-Call and Text-
Maddie's POV
Andito na kami sa dorm at pumunta na kaming lahat sa mga room namin.
Inunahan ko na si Ivy sa cr kasi napakatagal maghilamos ng babaeng yun. Nagbihis na ko, naghilamos mga chuchu.
Lumabas na ako at dumiretso na sa kama. Woooh! Nakakapagoood! Papikit na dapat yung mata ko ng biglang nagring yung cp ko.
Ivan calling~
Ano naman kailangan nito? Sinagot ko nalang yung tawag.
"Oh?"
["Grabe naman bungad nito."]
"Ano ba kasi yun? Gabing-gabi tas tatawag ka, inaantok na ko... Ano ba kailangan mo?"
["Sungit. Labas ka diyan."]
"Ulol." labas amp.
["Lah oo nga, labas ka diyan sa dorm niyo."]
"Bakit ko gagawin yon? Inaantok na kooo!" ano ba trip neto? Gusto ko na matulog takte.
["Saglit lang naman eh."]
"Gago pag ako napahamak rin."
["Di ah, may liligtas naman sayo."] pabulong niyang sinabi yung huli pero narinig ko naman.
"Bakit ba kasi? Tinatamad na ako lumabas eh."
["Bastaaa!"]
"Pota siguraduhin mong may maganda kang dahilan para sirain yung pagtulog ko ah."
["Oo, baka matuwa ka pa nga eh."]
"Gago." binabaan ko nalang at tumayo.
"Oh saan ka pupunta?" tanong sakin ni Ivy paglabas niya ng cr at nakita niyang palabas na ako.
"Eto si Ivan, pinapalabas ako."
"Bakit daw?"
"Aba malay ko diyan, kainis sinira pa pagtulog ko."
"Hahahah oh sige na puntahan mo na, baka mapatay ka pa ni Yum niyan eh."
"Wow ah, sisihin niya si Ivan." di ko na siya inantay magsalita at lumabas na ako. Tulog na ata sila lahat eh, punyeta ang dilim.
Pagkalabas ko tinawagan ko ulit si Ivan.
"Hoy! Andito na ako sa labas, ano meron?"
["Wait lang."]
"Hoy-" bastos binabaan ako.
Nagulat ako pagtingin ko sa harapan ko...
"Ay pota! Ano ba naman yan Haden oh, nananakot ka ba? Tsaka ano ginagawa mo dito?"
"Galit ka ba?" tumahimik lang ako at yumuko. Lumapit siya sakin nung nakitang hindi ako sumasagot.
"Maddie."
"A-Ano?"
"Galit ka nga?" umiling ako.
"Tss, dahil ba hindi kita pinapansin?"
"H-Hindi." nakita kong may nilabas siyang stuffed panda at chocolate galing sa likod niya.
"P-Para kanino yan?"
"Sayo alangan." di nga?
"Bakit?"
"Kanina ko pa dapat ibibigay pero mukhang busy ka masyado." ako pa busy? Talaga? Sana ol busy.
"So kaya ako pinalabas ni Ivan kasi..."
"Inutusan ko."
"Pero bat mo ko binigyan?"
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA