-Sorry-
Zara's POV
"Luh anyare dun?" -Coleen
"Masyado na siyang masaya teh." sabi ko. Oo nga, nawala lang tas pagbalik bigla nalang naging siraulo(kahit matagal na).
"Baka may nangyari?" -Maddie
"Omg! Ano kaya yuuun??" o.a na sabi ni Coleen.
"HAHAHHA gaga tara na nga." sabi ni Yum kaya nagbihis na kaming lahat. Sakto kakarating lang ni Ash at hanggang ngayon mukhang badtrip parin.
"Oy Ash! Anyare sayo? Bat ganyan mukha mo?" tanong ni Yum sakanya.
"Wala!"
"Oh bat galit?" -Ivy
"Tss basta! Punyemas na Sage yan! I hate him! Mamatay na siya!" mabilisang bihis lang ginawa niya bago kami iniwan dun.
"Hay nako! Baka nag-away nanaman yung dalawa." -Ki
"Ewan ko ba sa dalawang yan, sarap pag-untugin." tinawanan nalang namin yung sinabi ni Coleen .
Pumunta na kami sa mga room namin. Kasabay ko ngayon si Maddie. Sakto nakasalubong namin si Sage kaya tinawag ko siya.
"Hoy Sage!"
"Oh?" ay badtrip rin.
"Galit? Galit?" -Maddie
"Tss...ano ba kailangan niyo?"
"Ano nangyari sainyo ni Ash?" napatahimik siya ng ilang saglit bago sumagot.
"W-Wala." nauutal niyang sinabi.
"Weeeh...eh bat di kayo nagpapansinan? Tsaka bat badtrip na badtrip si Ash?" -Maddie
"N-Nakita niyo siya?"
"Alangan, may mata kami eh." totoo naman eh.
"Kanina lang sa locker, so ano nga nangyari?" -Maddie
"Tss wala! Ewan!" akmang aalis na dapat siya pero pinigilan namin.
"Ops ops, di ka pwedeng umalis hangga't hindi mo sinasabi samin." sabi ko sakanya. Arte kasi ayaw pa sabihin amputek.
"Hayss may magagawa pa ba ako?"
"Wala, kaya ikwento mo na." -Maddie
At ayun kinwento niya nga. Hmm kaya pala.
Sabay naming binatukan si Sage.
"Aray! Tangina! Para saan yon?!"
"Yung akin...para sa kagaguhan mo." -Maddie
"Yung akin....wala trip ko lang batukan ka." kaya sinamaan niya ako ng tingin, hehe.
"Bonak ka kase! Bat kailangan mo pang sabihin yon?" -Maddie
"Malay ko bang magiging affected siya masyado."
"Luh tanga, kahit sino namang babae masasaktan pag sinabihan ng ganun." well, it's true.
"Di ko naman sinasadya."
"Hay nako! Bahala ka diyan, mahirap pa naman suyuin yan." sabi ni Maddie kaya napatingin ng diretso si Sage.
"P-Pano niya ba ako mapapatawad?" woah, si Sage ba toh? Hihingi ng tawad?
"Sage iz dat u? Hihingi ng tawad? Seryoso ka?" sabi ko, nakakapanibago ah.
"Bakit ba?!"
"Oh see, kaya di kayo nagkakasundo ni Ash eh. Warfreak ka, mas warfreak siya. Siga ka, mas siga siya. Kaya minsan magugulat nalang kami tuwing nagkakausap kayo ng maayos." sabi ni Maddie.
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA