Chapter 5: Party

165 7 0
                                    

-Party-


Ivy's POV

"Uy Coleen tara!" aya ko kay Coleen.

"Huh? Saan?"

"Basta tara na!" sabay hila ko sakanya papunta sa booth.

"Oy ano ba toh?" nalilito niyang tanong.

"Wag ka nalang maingay." sabay blindfold na ni Maddie sakanya.

"Mga takte kayo pinagtritripan niyo nanaman ako!"

"HAHAHAHHA!"

Sila Yum at Ash ay hawak hawak ang magkabilang braso ni Coleen habang sila Zara at Ki ay tawa ng tawa. Ganda ng tulong niyo diyan.

"Putek! Ano toh kidnap?!"

"Wow o.a teh ah bat ka namin kikidnapin?" -Ash

"Aba malay ko sainyo, kayo tong nangpipiring ng mata eh." porke piniring, kidnap agad? Hindi ba pwedeng pagtritripan lang?

"Shh ka nalang." sabay tulak na namin sakanya papunta sa loob ng tent at sinarado.

~Flashback6:30pm(first day)

Kasama ko ngayon si Maddie. Nakahiga lang siya sa kama habang nagccp tas ako nanonood lang ng TV ng may bigla akong naisip.

"Uy Maddie, pagtripan kaya natin si Coleen?"

"Ano nanaman balak mo?" sabi niya habang nakatingin parin sa cp niya.

"Makinig ka kasi, diba may acquaintance party tayo bukas ng gabi?"

"Oh tapos?"

"Tas may mga booth don? Plano ko papuntahin natin si Coleen dun sa isang booth na parang blind date ba yun? Tas kablind date niya si Josh."

"Hmm...pwede yun ah, kaso pano natin gagawin yun?"

"Bukas na natin sabihin kila Zara yan. Tas pag nakasalubong ko yung isa sa mga tropa ni Josh sasabihin ko sakanya para ipasabi niya nalang sa iba."

"Sige, sige!"

~Kinabukasan(Umaga)

Nasa room lang kaming lahat, nung nagcr si Coleen, dun na namin sinabi yung plano namin sakanila.

"Okay yan ah, pero sana di kj si Coleen...alam niyo naman yun." -Ki

"Sus di yan...iblablind fold naman natin siya eh kaya di niya rin malalaman kung sino yung nasa loob ng tent." -ako

"Pero pano natin mapapapunta si Josh dun?" tanong ni Yum.

"Ako na bahala, kakausapin ko yung isa sa mga tropa niya."

"Ah sige, sige." nung nakita naming pabalik na si Coleen nanahimik na kami.

"Hey guys." bungad ni Coleen.

"Tagal ah, tumae ka ba?" -Maddie

"Oy hindi ah."

"Kaya pala ang baho." -Yum

"Luh takteng yan."

"HAHAHAHHAH!"

~Timeskip

Habang naglalakad ako bigla ko nakita si Axel na tropa ni Josh kaya tinawag ko siya.

"Uy Axel!"

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon