Lalo na kung ang humiling sa akin ay ang aking ina na nakaratay sa hospital bed at nanghihina.
Hindi ko kayang sumuway.
Akala ko nung una, hindi ko kaya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong kausapin si Lazarus, baka matext ko siya. But father made sure that I'm always busy.
Natanaw ko di kalayuan ang isang business magazine, kinuha ko 'yon at napangiti sa nakita.
I'm happy that Lazarus is still soaring because of his skills in business. Kung mabago man ang oras, dapat ngayon ay nagcecelebrate kami dahil nangunguna nanaman siya sa industriya. Pero ito ako, staring at his picture and his new achievement. Ganito na lang ata talaga ang mangyayari sa akin.
"Adira, kain na tayo." Hinaplos ni Xavier ang balikat ko pababa kaya napalingon ako sa kanya.
Nakita ko ang mabilisang paglipad ng mata niya sa tinitignan ko ngayon.
"Anong gusto mong kainin?" He asked, ignoring what he saw.
Umiling ako. "Hindi ako gutom."
"Baka gutom na si baby.." He tried to smile at me.
Ngumuso ako at bumaba ang tingin sa aking tiyan. Now I can see my baby bump. Tumayo ako at agad namang nakaalalay si Xavier sa akin.
"He's doing good." Sambit niya bigla.
"Sino?"
"Lazarus." Xavier opened the door for me.
Nakahawak siya sa aking bewang, may malapit na restaurant dito. Malamang doon na lang din kami kakain.
"Bugbog na siguro 'yon sa trabaho.."
"It has been two months, Adira.." Mahinang sinabi niya sa akin.
Mapait akong ngumiti sa kanya habang tinatahak namin ang daan papunta sa kainan. My family still insisted about the marriage, kahit ayaw ko ay pinilit pa rin nila kaya wala akong nagawa.
Isang buwan na rin matapos ang pagprepara sa kasal namin ni Xavier. I know that he's observing that I'm not imterested with it. Sa lahat ay siya ang nagpaplano. He will consult me of something and I will just nod at him.
I can easily moved out from my family. Pero dahil alam kong ipapa block list nanaman nila ako sa bawat kompanya na aapply'an ko ay huwag na lang. Baka mapano pa ang anak ko.
"Alam mong ididivorce kita pagkatapos ng ilang buwan, diba?" Utas ko.
Tumango siya. "Alam ko."
"Bakit ipagpapatuloy mo pa rin?"
Xavier just smiled at me but it does not reach his ears. Inassist agad kami ng waiter nang makarating kami sa loob.
"This is what they want, Adira." Sabi na lang ni Xavier, "Ano ang gusto mo?"
"Vegetables." I shrugged.
Sumasakit ang puso ko kapag nakikita ko kung gaano tinitiis ni Xavier ang lahat ng ito. Alam niyang ikakasal ako sa kanya para lang magkaron ng ama ang anak ko. At para maiwasan ang kahit anong eskandalo na pwedeng madawit ang pangalan namin. Pero bakit gusto niyang matagalan ang lahat ng ito? He has his own name. He can back out, pero bakit siya sunod-sunuran kay Mama?
BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
General FictionAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...