Chapter 24: Goodnight

77 5 1
                                    

-Goodnight-


Haden's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng may biglang tumawag sa cellphone ko.

"Oh?"

["Sungit ah."] si kuya.

"Bat ka ba napatawag?"

["Mangangamusta lang hahaha, musta lablayp tol?"]

"Wala."

["Ows, di ka parin umaamin kay Maddie?"]

"Hindi."

["Bakit?"]

"Di ko pa kayang umamin kay Maddie eh..."

"Anong sabi mo??" di ko natuloy ng biglang sumulpot si Zara. Fuck.

"Wala." inend ko agad yung tawag at pinatay na yung cp.

"Gusto mo ako nalang magsabi sakanya para sayo?" tanginang babae toh.

"Wag!"

"Hmm...ok." tas tatalikod na sana siya para umalis.

"Wag mong sasabihin kay Maddie." pahabol ko.

"Sure! But in one condition."

"Ano yun?"


Coleen's POV

Dito kami ngayon lahat sa court since p.e.

Puro practice lang rin pero saglit lang naman kaya may free time pa.

Kaya ayun andito kami sa may mga upuan, chill chill lang ng biglang lumapit samin yung mga lalaki.

"Oh ano ginagawa niyo dito?" masungit na sabi nanaman ni Zara.

"Lah, bat ba ang sungit mo lagi?" umupo si Axel sa tabi ni Zara.

"Kasi kasungit-sungit ka."

"Ouch naman Zara." pout ni Axel. HAHAHA tong dalawa parang tae lagi.

Lumapit si Ivan kay Yum at ayun, nagsimula nanamang maglandian.

"Luh? Di parin kayo tapos?" -Joseph

"Ay jusko wala silang balak tapusin yan." -ako

"Masyado na kasing nasayahan." -Zara

Tumawa nalang kami. Lumapit sakin si Josh at may binulong.

"Paabot naman ng towel ko oh, please." waaaaaah nakikiliti ako...omg ang landi mo Coleen umayos ka.

"A-Ah eto oh." sabay abot ko sakanya tas nginitian ako at pinisil yung pisngi ko bago lumayo.

"Guys cr muna ako ah? Saglit lang." -Josh

"Ge, kahit huwag ka na bumalik." -Ivan

"Pakyu pre." sabay alis na niya.

"Ayun umalis na rin yung tubol." -Sage

"HAHAHAA gago." -Axel

"Kala mo naman di rin siya tubol." mahinang sabi ni Ash pero rinig na rinig naman wahahhaa.

"Gago!"

"Ay sorry, affected."

"Tss."

"Oh tama na yan, bilisan na natin habang wala pa si Josh." -Joseph

"Bakit? Ano meron?" -Ki

"Papatulong kasi sana kami sainyo." -Ivan

"Saan?" -Yum

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon