-Break up-
Josh's POV
"May nakalimutan tayo guys!" sabi ni Ash.
"Ano nanaman yan? Ang alam ko sila Ivy at Tristan lang ah?" sambit ni Coleen.
"Yung..."
"Yung???" sabi naming lahat, pabitin naman neto.
"Pagkain guys! Nakalimutan natin bumili ng pagkain! Huhuhu!"
"Naknamputcha..."
"Ewan ko sayo Ash." -Zara
"Eh kasi naman! Huhu!"
"Oh sige na, samahan na kita bumili ng pagkain, baka umiyak ka na eh." pag-aya ni Sage.
"Yesss! Pero excuse me, di ako iiyak noh!"
"Oo na." at tuluyan na silang umalis.
"Oo nga pala, bat ka nga pala badtrip kanina, Tristan?" tanong ni Ivy kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"Kasi...." di niya masabi. Tae witness rin kami eh. Tinignan kami ni Tristan na parang nanghihingi ng tulong.
"We saw you hugging Jackson." biglang salita ni Haden, straightforward talaga tong isang toh pag nagsalita amp.
"Yeah, so we thought na baka nagkabalikan kayo or something." isa rin tong si Maddie eh.
"Mga bonak kayo!"
"Eh kung sabihin mo na kaya agad kesa naman nagbobonak ka pa diyan?" ok tinotoyo nga po si Zara.
"Chill, ganito kase, gusto sakin makipagbalikan ni Jackson kaso sabi ko sakanya iba yung gusto ko, kaya niya ako niyakap dahil nanghihingi ng chance pero tinulak ko naman siya kaya ayun."
"Ahhhhhh"
"Ano ok na? Bilis niyo kasi manghinala...ayan tuloy." piningot niya pa yung tenga ni Tristan.
"Aray naman!" tumawa nalang kami.
"Waitttt!" pagsigaw ni Zara. Anlaki ng problema neto sa buhay noh?
"Ano nanaman?" -Ivy
"May isa pa akong gustong malaman." sabay tingin niya kila Maddie at Haden. "Kelan pa naging kayo?"
"ANO??? KAYO NA??" lahat kami nagulat except kay Zara.
"Huwaw Zara." -Maddie
"Oh baket? Curious na ako eh."
"Chismosa ka lang talaga."
"Teka nga! Kelan niyo pa to' balak sabihin samin ha?" inis kong tanong.
"Haden pre! Alam mo namang magbro's tayo ever since nung bata diba? Bat di mo sakin sinabi agad??" madramang sambit ni Axel.
"Wala ba kayong balak mag-explain ha?" -Yum
"Pano kami mag-eexplain kung puro kayo tanong?" -Maddie
"Sabi ko nga."
"So kelan pa naging kayo?" -Coleen
"Nung pumunta tayo sa beach resort nila Ivy." sagot ni Haden.
"Bat di niyo sinabi saamin agad?" -Ivy
"Well, ganito kasi...napagusapan namin na wag talaga sabihin sainyo." -Maddie
"Luh amputa." -Axel
"Wait lang kasi...gusto kasi namin hayaan na kayo na kusang makaalam."
"At bakit ha? Mukha ba kaming manghuhula?" -Yum
"No, but lahat kayo mahilig sa chismis so we thought na malalaman niyo rin."
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA