Chapter 55: Problem

49 3 1
                                    

-Problem-

Third person's POV

Umagang-umaga pero wala manlang kibo si Zara sa kanyang mga kaibigan. Mukhang naapektuhan talaga ito sa nangyari.

"Uhm, guys, yung sportsfest malapit na diba? Ano balak natin gawing booth?" pagbasag ng katahimikan ni Maddie.

"Ano ba maganda?" -Ash

"Suggest ko guys kpop booth, hehe." -Coleen

"Ano mangyayari dun?" -Maddie

"Ewan ko rin eh."

"Taeng yan."

"Suggest ko food booth." -Ash

"Ayan nanaman po sa pagkain si Ash." -Coleen

"Opkors."

"Lagay kaya tayo horror booth?" suggest ni Ivy.

"O kaya aquarium booth para sayo." asar ni Yum.

"Pakyu." tinawanan nalang siya ni Yum.

"Pero okay yung horror booth ah?" pag-sangayon ni Maddie. "Sige, ano pa?"

"Uhmm.."

"Marriage booth kaya?" biglang suhestyon ni Ki ngunit biglang napatayo si Zara.

"Una na ko."

"Huh? Mamaya pa naman magsisimula yung klase ah?" -Coleen

"May gagawin pa ko." di na siya nagpaalam at tuluyan ng umalis.

"Shit, mukhang naapektuhan nga talaga siya." -Maddie

"Sino ba namang di maaapektuhan sa ganun teh." -Ash

"Dapat di mo na sinuggest yun, Ki." -Ivy

"Sorry, nakalimutan ko eh." tinuloy nalang nila ang pag-iisip ng booth hanggang sa malapit na magsimula yung klase nila kaya sabay-sabay na silang umalis.

Ash's POV

Habang naglalakad na ako mag-isa bigla kong nadaanan sila Audrey at Hailey na naguusap kaya naisipan kong makichismis sa mga ito.

"I'm so happy, finally! Makukuha ko na rin si Axel!" -Audrey

"Swerte mo, bes! Sana makuha ko rin si Haden."

"Don't worry, tutulungan kita."

"Really?!"

"Yup. Di ko talaga trip yung Maddie na yun, like duh."

"Ikr! So ano gagawin?" nagbulungan na sila kaya di ko na masyado narinig.

"I like that, thank you bessy!"

"No prob."

"Oh tara na, gusto ko makita itsura ni Zara ngayon na miserable." bitch!

Tuluyan na silang umalis kaya ako naman nagmadaling hanapin si Maddie, kailangan ko siya sabihan! Hinayupak na Audrey at Hailey yan ampotek!

Ayy malapit na magsimula yung klase jusko, mamaya na nga lang.

Pumasok na ako sa klase at sinalubong agad ako ni Sage.

"Oh Ash? Bat ka nakabusangot diyan? Pangit mo tuloy."

"Aba eh kung bugbugin kaya kita?!"

"Joke lang."

"Tss." nanggigigil ako dito ah.

"Bat ka ba kasi badtrip?"

"Basta." di ko na pinagtuonan ng pansin si Sage at baka mabugbog ko pa toh ng di oras.




The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon