-Best Gift-
Zara's POV
Tuloy parin ang party, inaya kami ng magulang ni Josh na dito na sakanila matulog kaya pumayag narin kami since wala namang pasok bukas. Tsaka umalis rin mga magulang niya kaya kami nalang rin andito. Kaya heto nagkwekwentuhan at kumakain lang kami.
"Teka cr lang ako ah?" paalam ni Axel bago umalis dun.
"Psst, Zara." -Coleen
"Oh?"
"Wala ka parin ba gusto diyan?" -Coleen
"Kanino?" tanong ko kahit alam ko naman na kung sino.
"Kay Axel." -Coleen
"Wala."
"Weeeh."
"Wala nga."
"Weeeeeeeeeeeehhhhh." pangungulit sakin ni Coleen.
"Hay nako, ewan ko sayo...manigas ka diyan." sabay tayo ko at pumunta sa may malapit sa karaoke, ayun nakanta lang dun sila Ivy at Yum. Masyado na silang masaya mga teh.
Pagtingin ko sa gilid ko nagulat ako nung natumba sakin si Axel kaya sabay kaming nahulog at...
Dumikit ang mga labi namin....
"WOOOOHHH!" hiyaw nila. Shit! Nakita nila!!
Sa sobrang gulat ko bigla ko siya tinulak at tumayo bigla.
"Putangina mo Axel!!!" sabay hampas ko sakanya.
"Aray!!" tuloy paring hampas ko. "A-Aray puta ano ba?!" tas hinawakan niya yung mga kamay kong humahampas sakanya. "Tumigil ka nga! Baka gusto mong halikan ulit kita?!" aba!
"Langya ka! Inagaw mo na nga first kiss ko!"
"Wooow kasalanan ko pa???"
"Oyyy tama na yan, wag kayo magaway dito." awat samin nila Josh.
"Eto kasing kaibigan mo eh!" -ako
"Ano ba nangyari pre?" tanong ni Josh kay Axel.
"Tsk pabalik lang ako galing cr tas nakita ko si Zara kaya lalapitan ko na dapat siya, tas di ko naman alam na sumabit yung paa ko sa wire dito kaya ako natumba." pageexplain samin ni Axel.
"Woah ah! Bat sakin pa??"
"Ba malay ko bang sayo ako mafafall." sabay kindat niya at ngumiti ng pangasar. Putekk!
"YIIIIIIE!" tanginang mga taong toh.
"Tss ulol!" kaya umalis na ko dun at pumunta sa may swing malapit dun.
Di ko naman inasahan na sumunod pala siya.
"Uy bat ka umalis?" -Axel
"Kainis ka kasi."
"Luh, ginawa ko sayo?" di ko siya sinagot. "Dahil ba sa kiss?" di ko parin siya tinitignan. "Uy kausapin mo naman ako, sorry na oh." hinawakan niya yung baba ko at nilingon sakanya. Bat lumalakas tibok ng puso ko...
"Tss hindi dun." kaya inalis ko yung kamay niya.
"Eh ano nga?"
"Wala." sa totoo lang, kaya ako nainis kasi ng dahil sa kiss na yun...lalo lang lumalalim ang pagkagusto ko sakanya. Ayoko naman sabihin dahil baka ako lang pala nakakaramdam ng ganun saming dalawa, pero kasi....ay ewan!
"Parang sira, maiinis ka tas wala? Nu yuuun." natatawa nalang ako sa itsura niya, pfft.
"Tawa pa."
BINABASA MO ANG
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA