-Graduation-
Third Person's POV
Isa-isang tinawag sa stage yung mga estudyante upang ibigay ang kanilang diploma. Hindi gagraduate si Audrey dahil sa ginawa nitong kasalanan. Same with her friends.
Lastly, speech ni Zara as the school's president.
(Masyadong mahaba, skip na yun HAHAHHA!)
"Congrats everyone! Hope to see us all being successful in the future!" at sabay sabay nilang hinagis yung graduation hat.
"WOOOH! Graduate na tayo!"
"Arat picture!" aya ni Maddie sakanila.
Habang naguusap sila napansin nila Maddie at Ivy si Yum na malungkot kaya naisipan nila itong lapitan.
"Ui Yum, anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Ivy sakanya.
"I-uhm.."
"Tara join ka samin." aya naman ni Maddie.
"O-Okay lang ba sakanila?" sabay turo ni Yum kila Zara.
"Oks lang yan tara na!" sabay nila itong hinila.
"Oh san kayo gali-" napatigil si Zara nung makita si Yum. "Bat niyo yan kasama?"
"Uh sige alis nalang ak-"
"Move on na Zara, people change. Tsaka obviously si Audrey lang naman may kasalanan ng lahat." pagtanggol ni Maddie.
"Pero-"
"She's right, i think it's time to forgive." panggatong ni Haden.
"Yeah, tsaka, dala lang naman ng galit yan eh." -Josh
"S-Sorry sainyo. Sorry sa nagawa ko. Sorry sa lahat...ok lang naman kung di niyo ako patawarin eh, ako yung may kasalanan. Sorry talaga."
"Ano ka ba, past is past na noh." -Joseph
"Kaya nga, tsaka madami rin pinagsamahan noh, sasayangin ba natin yun?" -Sage
"Taena mo Yum halika nga dito!" sabay yakap ni Ash kay Yum na niyakap ito pabalik. "Namiss kitang gaga ka!"
"Namiss rin kita gagi."
"Hoy damot niyo payakap rin!" at lahat sila nagyakapan except kila Coleen at Zara.
Natapos ang group hug nila kaya napatingin sila kila Zara.
"Oi kayong dalawa, bati bati na oh! Past is past nga diba? Kalimutan na natin yun!" sabi ni Ash. Kahit nagdadalawang isip si Zara, nilapitan parin niya ito at nakipag-shake hands.
"Welcome back." nginitian ito ni Zara.
"Thank you." ngiti nito pabalik.
"Oh Coleen?" tinulak ito ng mahina ni Josh palapit kay Yum.
"Y-Yum.." nagulat silang lahat ng bigla nitong hinampas si Yum.
"Aray!"
"Takte ka! Pambawi ko lang kasi di ka namansin!"
"Luh!" at bigla silang nagyakapan.
"Okay ang drama na, pupunta kami sa treehouse ngayon para magcelebrate, sama ka samin?" aya ni Sage. Tumango naman si Yum.
"Yownn! Arat naaa!"
Ki's POV
Nakikita ko silang masaya na. And i'm also happy for them. Tsaka nalang ako babalik pag okay na ang lahat.
"Ano? Let's go?" tanong sakin ni Rylan pagkasakay sa kotse. Tumango nalang ako bilang sagot. I'm going to Japan. Tatapusin ko ang problema na dinala ng tatay ko. Para na rin hindi madamay ang mga kaibigan ko. I hope everything will go well with them.
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA