Tumango ako sa kanya. It's funny how I don't even know the exact time of my own wedding. Nagulat na lang ako nang tawagin ako at sabihing oras na para sa kasal ko. This is really far from the real one that I am always wishing.
Kung sana ay naiba lang ang panahon.
Tatakas ba ako o hindi? Parang wala namang dahilan para ron. Ni hindi ko nga alam kung isang batalyong mga guwardiya ang nakabantay sa akin mamaya. Kasal ba talaga 'to o....
Sa isang linggong nakakulong ako, wala akong ibang nakakausap kundi ang mga maids lang. Kakatok sila para mabigyan ako ng pagkain tapos aalis na rin. I felt like I have a contagious disease kung kaya't nakarehas ako sa sarili kong silid.
At kapag naman sinusumpong ako sa pagiging maselan ko, iilan ang dumadalo sa akin. Pinapapunta rin marahil ni Tatay ang OB Gyne para tignan ang lagay ko.
Hinayaan ako ng katulong maligo. It's funny how heavy my feeling is. Mismong kasal ko ito pero parang hindi. Parang sisistensiyahan ako sa posisyon na dapat ay sagrado.
Inalalayan ako ni Betty sa pagbaba ng hagdan. There are no people left in the mansion, probably they're at the church and having fun with other guests.
Kahit pa mabigat ang pakiramdam ko. Taas noo pa rin akong naglakad palabas ng mansyon. I need to be strong this day. Dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa araw na ito.
Naging mabilis ang oras ko, the driver drove for thirty minutes in a fancy hotel. Dito ako aayusin ng mga make up artists. Ilang minuto lang ang layo nito sa mismong simbahan. Nang makarating kami, hinayaan kong mauna sa pagbaba ang driver bago maglahad ng kamay sa akin at alalayan ako.
"Miss Gotesco.." The staffs bowed without glancing at me because they are intimidated by my presence.
Hindi ko sila pinansin at hinintay na ituro ako sa tamang kwarto para maayusan.
Akala ko nung una, ako lang ang mag-isa at maglulugmok sa araw ng kasal ko. When I heard a familiar voice, my face suddenly lit up!
"Adira!" Xerxes hugged me. She's now wearing her pastel dress. "Oh my God! Are you okay?"
I hugged her tighter. I missed this girl so much! Kung sa ibang pagkakataon lang, madadagdagan ang tuwa ko na nandito siya!
I wiped away the single tear and nodded. "Buti nandito ka."
"Pinilit ko si Tito.." Aniya, "This is your wedding. Sabi ko, wala ka nang magagawa at wala kang planong tumakas."
Xerxes held my hand as if trying to soothe me.
"Salamat, Xexe." Tanging nasabi ko.
Back then, in our highschool days, we were always joking about our own marriage. Nagtuturuan pa kung sinong mauuna. Lagi kong sinasabi na siya dahil noon pa man, mas may karanasan na sa akin si Xerxes. I even told her that it is impossible for me to get married. Kung magiging posible man, napaka swerte ng lalaking 'yon dahil talagang nakuha niya ang puso ko.
Pero tignan mo naman ngayon, I'm getting married because of business. Ni wala akong nararamdaman sa taong pakakasalan ko ngayon.
"Adira, I'm so sorry. Wala akong nagawa." Malungkot na sabi niya.
"Marami kang nagawa sakin." Umirap ako. Alam kong iiyak 'to, e! "Huwag ka ngang magdrama. Masasayang ang make-up mo!"
Nagtawanan kami. She snaked herself to my arms and we both walked to my room.
Binati agad ako ng ilang kilalang make-up artist. Hindi na bago sa akin ang maayusan ng ganito kaya nagpatinaod na lang ako. It took an hour before finishing my make-up. Huling sinuot ko ang wedding gown. They made me stood on a platform before helping me to completely wear my attire.

BINABASA MO ANG
Kiss Of Judas
Fiction généraleAdira Celestine Gotesco is the only child of Elfrida Gotesco and Valdemar Gotesco, at dahil nga nag-iisa nilang anak si Adira ay wala silang ibang hinangad kundi ang kagustuhan nito. What Adira wants, Adira gets. If she cannot have it then she will...